Chapter 7
Palabas nako ng school at ngayon lang kasi kami nag si labasan as usual, natagalan lang ako dahil inayos ko pa ang gamit ko.
Kasama ko si Tiffany na ngayon at Nag uusap lang kami , nang biglang Naagaw ang Atensyon namin kay Carlos na ngayon ay nag lalakad.
"Carlos?" Tawag ko kay Carlos na agad naman napa gawi ng tingin dito sa amin.
"Do you know him?" Takang tanong ni Tiffany. Tumango lang ako. Nag lakad si Carlos palapit samin.
"Oh bakit nandito kapa? Kanina pa labasan ng mga Regular class natin ah?" Takang tanong ko.
"Ah nakalimutan ko kasi phone ko kaya binalikan ko. Kaka dismissed lang sa inyo"
"Ah oo. By the way Carlos si Tiffany pala Classmates ko sa media Arts photography" pakilala ko kay Carlos kay Tiffany. Nag shake hands naman sila.
Nag lakad na kami papuntang Waiting shed pero Agad naman na dumating ang Sundo ni Tiffany kaya kami nalang ni Carlos ang Naiwan doon.
Napa sandal ako sa upuan.
"I heard about Rafferty, kumusta na yon?" Tanong nya, bumuntong hininga lang ako at binalingan sya.
"Okay na naman na sya. Buti at mga Minor Injuries lang ang nakuha nya" sabi ko.
Nag usap lang kami ni Carlos doon.
"Alam mo kain muna tayo nagugutom na ako eh" aya niya sakin. Pero napa iling nalang ako kasi Baka hindi na ako maka sakay at nag titipid rin ako.
"Ano ba. Libre ko naman, at kung pinoproblema mo yang Masasakyan Mo ako na bahala nasa parking lot naman yong kotse ko" sabi nya.
May sasakyan naman pala tong lalaking to bakit nandito pa to? Gabi na at nandito pa.
"Meron ka palang sasakyan eh" sabi ko at ngumiti lang sya. "Don't worry about that ihahatid kita sa inyo" He gave me an assurance smile at nag wink sakin tumawa nalang ako.
"Sinabi mo yan ah!"
"Oo naman ako pa!" Sabi nito sabay tapik sa Dibdib.
Tumawid kami sa kabilang Kalsada at kumain, hindi naman ako na inform na yayamanin pala tong Lalaking to. Ang daming Binili, nahihiya ako pero sabi nya wag na mahiya kasi Libre naman talaga.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag selfish din ako with Carlos. Dapat Featured sya sa stories ko kasi libre nya yon sakin diba?.
"Ang sarap pala dito no? Ngayon lang ako naka kain dito eh" sabi ko.
"We?" Natawa ako sa reaction nya.
"Seryuso nga. Ang mahal ng mga Pag kain dito pero thank you sayo at least Naka kain nako dito" sabi ko sabay subo sa steak. Ang sarap talaga.
"Next time isama mo yong kaibigan mo. Si Tiffany" naka ngisi nyang sabi napa tawa nalang ako.
Ang gagi kaya pala nan lilibre kasi nag papalakas sakin para ma palapit kay Tiffany. Napa iling naman ako.
"Kaya pala nag papa libre" tawa ko.
"Luh , hindi naman sa ganun. Walang ibang Intensyon ang pag libre ko sayo no" nag usap lang kami ng kung ano ano.
Classmate ko si Carlos since Grade seven kaya hindi narin ipag tataka ang na close kami.
Si Carlos lang yong tipong Down to earth kasi kahit mayaman at kilala ang pamilya nila ay sobrang humble nya at mabait.
Matapos ang pag kain ay namin Dalawa ay Inihatid na nya ako sa bahay. Ang gara ng BMW na sasakyan nya. Kahit mag ipon ka talaga hindi mo mabibili tong ganitong sasakyan.
BINABASA MO ANG
Take A Chance With Me. (SHS #2)
RomancePangarap ni Jarel ang maging isang sikat na Photographer. Para sa kanya ang pag kuha ng larawan ng Mga Lugar at magagandang tanawin ay naging Sandalan nya. Pero nang pinag tagpo sila ni Finn ay parang nagulo na ata ang utak nya. Parang isang Camera...