Chapter 2: Hell Over The Rainbow

3K 59 0
                                    

"How's your first day in the Philippines, bro?"

I almost laugh at Ian's question. Five years lang naman akong umalis sa Pilipinas, kung makatanong naman 'tong kapatid ko ay parang ngayon lang ako nakatungtong dito.

"Great," I simply answered.

"Dapat pala si Nathalia ang tinanong natin. First time niya sa Pilipinas, 'di ba?" usal ni Jacob na busy naman sa laptop niya kani-kanina lang.

"Yup! Mabuti nga at sumama, I will not get bored here."

"Just to remind you, Julian. You are still cheating on your wife. Annul your marriage first," paalala ni Ian.

"Don't ruin my vacation. I know that. Kailangan ko pang i-check if valid ba ang kasal namin. Sana ay hindi para wala na akong problema." I sighed.

Hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako ng problema dahil sa babaeng iyon. I'm so stupid that time to get married to her. Walang kwenta! Hindi man lang nag-isang araw ang kasal namin ay kumama na ng ibang lalake.

"Just pray that you will see her immediately. You only have six months to find her and talk to her for the annulment if ever," dagdag pa niya.

I know. Hindi ko nga maayang magpakasal si Nathalia dahil doon kaya bakit ko iyon hindi pagtutuunan ng pansin?

"Did you already visit your family?" I am talking with Nathalia over the phone while walking towards the exit of the building.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may pamilya ako at mayaman pa talaga sila. I was a homeless guy five years ago and then, look at me now, I am one of the sons of one of the richest families in the Philippines.

"Yeah, they were very thrilled that I finally visited them here in the Philippines," she answered. I could imagine her smile. She's very beautiful. Napakswerte ko nga raw sa kanya.

"I am very glad that you are enjoying our stay here."

Hindi ko na narinig pa ang sagot ng girlfriend ko sa cellphone dahil sumabog na sa buong katawan ko ang maruming tubig mula sa timba ng tatanga-tangang janitress na 'to!

"What the fuck!" I shouted and immediately, employees rushed towards me.

"Sorry! I'm so sorry." A familiar voice filled my ears. Hindi ako pwedeng magkamali.

Hinawakan ko nang mahigpit ang braso niya para matigil na siya sa pagpupunas sa akin. When my eyes met hers, I couldn't utter a word. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito pero ang tanging nagawa ko lang ay matulala.

"Sorry," she whispered.

How? How is she like this? What happened to her and her rich family? Why is she a janitress in our company?

Ang daming tanong sa isip ko pero ang nagawa ko lang ay titigan siya. Ganoon pa rin ang itsura niya but her skin and hair were not the same anymore. Hindi na maganda ang postura niya at hindi na rin makinis ang balat niya. And most importantly, her eyes lost their smile.

"Naku! Sir, sorry po!"

Lumapit sa amin ang sa tingin kong boss ng mga janitor at janitress dito. Hinila niya palayo sa akin si Lucia at akmang sasampalin niya para hindi natuloy.

"I'm fine," I said to calm the people around me. "But make sure that you will fire her before this day ends or I will fire you." I pointed my finger at her head.

"Opo, sir, gagawin ko po 'yon." Tumango ang babae pero hindi ko maalis ang tingin ko kay Lucia.

How's life treating this bitch now?

"O, ano pa ang ginagawa mo? Tanggal ka na! Umalis ka na at para wala na akong problema!" sigaw sa kanya ng babae at bahagya siyang tinulak.

Sumulyap siya sa akin ng isang beses. Nagawa pa niyang ngumiti bago tumalikod para makaalis. Mabilis akong naglakad paalis ng building at tinungo ang parking lot. Pagpasok ko sa loob ng kotse ko ay huminga ako nang malalim.

I wasn't expecting that our first meeting after five years would be like that. Fuck! What happened to her?

I have so many questions but the fact that I still want to make her life miserable and do my revenge is eating me alive. Good thing, I met her earlier than I expected. Hindi na niya ako pinahirapan.

Ibabalik ko sa kanya lahat ng sakit na binigay niya sa akin noon, kung paano niya ako ginago, kung paano niya ako niloko. I will make her eat mud in front of me. Gusto kong saktan siya pabalik.

Mabilis akong bumaba ng kotse nang makita siyang naglalakad na paalis ng building dala ang mga gamit niya.

"Julian," she called me. Hindi ko na narinig pa ang sumunod niyang sinabi dahil binulong na lang niya yata iyon sa sarili niya.

"Nice to meet you again, Lucy." I smirked.

The smile on her face disappeared the moment she realized that I wasn't there to be her friend.

"Ano ang kailangan mo? Kailangan ko pang maghanap ng trabaho," she utters. She looked away.

"Hindi ko kasalanan na tatanga-tanga ka. O baka naman sinadya mo 'yon para mapansin kita?" 

She sighed. "My right eye is almost blind kaya hindi ko na rin masyadong makita ang dinaraanan ko, alam mo naman 'yon, 'di ba? Sorry talaga, nasira ko ang damit mo at wala akong pambayad." Mahigpit ang pagkakahawak niya sa strap ng bag niya.

Oh yeah, I remembered her eyes. She used to wear glasses or even contact lenses.

"Do you want to have a work? I need a made to clean my condo," I offered. "You can work for me to pay for my clothes." She can't resist that anymore.

"Sure." She smiled. Kagaya lang din ng dati ang mga ngiti pero parang may nag-iba at hindi ko matukoy kung ano 'yon.

Hindi ko alam na ganoon lang iyon kabilis. I can't help but notice her ring. Nag-igting ang panga ko nang maalala na naman ang katangahan ko noon. Kung alam ko lang na makati ang babaeng ito ay sana hindi na lang ako nahulog sa mga ngiti niya. Sana pinigilan ko na lang ang sarili kong mahalin siya.

"Thank you," she said when we entered my condo. This place is a complete mess. "Can I stay here? Or do I need to leave before sunset? Can I just stay? Please?"

Napasinghal ako sa kakapalan ng mukha ng isang 'to.

"I am not here to be your friend, Lucy! Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sa akin? O talagang wala na lang sa iyo ang manloko ng tao? I am here in the Philippines to find you and annul our marriage so that I can marry my girlfriend. But before that, I want revenge. Gusto kitang saktan sa lahat ng paraan. Gusto kong maramdaman mo ang naramdaman ko noon!" Lumapit ako sa kanya at marahas na inangat ang baba niya para magpantay ang tingin namin. "Got that, fucking whore?"

May dumaang sakit sa mga mata niya na kaagad ding nawala nang ngumiti siya.

"Yes, thank you for coming back to see me. I missed you so much." Hinaplos niya ang kamay kong madiin na nakahawak sa mukha niya.

Damn it, paano niyang nasasabi 'yan sa kabila ng ginawa niya sa a really fucking hate this woman. I will make sure that I will erase that smile of her on her face and make her life hell.

Your Lips All Over My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon