Chapter 19"The graduation is near kaya naging abala ako sa ginagawa ko. Marami rin kasi akong pending na mga projects kaya inuna ko iyon.
"Grabe no?! Ang tapang mo kaya proud ako sayo," sabi ni Marcos at ngumiti. Kasama ko sila dito sa room. Halfday lang kami ngayon pero mas pinili kong mah pa iwan sa room para dito gawin ang mga pending ko.
Tinulungan din ako ng mga kaibigan ko.
"Si Rafferty, mukhang hindi na talaga sya papasok," sabi ni Kelvin.
I feel him. Alam ko masakit rin ang nararamdaman ni Raff. Hindi ko man lang ma bisita sya. Takot ako kasi kapag nag kita kami baka mag kita rin kami ni Finn, yon ang ayaw ko pa. Hindi pa ako handa para doon at ayaw ko pa aya makita.
"Pinipilit ko lang naman talaga. Sukong suko na ako pero wala akong choice eh," sabi ko.
"Don't worry Jarel, kahit wala si Raff kami muna. Pag kailangan mo kami, sabihin mo lang, tawagan mo lang kami," ngiting sabi ni Tiffany.
"By the way Jarel, sino 'yong lalaking kasama mo? 'Yong laging naka Black Jacket at naka Cap?" ni Marcos.
"Ha? Eh?" Sasabihin ko ba?.
"Si Migo Alcazar," sabi ko.
"You gotta be kidding me," sabi ni Tiffany.
"Gagi?" si Kelvin.
"Wee?" ni Marcos.
Natawa ako sa reaction nila pero ngumisi lang ako sa kanila.
"Seryuso ka?!" Sabay-sabay silang sabi. Tumawa ako at napailing.
Tumango ako. Actually, Migo is on the way now. Susunduin nya ako.
"He's on the way. Sasabihin ko na lang na dito sa room ko alam naman na nya yon," sabi ko.
Nag-text ako kay Migo at sinabi na straight na siya dito sa Room. Wala rin namang makakakilala sa kanya. He's a good friend at sobra akong saya dahil naging parte siya sa pag-heal ko even though it's not totally healed but processing.
Hindi ako mag-sisinungaling na hindi ko naiisip si Finn. Minsan naiisip ko kung bakit nagawa nya sa akin yon.
Ilang linggo na rin ang nakalipas at hindi ko na ulit sya nakita. Hindi ko alam kung kaya ko pa syang harapin na hindi guguho.
Naramdaman ko na tila babadya na ulit ang luha ko ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa paggawa ng projects ko.
Ilang sandali ay biglang bumukas ang pinto at napatingin ang mga kaibigan ko doon. Lahat sila napakunot ang noo. Nag-salubong ang kilay ni Kelvin para bang minamata ang lalaki.
Naka-suot ng Jacket at Cap si Migo at Facemask kaya hindi talaga sya makikilala. Isinara ni Migo ang pinto at naglakad papalapit sa upuan naming naka Circle.
May nilapag syang paper bag sa armchair ko.
"I'm straight from the taping. Here I brought you this."
Natahimik ang mga kaibigan ko para bang pinanonood kaming dalawa. Kaya hindi ko mapigilan ma-ilang.
"Aalis na ako," akmang aalis na sya pero Hinawakan ko ang pulso nya. Napatingin sya doon at nag-iwas ng tingin.
"It's okay. Gusto ka rin nilang makilala," sabi ko. Tumingin sya sa mga kaibigan ko bago binalik ang tingin sa akin.
He removed his cap and facemask at sunod-sunod ko narinig ang mga singhap.
"What the heck?" ni Kelvin.
"Gagi," ni Marcos.
"Shutaca, may anghel atang bumaba," ni Tiffany kaya sinamaan sya ng tingin ni Marcos.
BINABASA MO ANG
Take A Chance With Me. (SHS #2)
RomancePangarap ni Jarel ang maging isang sikat na Photographer. Para sa kanya ang pag kuha ng larawan ng Mga Lugar at magagandang tanawin ay naging Sandalan nya. Pero nang pinag tagpo sila ni Finn ay parang nagulo na ata ang utak nya. Parang isang Camera...