Chapter 1: Once Again

4.9K 60 4
                                    

"Shift mo ngayon, Lucy?"

Si Abegail iyon na katatapos lang ng shift at naghahanda na sa pag-uwi. Gusto ko rin sanang mag-nightshift kaso wala ng bakante kaya pang-umaga na lang ako nilagay.

"Kumusta? Bakit parang pagod na pagod ka? Wala namang masyadong tao rito kapag gabi, ah?" Sinuot ko na ang makapal kong apron at ang bota ko.

"Pinaglinis kami buong magdamag dahil darating daw yung mga boss ngayon kaya baka kayo ang mapagalitan kapag may nakitang hindi maayos sa building mamaya." Umirap pa siya at bumuntonghininga.

"Gano'n talaga, hindi tayo pwede magreklamo, janitor lang tayo."

Hanggang ngayon ay parang masamang panaginip pa rin para sa akin ang lahat. Umaasa pa rin ako na balang araw ay magigising ako. Hindi ko maiwasang mangulila sa dati kong buhay at sa isang taong hinding-hindi na babalik pa sa akin.

"Mas gusto mo talaga rito? Ang baba ng sahod at sobrang pagod pa. Ang ganda na ng trabaho natin sa club, eh!" reklamo niya.

"Ayoko na roon, sinasaktan naman nila ako kahit malaki ang kinikita ko." Umiling ako at pinagpatuloy na ang pag-aayos sa sarili para makapagsimula na sa trabaho ko.

Dalawang linggo na rin kasi simula noong umalis ako sa club na pinagtrabahuan ko rin ng isang taon. Nagawa kong maghubad sa harapan ng mga lalake at sumayaw sa mga kandungan nila para mabuhay ang sarili ko. Noong mga panahon kasing 'yon ay walang-wala ako, kahit matutulugan sa gabi ay wala talaga kaya napalitan akong sumama kay Abegail na magtatatlong buwan na rin no'n sa club.

Hindi kagaya ni Abegail na nakikipag-sex sa mga customer, hanggang sayaw lang at paghuhubad lang ang kaya ko. Nakatakip pa ang kalahati ng mukha ko dahil kahit ako ay hindi masikmura ang trabahong bumubuhay sa akin.

Hindi rin maiwasan na gusto ng ibang customer na hawakan ako, may iilan ding gustong humalik pero hanggang doon lang at nakakatanggap pa ako ng dagdag na bayad. Gustuhin ko mang umalis noon ay wala naman akong maisip pang ibang trabaho bukod doon kaya nagtiis ako nang halos isang taon.

Ang nakapagpaalis lang talaga sa akin doon ay noong minsang may sumubok na gahasain ako. They were foreign customers, ang lalaki nilang tao at kung hindi lang dumating ang isang bouncer at si Abegail ay malamang natuloy na ang masama nilang balak. Hindi man pisikal na pananakit ang nararanasan ko roon, hinding-hindi na yata mabubura sa akin kung paanong nababoy ang katawan ko kapalit ng pera.

"Dapat walang makikitang bakas ng paa o kahit isang patak ng putik sa sahig. Darating ang mga may-ari kaya dapat malinis lahat," sabi ng team leader namin.

Kaya kahit pa nalampaso ko na ang isang bahagi ng gusali sa unang palapag ay inulit ko pa iyon ulit para wala na siyang masabi. Mahirap na at baka matanggal pa ako sa trabaho. Kasisimula ko pa lang kaya dapat maayos akong magtrabaho.

Hindi ko pa nakikita ang anak ng may-ari nitong kompanya kung nasaan ako ngayon. Kilala ko ang mag-asawang Cabrini na kasalukuyang CEO ng kompanya. Isang malaking sardine company sila at balita ko ay nakarating na rin sa ibang bansa ang produkto nila.

"Gwapo yung mga anak nila, Lucy. Malay mo, masungkit mo ang isa. Ang alam ko ay isa na lang ang binata, eh."

Natawa ako sa binulong sa akin ni Frizza na kasalukuyang dinidiligan ang mga indoor plants.

"Imposible 'yon. Baka may girlfriend na 'yon at hindi naman siya nahihibang para pumatol sa isang janitress," sagot ko sa kanya.

"Wala ka talagang boyfriend. Ayaw mong ireto kita sa pinsan ko?" dagdag pa niya.

Umiling lang ako. May asawa na ako, eh.

Hindi ko alam kung valid ba ang kasal na iyon pero para sa akin ay oo. Kaya hindi ko magawang makipagrelasyon sa iba dahil kasal ako sa kanya at mahal ko pa rin siya. Sometimes, I wish that I could see him again. Kahit makita ko lang siyang maayos at masaya, magiging panatag na ako. Hindi na rin naman ako umaasa na magiging kagaya kami ng dati, nasaktan ko siya ng husto at galit na galit siya sa akin bago siya umalis.

Hinalikan ko ang bigay niyang singsing sa akin noong kasal namin na hanggang ngayon ay nasa daliri ko pa rin. Stainless steel lang iyon at walang kahit anong disenyo pero ito ang pinakamahalagang bagay sa buhay ko ngayon. Ito na lang ang natitirang alaala ko sa kanya.

"Tama na 'yan at umayos na kayo! Nandyan na sila!" sigaw ng team leader namin kaya naman ay naipon na kami sa isang sulok ng building.

Humilera na rin ang mga empleyado ng kompanya na plantsado ang mga suot na formal attire. Lahat sila ay malalaki ang ngiti at mukhang excited na makita ang mga darating. Bigla kong naalala na ganyan din kami salubungin ng empleyado nila mommy noon sa kompanya. Nakaka-miss din talaga.

Nauna kong natanaw sa main entrance ang mag-asawang Cabrini na sinalubong ng mga managers at executives. Sinundan siya ng dalawang lalake na akala mo ay mga artista o modelo dahil sa sobrang aayos ng tuxedo at ang gugwapo. Nakurutan pa nga ang mga empleyadong babae na hindi masyadong kita dahil nasa likuran sila.

"Nasaan na yung isa? Tatlo sila, eh!" sabi ni Frizza. "Ay, ayun!"

Halos humaba ang leeg ko para lang makita ang pangatlong anak ng mga Cabrini. Ang alam ng lahat ay kailan lang nila nadiskubreng anak nila iyon kaya naman ay pinag-aral nila sa ibang bansa para makabawi.

Nanigas ang buong katawan ko at bumilis din ang paghinga ko nang makita at makilala ang pangatlong anak ng mga Cabrini.

I made a bitter smile. Kaya pala... Kaya pala nawala siya at limang taon ko ring hindi nakita. I always wonder how a tuxedo will make him more handsome and so hot. But now, I don't need to wonder anymore because there he is, wearing one so neatly.

"Engineer Julian," one of the executives shook hands with him.

I can't but cry because of happiness that he is so successful right now. Naalala ko pa noong tinuturuan ko pa siya kung paano ang Mathematics pero ngayon ay Engineer na siya. Sa wakas ay nakita ko ulit siya.

"This is my girlfriend, Nathalia Lonzaga," pakilala niya sa babaeng kasama niya.

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Yumuko ako para hindi makita ng iba ang pagluha ko. I miss him so much. Hindi ko alam na sa ganitong pagkakataon ko pa siya makikita. At napakagaling din ng tadhana na pinili pa ang babae kong pinsan ang magiging girlfriend niya ngayon.

Engineer Julian Chrysostomo Cabrini, the third son of the CEO of CY Sardines Corporation has been my husband for almost six years. I would trade everything I have just to embrace him once again.

Your Lips All Over My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon