CHAPTER 06

41 3 4
                                    

Chapter 06

Katahimikan lang ang namagitan samin ni Finn sa loob ng sasakyan Habang nasa byahe.

Ano naman kaya ang nakain ng lalaking to kung bakit ako Sinundo? At tsaka paano nya nalaman na nasa Waiting shed parin ako sa ganong mga oras.

"Nag chat ako sayo pero hindi ka nag re-reply" napa baling ako ng tingin sa kanya

"Huh?"

"I don't Have your number kaya sa Messenger lang kita pwede I chat. Nag chat ako sayo na susunduin kita"

So ano nga ang Rason kung bakit moko Sinundo. Mahirap ba maging straight forward, napa buntong hininga nalang ako.

"Hindi naman na kailangan. Nag abala kapa" sabi ko.

"Kung hindi kita sinundo Malamang Maabutan kapa ng gabi" sabi nya, natahimik naman ako.

Tama naman si Finn, kapag ganong mga oras wala na talagang nag sasakay sa mga gaya ko lalo na na solo lang ako.

Hindi ka makakasakay kapag wala kang Kasama. Eh kasi ba naman 5pm ang Out namin sa club kaya anong magagawa ko?.

Ang problema lang talaga ang Pag commute pag uwi sa bahay. Kaya minsan nag lalakad ako at baka ma tyempuhan na may dumaan na pwedeng Sakyan.

Nang maka rating na kami sa bahay ay As usuall wala si Kuya.
Pinatuloy ko si Finn sa Bahay at pinag timpla ng kape.

"Ah. Finn gusto ko lang sana I balik to. Matagal ko na balak Isa uli kaso nawawala sa isip ko"

Inilahad ko ang Id sa kanya. Natigilan naman sya.

"Na hulog mo yan don sa Kanaan Hill" Sasabihin ko ba kung saan kami unang nag bardagulan?.

Nakita ko ang pag ngisi nya na parang maalala.

"Oh. all these time Nasa sayo 'to?" Tanong nya na ngayon ay naka tingin na sakin.

Kinuha nya yon sa Kamay ko ay tinignan.

"Nahulog mo yan nong umalis ka doon sa ano" napa kagat labi nalang ako.

"Sa lugar kung saan tayo Unang nag kita at nag away" Napa labi nalang ako nang tumawa si Finn, napa tulala ako agad dahil mas bagay sa kanya ang ganung expression.

Ang pogi nya.

"Eh kasi naman, kumukuha lang ako ng pictures tapos Sasampahan mo ako agad ng Kaso?. Kasalan ko bang gwapo ka kaya kinunan kita ng Pic"

Natigilan sya sa sinabi ko at huli narin nang ma realized ko ang mga yon.

"Ano. Wala yun, nahagip kalang ng Camera ko basta yun" palusot ko. Pero naaliw lang si Finn sa Reaction ko.

"Hindi yan ang sinabi mo" naaliw nyang Sabi at mahinang tumawa.

"Wag mo nga akong tawanan! Parang sira" para atang Umakyat sa mukha ko ang lahat ng dugo ko.

Nag iwas ako ng tingin at umupo sa Sofa at nag Iwan ako ng Pagitan saming dalawa.

Bakit ko naman kasi yun sinabi? Mukha na akong timang. Sa isip ko lang naman dapat yun pero bat nasabi ko?.

Naging Awkward na tuloy, hindi ko alam kung paano sya kakausapin ulit. Pero totoo naman ang sinabi ko na Gwapo sya hindi naman ako nag sisinungaling. Napa sapo nalang ako dahil sa pagiging OA ko.

May Kainan dito sa bahay, birthday kasi ng kapit bahay namin at dito inihanda sa amin. Nag Text narin ako kanina kay Raff na pumunta dito sa bahay dahil may Kainan at pupunta naman sya.

Take A Chance With Me. (SHS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon