CHAPTER 12

41 2 0
                                    

Chapter 12

Jarel's pov.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Finn. Hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Finn. Ang aga kasi nya kasing bumisita sa bahay kanina.

Bihis na bihis pa at para bang may pupuntahan. Kaya agad rin ako naka ligo kanina, nasa sasakyan nya na ako at wala akong magawa kundi tanong ng tanong kay Finn kung saan kami pupunta.

"Ipapakilala kita sa Mommy ko" my jaw dropped parang nalagutan ako ng hininga sa gulat?!

What?! Ipapakilala nya ako sa mommy nya na ganito ang suot? Oh my god! Bakit biglaan Naman? Bakit naman hindi nya agad sinabi!

"Pota totoo? Bakit ngayon mo lang sinabi?! Hindi pa ako naka handa!" Nag bihis lang ako ng sweat pants at hoddie tapos ipapakilala ako sa mother nya?!.

Hinampas ko sya sa Balikat dahil sa inis. "Finnian naman bakit ngayon mo lang sinabi? Tignan mo suot ko? Oh!" Inis na sabi ko pero tumawa lang sya.

"It's okay. Hindi naman mapili si Mama. Actually kilala ka na nun" Napa uwang ang labi ko at kumunot ang Noo.

Kilala ako ng mama ni Finn? hindi ko pa nga nakakausap yong mother nya. Oo nakita ko na ang mama ni Finn doon sa Birthday party ni Finn at masasabi ko na maganda talaga pero yun lang. Nakita ko lang sya mula sa malayo.

Kaya nag tataka ako bakit ako nakilala ng mommy ni Finn.

"Mom and dad wants to meet you today. Nag day off pa sila para sayo" sa sinabi ni Finn parang gusto ko nalang tumalon sa shotgun sit at mag paka layo layo.

Inis akong timingin sa kanya.
"Tas ngayon mo lang sinabi?" Nag inirapan ko sya pero ngumisi lang sya, napa impit ako nang biglang hawakan ni Finn ang kamay kong naka patong lang sa hita ko.

Kahit nag uusap kami ni Finn ay hindi mawala ang kaba sa dibdib ko. Biglaan kasi 'to. Hindi ko pinag handaan at hindi naman agad sinabi ni Finn.

Napa sandal nalang ako sa Upuan Habang tinuon ang tingin sa nakaka salubong namin na sasakyan. Kanina ko pa pinapakalma ang sarili ko pero Hindi Tumitigil tong Kaba sa dibdib ko.

Paano kung hindi ako gusto ng Mama ni Finn? What if ayaw nila sakin? Anong gagawin ko?. What if mag offer sila ng limang milyon Para layuan ko ang anak nila?.

Gosh ano ba itong nasa isip ko?!
Dahil sa kaba kung ano ano na pinag iisip ko. Napa buntong hininga nalang ako. Naramdaman ko ang pag pisil ni Finn sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Don't worry, Mabait si Mama. Nandito lang ako" sabi nito, ngumiti lang ako ng Pilit.

3 weeks palang na nanliligaw si Finn sakin at Ipapakilala na nya ako sa Mommmy at daddy nya. Parang dito palang Sa loob ng sasakyan ayaw ko nang lumabas at harapin ang Parents ni Finn.

Walang biro kinakabahan ako.
Ilang saglit pa ay huminto ang kotse na sinasakyan namin Sa isang malaki at mataas na Gate.

Nang automatiko iyong Bumukas at tumumbad sa amin ang Maganda at malawak na garden ay hindi ko mapigilan ang sarili kong purihin ang ganda nun.

"Ang ganda" sabi ko sabay kuha ng cellphone ko at Kumuha ako ng mga magaganda shots. Hindi ko Mapigilan ang mapa ngiti.

Huminto ang sasakyan sa Tapat nang isang Malaking Puting Mansion, at grabe talaga hindi ako maka paniwala na ganito pala ka yaman ang pamilya ni Finn. Hindi ako mag tataka dahil may sarili silang Companya.

Hindi ko namalayan ay nasa tabi ko na pala sa labas ng Pintuan si Finn at hinihintay ako maka labas. Ngumiti lang ako at napa tingala sa ganda ng bahay nila.

Take A Chance With Me. (SHS #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon