Chapter 23: Disaster

1.8K 35 0
                                    

Finally, a court trial has been scheduled, and if Simon doesn't show up, a warrant of arrest can be issued. I have a strong witness and evidence against him. But as I said, Simon will never let himself be caught alive.

"Not showing up means you are guilty," sabi ni Attorney Cabrini.

"He is guilty," mariin na usal ni Julian.

"Si Tita Lorraine, tumatawag sa phone ko kagabi pa. She texted me that she didn't want to go to jail. Ang sabi rin niya wala rin talaga siyang alam kung saan ka nakuna ng h-in-ire niyang kumuha ng baby," Tarra said and showed us my adoptive mother's text message.

Nasa biyahe kami pauwi ng mansyon ng mga Cabrini. Doon muna raw kami pansamantala habang gumugulong ang kaso. They are trying to contact my possible real mother too.

"Are you okay?" tanong ni Julian habang hawak ang kamay ko.

"I'm fine. Medyo masama lang ang pakiramdam ko." Humilig ako sa balikat niya.

Baka dahil lang sa kaba iyon kanina habang nasa court room kami. Hindi rin kasi ako nakakain nang maayos dahil nahihilo ako pagkagising ko.

"I'll let you rest later. Wala muna tayong bed session," he whispered and I felt him smirk against my skin.

Nakurot ko tuloy siya dibdib. I mean, gabi-gabi ba naman, sino ba ang hindi mapapagod? Sabi niya ay ako lang naman daw ang napapagod sa aming dalawa. Iniisip nga raw niya na bilhan ako ng vitamins at i-enroll ako sa isang gym. Ang hilig talaga. Naisip ko tuloy na kung hindi kami nagkahiwalay, baka may tatlo na kaming anak sa sobrang hilig niya.

Napasigaw ako nang biglang pumreno ang sasakyan na namin. Muntik pa akong malaglag sa kinauupuan ko, mabuti na lang at hawak ako ni Julian.

"What happened?" tanong ni Attorney Cabrini sa driver.

Sumilip kami sa bintana at nakita ang tatlong itim na kotse na nakapalibot sa amin. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Attorney Cabrini was immediately on his phone talking with someone, I think he's calling the police or something.

Humigpit ang hawak sa akin ni Julian habang nagmamasid siya sa labas. Hindi ako nagkamali sa naisip ko kung sino ang taong may pakana nito nang lumabas siya sa isa sa mga kotse. It was Simon Ferrer.

"Tangina, kailan ba titigil ang gagong 'to?!" nanggigigil na sabi ni Julian.

"Huwag kang lalabas, dito lang tayo." Mas lalo ko siyang hinawakan nang mahigpit.

"We need to end this, mahal. Kailangan na niyang manahimik para makapagsimula na ulit tayo nang walang inaalala." He kissed me on the lips before pulling out a gun inside of his black bag.

"I told you, firing lesson will be helpful," Attorney Cabrini said while smirking.

"Just be careful, I don't want to lose you again. Hindi ko na kaya kung mawawala ka na naman. Promise me, you'll be safe." Ayoko siyang pakawalan.

"I promise. Huwag kang lalabas ng kotse. Dito ka lang, kahit ano'ng makita mo sa labas, huwag na huwag mo akong susundan. You'll be safe here inside the car." He kissed me again on the forehead.

Sabay silang lumabas ni Attorney Cabrini kasama ang limang bodyguard ng kotse. Niyakap ko naman si Tarra na kapareho kong takot din sa maaaring mangyayari. Bakit hindi na lang nila kami hayaang maging masaya? Bakit kailangan palaging ganito? Tuwing sasaya ako ay saka naman magkakagulo.

"Si Tita Lorraine, Lucy," sabi ni Tarra at tinuro ang mommy ko na katabi ni Simon. Kasama rin nila si Nathalia.

Mas marami ang grupo ni Simon kaysa kila Julian, pero ang alam ko ay tumawag na ng backup si Attorney Cabrini. Kahit na, kung magbabarilan sila ngayon, patay na sila Julian bago pa dumating ang mga tinawagan nila.

-----

"Dapat talaga ay pinapatay na kita noon kung alam ko lang na magiging sakit ka sa ulo ko!" sigaw ni Simon habang nanlilisik ang tingin sa akin.

"Salamat, ha? Mabuti at hindi mo tinuloy, nakahanap ka tuloy ng katapat mo." It's my turn to smirk.

"Bakit? Hindi ka pa rin ba naka-move on na ako ang unang tumikhim sa asawa mo? Akala ko talaga ay bumigay na siya sa isang hardinero noon. Tangina!" Tumawa siya na parang wala ng bukas.

"Baka ikaw ang hindi maka-move on. Wala na akong pakialam kung ikaw man ang nakauna sa kanya. Mas may pakialam ako ngayon kung paano kita maipapakulong dahil ginahasa mo siya noon!" Tumingin ako kay Mrs. Vincenza. "Ikaw ang nagpalaki kay Lucianna kaya paano mong naaatim na samahan ang taong lumapastangan sa anak mo?!"

Umirap si Mrs. Cabrini. "She's not my daughter. Kung alam ko lang na maagang mamamatay si Amor at ang anak niya, e 'di sana hindi ko na inabala ang sarili kong magnakaw ng anak ng iba. Lucianna is a pain in my ass."

"Akala niyo naman ganun-ganon niyo lang ako mapapakulong. Sino ba ang hawak niyong testigo? Si Tarra?" Suminghal si Simon. "Puta rin naman ang babaeng iyon kagaya ng asawa mo!"

Nilabas ko ang baril ko at tinutok ko kay Simon, umiinit ang ulo tuwing sinasabi niya ng puta si Lucianna lalo na at galing pa mismo sa kanya iyon, siya ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ng babaeng mahal ko.

"Sige, iputok mo!" sigaw niya at lumapit pa sa akin.

"Don't, brother. Wala pang nailalabas na Warrant of Arrest para sa kanya. Mababaliktad ka lang kung sakali," bulong ni Ian. "Let them fire first, provoke them more."

Ngumisi ako. "Siguro ay iniisip mo pa rin ang araw na nag-sex kayo ng asawa ko."

I'm so sorry, Lucianna.

"What are you talking about? Bakit ko pagnanasaan ang babaeng laspag na?" Tumitig siya sa akin.

"Oh, we both know that is not true. Pumapasok sa bar si Lucianna pero alam mong hindi siya nakikipag-sex sa mga lalake roon. Siguro isa ka rin sa mga lalakeng nagbayad para panoorin siyang sumayaw. Isa ka rin sa mga lalakeng naglalaway para lang mahawakan siya. Libog na libog ka pa rin hanggang ngayon sa kanya kasi the day you had sex with her is the best sex you have ever experienced and you wished you could have her again." I smirked at how my words were affecting him. "You were the one who planned on raping her again inside the club because you still can't get enough of her. Sinasabi mong laspag siya pero uhaw na uhaw ka namang makatalik siya ulit."

"Manahimik ka!" Siya na ngayon ang tumutok sa akin ng baril. "Papatayin kita. I'll get your wife and make her my sex slave."

Baliw ang lalakeng ito!

"Stop, Simon. You promised not to hurt him!" sigaw ni Nathalia.

"Isa ka pa!" Napakabilis ng pangyayari, bigla na lang humandusay sa sahig si Nathalia. Hindi ko alam kung buhay pa siya pero duguan ang dibdib niya.

Napasigaw si Mrs. Vincenza at dinaluhan ang pamangkin.

"What did you do?!" sigaw ng ginang.

Tumingin muli sa akin si Simon. "This is your fault. This is all your fault."

Ang akala ko ay ako ang babarilin niya pero lumihis ang kamay niya at kay Ian niya iyon tinutok. Masyadong mabilis ang pangyayari at pare-pareho kaming hindi handa. Hindi nga rin namin namalayan na lumabas pala si Miss Tarra sa kotse. Siya ang nabaril ni Simon, she protected my brother from the gunshot.

"Oh, my god! Tarra!" narinig kong sigaw ni Lucianna.

Nawala na ako sa pag-iisip nang makitang si Lucianna naman ang susunod niyang babarilin. I shot Simon in the knee causing him to stumble. Nagdatingan ang mga police at isang ambulansya. Kaagad nilang hinuli si Simon at ang mga kasama nito. Si Ian naman ay dinala si Miss Tarra sa ambulansya.

Nilapitan ko ang asawa ko na kaagad yumakap sa akin.. She was crying again.

"Kasalanan ko kung bakit siya nabaril. Hindi ko siya napigilang lumabas," sabi niya.

"No, it's not your fault, love. Everything will be alright from now on."

Your Lips All Over My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon