Chapter 20: Free

1.9K 40 0
                                    

Nahihiya man akong aminin sa kanya pero gusto ko nang maging tapat. No more secrets between us.

"Yes, I worked there for a year. Wala lang akong choice." Apat na taon ba naman akong pagala-gala, walang nagtatagal na trabaho sa akin. Hindi naman sa mapili ako o maarte, hindi lang kaya ng katawan ko kasi nga laki ako sa yaman tapos hindi pa ako naka-graduate ng college.

"Tell me what happened to you after they kicked you out." He held my hand. "I want to know everything para alam ko kung paano ako makakabawi sa 'yo."

Ayoko na sanang balikan pa ang mga iyon pero para sa ikatatahimik niya ay susubukan kong alalahanin lahat.

"They left me with nothing. Wala akong pera, wala akong naidalang damit, walang kahit ano. Sarili ko lang at kung ano man ang suot ko noong mga panahon na iyon ang mayroon ako. Una kong naisip ay ikaw, hinanap kita pero ang sabi ni Sister Cara ay umalis ka na. Hindi ko na alam ang gagawin ko pagkatapos no'n. Isang buong gabi yata akong nakatulala lang sa kalsada. Takot na takot ako baka kasi balikan ako ni Simon pero totoo ang sinabi niya na wala na akong pakinabang dahil nakuha na niya ang gusto niya sa akin." Kinagat ko ang labi ko, pinigilan kong umiyak.

"Ang Sister Cara ay baka nasa siyudad ka na raw kaya kahit alam kong mahirap ang buhay dito, pinilit kong pumunta kasi gusto kitang makita. Alam kong galit ka sa akin dahil sa sinabi ni Tarra at ginawa ni Simon, gusto kong magpaliwanag sa 'yo at humingi ng tawad pero hindi na kita nakita. Araw-araw, sa loob ng limang taon, lagi kitang pinagdarasal. Lagi kong binubulong sa hangin na sana ay maayos ka lang, sana magkita tayo ulit. Miss na miss kita." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagkukwento, parang isang batang nagsusumbong sa kanyang magulang.

"Unti-unti ring pumapasok sa isipan ko na wala na akong pamilya at baka wala na talaga tayo, hindi mo na ako gustong makita. Baka masaya ka na sa iba pero okay lang sa akin, basta magkausap lang tayo. Gusto ko lang mapatawad mo ako. Walang nagtatagal na trabaho sa akin kasi hindi kaya ng katawan ko ang mabibigat na gawain, halos wala na ring makita ang kanang mata ko kaya palagi akong nagkakamali at natatanggal sa trabaho. Until I met Abegail, siya ang nagpasok sa akin sa bar. Hindi kagaya ng iniisip mo ang ginagawa ko roon. Oo, sumasayaw ako ng walang damit, nagpapahawak pero hindi ako nakikipag-sex sa kanila. Doon lang ako nagtagal kasi may tinitirahan ako at medyo malaki ang kinikita kong pera. Iyong kinikita ko ginagamit ko iyon para mahanap ka. Nagtatanong-tanong ako pero walang nakakakilala sa 'yo." He wiped my tears.

"I'm sorry," he whispered.

"It's okay, it's not your fault. Umalis ako roon kasi muntik akong magahasa. Hindi ko na hinintay pa na matuluyan iyon kaya umalis na ako. When I found out that your family is rich and their company is nearby, araw-araw akong nagpupunta roon. Baka kasi nandoon ako at kapag nakita kita, yayakapin kita nang mahigpit. Kaya naging janitress ako roon kasi ikaw talaga ang hinihintay ko. Hindi na ako umaasang magkakabalikan pa tayo, gusto na lang kitang makita na maayos ang lagay. Sobra akong natuwa noong nakita kita ulit kahit ibang babae ka nang kasama, sobra akong natutuwa para sa 'yo." Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili. "Iyon lang. Tapos na ako. Ngayon ikaw naman ang magkuwento."

He chuckled. "Walang-wala ang kwento ko sa kwento mo. Dapat pala ako ang nauna. You are so strong to get through with all of that. Siguro kung hindi ka lumaban ay mawala ka na talaga sa akin ng tuluyan. Thank you and I'm sorry. Babawi ako, mahal, pangako 'yan. Hindi na tayo maghihiwalay ulit. Hindi na ako papayag na may sumira pa sa atin. Mahal na mahal kita, Lucianna, ikaw lang simula pa noong una."

Halos matunaw ako sa mga sinasabi niya. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang tagal nanalangin na dumating ang araw na makakasama ko ulit siya. Ngayon ay tinupad na iyon, wala na akong mahihiling pa.

"Thank you for coming back to me, mahal." Humilig ako dibdib niya, iniingatan na hindi masagi ang pilay niya.

"Noong nagpunta ako sa ibang bansa, sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako magiging talunan. Siguro nagtataka kung bakit ako nag-engineer kahit bobo naman ako sa math noon. Let's just say, you inspired me to be successful. Lagi kong sinasabi na dahil sa 'yo ay nasira ang buhay ko kaya papatunayan ko na mas higit sa 'yo pero ang totoo, ginagawa ko pala iyon para sa 'yo. I dated many girls who resembled you in some way. Hindi ko iyon na-realize until now that I looked back on my past. It was always been you. You marked my soul, mahal. Ang dahilan ko sa pag-uwi ko rito ay ma-annul ang kasal natin pero ang totoo ay gusto lang pala kitang makita." He kissed the top of my head. "Sorry for the curses and harsh words I said to you. Sorry for everything I've done."

"Tama na, okay na ako. Kuntento na akong kasama kita ngayon. Ikaw at ako na lang mahalaga sa akin ngayon." Pumikit ako. I inhaled his manly scent, I felt peace.

"Pero hindi ako papayag na hindi magbabayad si Simon sa ginawa niya sa 'yo. Ipakukulong natin siya at ang lahat ng umagrabiyado sa 'yo. Hindi pwedeng nagsasaya lang sila habang ikaw ay dala-dala pa rin ang kahayupang ginawa nila sa iyo. Babawi ako sa lahat ng paraang makakaya ko." Hinaplos niya ang likod ko.

"Bilisan mo tuloy gumaling para makapasyal na tayo." Tumayo ako kasi baka nahihirapan na siya.

"You need to talk to Miss Tarra. Like you, she was scared too," he said.

"Hindi ko pa kaya, Julian. Baka masigawan ko lang siya. Galit pa ako kasi nagsinungaling siya. Isa rin siya mga dahilan kung bakit tayo nagkahiwalay. Hayaan mo muna akong makahinga sa lahat." Tumayo ako para kumuha ng tubig sa mini fridge. "Gusto mo?" Pinakita ko sa kanya ang bottled water.

Tumango siya. Lumapit ako sa kanya at pinainom siya tubig.

"Hiwalay na kayo ni Nathalia?" tanong ko sa kanya.

"Oo, mahal ko pa pala ang asawa ko, eh." Ngumisi siya kaya nahampas ko ang braso niya na naka-cast pa. "Aww!"

"Sorry!" Mabilis ko siyang dinaluhan. "Ikaw kasi." Natawa ako.

"Magpapakasal tayo ulit, Lucianna." Hinawakan niya ang kamay ko kung nasaan nakasuot ang singsing na bigay niya sa akin noon. "Papalitan ko ito ng singsing na mas bagay sa mga daliri mo. I will give you what you deserve to have. I can give you the world if you want."

I shook my head. "Hindi ko kailangan ng mga iyon. Ikaw lang ang kailangan ko, mahal." Finally, I am home again. I am free from my hurtful past.

Sandali pa lang kaming natatahimik ay bumukas na ang pinto ng kwarto at pumasok si Attorney Cabrini.

"Mrs. Vincenza said something interesting about you being her adopted daughter," he said.

Kumunot ang noo namin ni Julian. Ano naman ngayon?

"She said she stole you from another mother."

Your Lips All Over My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon