Chapter 4: Lips To Lips

1.5K 30 0
                                    

Still Five Years Ago...

Natuloy kaya ang date ni Julian at Bridgette? Saan naman sila nag-date?

"Saan ka pupunta, Lucy?" tanong ni Tarra na walang buhay na nakahiga sa sofa at nanonood ng movie.

"Diyan lang, hindi ko kayang nandito lang. Ang boring!" Nagtatakbo ako palabas at hinanap si Julian.

Nandito kaya siya? Sabi ni lola ay Sunday siya hindi pumapasok.

"Julian!" tawag ko sa kanya nang makitang palabas na siya ng gate. Saan siya pupunta?

"Bibili lang ako ng mga seedlings, ma'am. Gusto kasing magpatanim ni senyora ng mga bagong gulay sa likod ng mansyon," sabi niya kaagad kahit hindi pa man ako nagtatanong.

Sa wakas naman ay may damit pang-itaas na siya, hindi na ako masyadong maiilang pa.

"Sama ako." Kumapit ako sa braso niya, hindi ko kabisado ang lugar nila baka maligaw ako.

"Ma'am, sigurado kayo? Mainit, at saka palengke 'yon, mabaho!" Kumunot pa ang ilong niya.

"I'm fine. Gusto ko rin namang pumasyal."  Sana lang ay huwag kong pagsisihan ito. I have never been to a public market. Plus the fact that I am with a stranger added to my thrill.

"Sakay tayong tricycle, ma'am. Tapos lakad na lang tayo pagkatapos," paliwanag niya.

Indeed, we rode a tricycle. Ang akala ko naman ay maiksing lakad lang ang gagawin pero sumakit na lang ang paa ko ay naglalakad pa rin kami.

"Malayo pa ba tayo? My feet hurt," reklamo ko at ngumuso. Gusto ko nang maupo.

Sumulyap siya sa akin. "Malapit na, ma'am. Pasensya na."

Kasalanan ko naman ito, sama-sama pa kasi ako. Alam ko naman na hindi ko talaga trip ang mahabang lakaran. I just want to know if natuloy ba ang date nila ng girl na 'yon.

"Bagong chix mo, Julian?" tanong sa kanya ng tindero ng mga halaman.

"Apo ni Senyora Amor, gustong pumasyal, eh!" Tinuro niya ang isang maliit na puno. "Magkano roon?" tanong niya.

"One hundred pesos ang isa. Kuha ka na ng tatlo, 350 na lang sa 'yo. Suki ka naman, eh!" Ngumisi ang tindero.

Wait! Bakit parang mas napamahal pa yata siya?

"Sige, kuha na akong tatlo." Dinukot ni Julian ang pera sa bulsa niya at inabot lahat iyon sa nagtitinda.

"Wait, dinadaya mo siya," sabi ko sa tindero. "It should be 300 pesos only if he bought 3. You didn't give him a discount at all."

"Huwag ka nang mangialam, miss. Negosyo ko 'to!" singhal niya sa akin.

"Kung gano'n, sa iba na lang kami bibili ni Julian. Suki mo siya pero ginugulangan mo!" Kinuha ko mula sa kanya ang pera ni Julian at hinatak paalis ang walang malay na hardinero.

"That thick-faced bastard. Huwag ka na ulit bibili roon, ha? Madaya! Hindi mo ba alam magbilang?" tanong ko sa kanya. Nag-iinit ang ulo.

"Hindi, ma'am. Kaya ko lang bilangin ay ang mga daliri ko. Huwag mong sasabihin kay senyora, ha? Baka tanggalin niya ako sa trabaho." Bumuntonghininga siya. "Akala ko naman kasi ay mapagkakatiwalaan ko siya. Anak niya si Bridgette."

Speaking of who...

"Natuloy ang date niyo?" tanong ko na lang bigla.

Umiling siya at ngumiti. "Hindi, ma'am. Mabuti nga at hindi, girlfriend ko na sana siya ngayon."

"Mandurugas silang mag-ama, huwag ka nang lalapit sa kanila." Napairap ako. Nakakainis talaga!

"Yes, ma'am." Tinuro niya ang isa pang bilihan ng seedlings.

Mabuti naman at hindi na siya ginulangan dito dahil magiging beast mode na naman sana ako.

"You know what, para hindi naman ako ma-bored, tuturuan na lang kitang mag-Math and English na rin para hindi ka na nagugulungan ng ibang tao," I suggest to him.

"Hindi na po kailangan, ma'am. Nakakahiya na sa inyo," sabi niya.

"Don't worry. Okay lang sa akin kaya tuwing may oras ka, tuturuan kitang magbasa ng English at mag-simple Mathematics."

I don't know, I just want to help him and be his friend.

"Salamat talaga, Ma'am Lucy." Tumitig siya sa akin.

Nagtaka naman ako kaya napahawak ako sa mukha ko, baka kasi may dumi na pala iyon.

"Ano'ng meron, Julian?" tanong ko.

"Mas maganda ka ngayon kaysa kahapon, ma'am," bulong niya.

Parang umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha ko at sobrang init no'n. "Hindi ako naglagay ng make-up ngayon."

"Mas bagay sa iyo ang walang kolorete."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Pero mas maganda si Bridgette, right? Gusto mo siya."

"Hindi na, ma'am. Iba na yata ang gusto ko." Nag-iwas siya ng tingin at saka nagtawag ng tricycle.

"Sino naman?" tanong ko pa bago kami sumakay.

"Wala, ma'am. Kalimutan mo na 'yon." Umiling siya.

Assuming lang siguro ako. Nang makarating kami sa mansyon ay nakabuntot pa rin ako sa kanya, umaasa pa rin ako na sasabihin niyang ako na ang bago niyang crush.

"Tulong ako, ha?" sabi ko at saka tumabi sa kanya.

"Madudumihan ka," babala niya.

Nagkibit-balikat lang ako at walang arteng naghukay ng lupa. Ginagawa ko rin naman ito sa school, hindi nga lang madalas.

"Gaano ka na katagal nagtatatrabaho kay lola?" tanong ko sa kanya habang naghuhukay.

"Magdadalawang taon na rin, ma'am," sagot niya at saka sumulyap sa akin. Natigilan siya at bigla na lang pumula ang mukha niya.

Sinundan ko ng tingin kung saan napako ang mga mata niya. Shit! Nakikita na pala ang cleavage ko, bakit naman kasi ako nag-V neck shirt?!

Hindi ko na inabala ang sarili kong takpan 'yon. Madudumihan ang damit ko kung hahawakan ko iyon. At saka isa pa, cleavage lang naman 'yon.

"Kayo, ma'am? Bakit ka nandito?" siya naman ang nagtanong.

"Nagbabakasyon lang," simpleng sagot ko.

Sa sobrang pagkaabala ko sa ginagawa ay hindi ko naalalang marumi pala ang likod ng kamay ko at pinahid ko pa iyon sa noo kong pawis na.

"Ma'am, tama na 'yan. Nadudumihan na kayo," sabi ni Julian.

"Ikaw rin naman, eh!" Tinuro ko ang mukha niyang may putik na rin.

Para magpantay ang make-up niya ay pinahiran ko pa ang kabila niyang pisngi na tanging natitirang malinis sa mukha niya.

"Ma'am!" natatawang saway niya sa akin.

"Lucy na lang kasi, nakakailang kapag ma'am pa ang tawag mo sa akin. Feeling ko ay matanda na ako." Inirapan ko siya pero natatawa naman ako.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa lupa. Masakit na kasi ang paa ko at tapos na rin naman ako. Aalis na sana ako nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kanya.

Isang mainit at malambot na halik ang sumalubong sa mga labi ko. Gulat na gulat ako noong una pero napapikit na rin ako nang humagod pa iyon sa mga labi ko. Ang akala ko ay mabaho ang hininga niya pero mali ako! Ang sarap! Ang sarap niyang humalik.

Ang lakas ng tibok ng puso ko at halos maghabol na ako ng hininga nang mahiwalay kami. Napaatras ako.

"Lucy," tawag niya pero nagtatakbo ako palayo sa kanya.

Hawak ko ang dibdib ko at kagat ko ang pag-ibabang labi ko. At hanggang sa panaginip ko ay kahalikan ko siya.

Your Lips All Over My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon