Chapter 8: Marry Me

2.2K 39 0
                                    

Still Five Years Ago...

Ang lawak ng ngiti ko nang matanaw ang dagat pagkatapos ng mahabang biyahe. Si Tarra ay tuwang-tuwa at parang gusto na yatang tumalon sa sasakyan at magtatakbo patungo sa tubig.

Sumilip ako sa sasakyan na kasunod namin. Nandoon kasi si Julian, paniguradong masaya rin 'yon dahil nakapasyal na siya. Noon kasing sabihin ko sa kanya na isasama namin siya ay nakita ko talaga ang excitement niya.

Nag-init na naman ang pisngi ko nang maalala ang nangyari sa amin sa bahay niya. Walang in and out na nangyari pero naman kasi! Virgin ako pero ako yata ang malibog sa aming dalawa. Gustong-gusto ko na pero siya naghihintay pang maikasal kami.

"Kain muna tayo, I'm starving," sabi ni mommy kaya sinundan namin siya pagkatapos maibilin sa mga staff ng hotel ang mga gamit namin.

Hanggang tinginan lang kami ngayon ni Julian dahil nandito ang pamilya ko. Wala pa rin akong lakas ng loob para tumutol sa gusto ni mommy na ipakasal ako kay Simon.

Simon is a good friend of our family. Mas matanda siya ng dalawang taon kay Julian. Ilang beses na rin kaming nagkita at dahil na rin sa pag-setup ni mommy sa aming dalawa ng blind date. He is a young CEO and a billionaire kaya naman ayaw na siyang pakawalan pa ni mommy nang sabihin nito na gusto niya ako. Hindi ko siya gusto at pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya pero hindi iyon ang gustong mangyari ni mommy.

"Julian, ang sarap nito. Favorite mo 'to, 'di ba?"

Narinig ko ang boses ni Bridgette kaya napatingin ko sa kanya. Nasa kabilang table lang sila at nag-iinit talaga ang ulo ko dahil sa pagdikit niya sa boyfriend ko!

"Okay lang ako, Bridgette. Kumain ka na lang d'yan," sagot ni Julian sa kanya at bahagyang lumayo.

Napatingin siya sa akin at kinakabahang ngumiti. Nakakainis lang, ang alam ko ay nasabi naman ni Julian kay Bridgette na may girlfriend na siya pero bakit ganyan pa rin siya kay Julian.

"Ayaw mo pang bumili ng bagong phone, Lucy? Kahit pang temporary lang para magkausap naman kayo ni Simon. He said he misses you, already," sabi ni mommy.

Mabuti na lang yata at hindi naririnig ni Julian ang usapan namin. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya na engage na pa ako sa ibang lalake bukod sa kanya. Hindi ko naman kasi iyon gusto.

"Pag-uwi na lang natin, mommy. If he really wants me, he can wait." Nagbaba ako ng tingin. Sana makahanap ng iba si Simon.

"Ay sus! Pakipot pa ang pinsan ko!" Siniko ako ni Tarra.

Kung pakipot ako, hindi ko aayaing mag-sex is Julian. Ayoko lang talaga kay Simon.

Nasa cottage na kami at nakapagpalit na kami ng swimsuit ni Tarra. Siya ay walang hiyang naghubad ng cover-up niya at nagtatakbo sa dagat samantalang ako ay hindi ko magawang hubarin ang suot kong manipis na dress dahil nakabantay sa akin ang mga mata ni Julian.

"Hindi ka maliligo, Lucy?" tanong ni lola na naghahanda na sa pagpunta sa dagat.

"Mainit pa po, lola. Mamaya na lang po ako," sagot ko at tinanguan si mommy.

Nang makaalis sila ay sa wakas naging malaya ulit kami ni Julian. Kaagad siyang tumabi sa akin at binigyan ako ng isang malalim na halik.

"Ang ganda-ganda mo talaga," sabi niya at pinagmasdan ako.

"Bawal akong maghubad pero ikaw pinapakita mo 'yang katawan mo. Sa akin kaya 'yan, bawal makita o hawakan ng iba." Ngumuso ako nang maalala na naman ang ginawa ni Bridgette kanina.

That bitch kissed my boyfriend on his chest! Alam ko naman na gwapo at matipuno si Julian, lahat naman siguro ng babae ay mapapalingon sa kanya. Pero 'di lahat ng babae ay may lakas ng loob na humalik pa ng lalakeng pagmamay-ari na ng iba.

"Sorry, hindi ko siya napigilan kaagad." Hinalikan niya ang likod ng kamay ko. "Gusto mong pumasyal, may nakita akong  pwede nating puntahan, 'yong tayong dalawa lang." Ngumiti siya.

Sumulyap muna ako sa pamilya ko at iba naming kasama na abala na rin sa pagligo sa dagat bago tumango sa offer niya. Mabuti na lang talaga at Monday kami nagpunta rito, walang tao at halos kami lang ang customer sa mga restaurant na pinuntahan namin.

"Wow," ang tanging nasabi ko nang dalhin niya ako sa isang cave na may tubig na pwedeng pagliguan sa loob.

Naramdaman ko siya sa likuran ko kaya naman humarap ako sa kanya. "Ang ganda rito. Paano mo 'to nahanap?"

"Siguro dahil gusto kitang ma-solo kaya nakahanap ako ng paraan." May dinukot siya mula sa bulsa ng shorts niya.

Pinakita niya sa akin ang isang plain stainless steel ring. "Ito lang ang nakayanan kong bilhin." Tumikhim siya. "Ito lang muna ang kaya kong ibigay na singsing sa 'yo dahil nag-iipon ako para sa magiging buhay natin pagkatapos nating ikasal. Hindi 'yan kasing mahal ng mga sinusuot mo, wala akong pambili ng gano'n, mahal."

Is he proposing to me?

"Pakasalan mo ako, Lucianna Noelle Vicenza." Sinuot niya sa akin ang singsing. Surprisingly, it fits me.

"Oh, god! Yes, Julian, I'll marry you." Hindi ganito ang naiisip kong magiging wedding proposal sa akin. I once dreamed of something romantic, big, and expensive, but it doesn't matter to me now. Ang mahalaga lang pala ay mahal mo ang taong mag-aaya sa 'yong magpakasal.

"Mahal na mahal kita, Lucianna. Pag-uwi natin, magpapakasal tayo sa simbahan." He cupped my face and kissed me on the lips.

Tumulo ang luha ko. Sobrang ligaya ko ngayon, posible pa lang maging maligaya kahit walang mamahaling mga bagay. Posible pala talaga ang ganitong klaseng pagmamahal.

"Bakit ka umiiyak? Nagbago ba ang isip mo?" tanong ni Julian at kumunot ang noo.

Kinurot ko ang balikat niya. "Sira ka, masaya ako. Tears of joy 'to!" Tumatawa ako habang nagpupunas ng luha.

"Akala ko malungkot ka kasi ikakasal ka sa kagaya kong mahirap," Napakamot siya sa ulo niya.

Umiling ako. "Masaya ako kasi ikakasal ako sa 'yo. Ikakasal ako sa lalakeng mahal ko. Mahal na mahal kita, Julian. Hindi ko na yata kakayanin kung mawawala ka sa akin. Mababaliw ako kapag nagkahiwalay pa tayo." Niyakap ko siya nang mahigpit. Ayokong mahiwalay sa kanya.

"Hindi ako mawawala, Lucianna. Hahanapin kita kahit saan ka pa magpunta. Pangako, ikaw lang ang mamahalin ko." He kissed my forehead several times.

I savor that moment. Sana palagi na lang kaming ganito. Sana maintindihan ni mommy na maligaya ako kay Julian at hindi ako magiging ganito kasaya kung kay Simon ako magpapakasal. Pagkatapos ng kasal namin, sasabihin ko na sa kanila ang lahat. Kung itatakwil man nila ako, handa akong sumama kay Julian.

Dahil ngayon pa lang na iniisip kong magkakahiwalay kami ay gumuguho na ang mundo ko.

Your Lips All Over My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon