Chapter 21: Found

2.1K 39 0
                                    

"S-she stole me from who? Ibig bang sabihin niya ay alam niya kung sino ang mga magulang ko?" Nanginginig ang buong katawan ko nang marinig ang sinabi ni Attorney Cabrini.

"Relax, mahal." Julian held my shaking hands.

"No, but she knows that you are a stolen baby. Hindi niya alam kung kaninong pamilya ka niya kinuha, she hired someone to do the work for her because she doesn't want to disappoint her loving husband and his family if she brings home a dead baby," he explained.

"So, probably one of the women who gave birth in the same hospital on the same day is your mother." Tumango si Julian.

"Exactly, but it would be a pain in the ass to accumulate information like that in a prestigious hospital. It needs a lot of work because of their policy," Attorney Cabrini said. "Plus the fact that we are still working on your rape case, Lucianna."

Julian frowned upon hearing her brother call me by my full name. "Call her Lucy."

Tinaas ni Attorney ang dalawang kamay niya sa ere na parang sumusuko. "Fine, Lucy then." He rolled his eyes. "Good thing that Miss Tarra is very cooperative. Pero hindi na siya pwedeng makauwi sa bahay nila and she said she was scared for her life. Of course, she has the right to get scared, it was Simon Ferrer we are talking about here."

"As she should. Kung noon pa lang ay nagsabi na siya ng totoo, hindi na sana ganito kalala ang sitwasyon," I said. Matapang lang ako ngayon pero naawa rin ako kay Tarra.

"Just inform me if you want to talk to her. You need to talk with each other sooner or later. By the way, she's staying in my place for a while." He smirked.

"What? They said you are married." Naningkit ang mga mata.

"I never said I was. Bigla na lang kumalat ang iyon, hindi ko alam kung saan galing." He shrugged his shoulders.

"Type mo si Tarra, Attorney?" tanong ko pa.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay iniba niya ang usapan. Hmm...

"Si Nathalia, she's hitting Jacob." He laughed.

"What? Hindi pa ba iyon tapos?" Bumuntonghininga si Julian. "Bakit hindi pa siya bumalik sa New York? Oo nga pala, kailangan kong asikasuhin ang residency ko rito sa Pilipinas. Kailangan ko nang makalabas dito sa ospital." Ngumuso siya at tumingin sa akin.

Parang bata...

"Hindi pa pwede, dumudugo pa 'yung tahi. Sa susunod kasi ay mag-iingat ka sa pagmamaneho. Paano kung napuruhan ka talaga?" Gusto ko siyang kurutin pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Sana ay makinig 'yan sa 'yo. Matigas ang ulo n'yan. Kahit sa mga magulang namin ay hindi sumusunod. Akalain mong ako 'yung may asawa sa chismiss pero si Julian pala talaga ang meron." Napailing si Attorney Cabrini bago nagpaalam na aalis na.

"Pasaway ka talaga!" sabi ko kay Julian.

"Hindi na ngayon, mahal. Nand'yan ka na, eh. Magiging good boy na ako mula ngayon." Kinindatan pa niya ako. Umayos siya ng upo at inalalayan ko naman siya. "Kailan mo kakausapin si Tarra, ayaw mo bang gumaan ang loob mo?"

Huminga ako nang malalim. "Kakausapin ko siya paglabas mo rito. Hindi kita pwedeng iwan mag-isa."

"I'm okay, mahal. Unahin mo muna ang sarili mo ngayon. Why don't you go to the mall and buy yourself some clothes? What do you think? Pasasamahan kita kay Lilibeth. That child loves spending my money." Sa wakas ay kinain na rin niya ang pagkain niya na kanina pa s-in-erve.

"She's such a lovely girl." I smiled remembering Lilibeth.

"Yeah, she likes you too. And she hates Nathalia. Siya ang nagsabi na mas maligaya ako sa 'yo." He started munching his food.

"She grew up watching you. Mas kilala ka pa siguro niya kaysa sa mga kapatid mo. Hindi mo ba sinubukang hanapin ang mga parents niya?" Kumuha ako ng tissue para punasan ang bibig niya. Ang kalat niyang kumain dahil hindi niya magamit ang isang kamay niya.

"Patay na ang mga magulang niya. Wala na siyang ibang mapupuntahan kaya dinala na siya sa daycare. Si Sister Cara at ako na ang kinalakihan niyang magulang. Kaya naman noong kinuha ako ng mga magulang ko, sinama ko na siya sa akin. I can't leave that place without her."

Tumango ako. "You made the right choice."

It was a long day, pareho naming hindi namalayan ang oras. Hating gabi na pala at hindi man lang kami nakakaramdam ng antok. Nang makita ko ang oras ay doon lang ako napahikab. Pinagkasya namin ang sarili namin sa kama niya dahil ayaw niya akong matulog sa sofa.

"Sana paggising ko ay katabi pa rin kita," bulong ko habang nakayakap sa kanya.

"Hindi na ako mawawala, mahal. Sleep tight, you need a lot of energy for tomorrow." He kissed my forehead.

Kahit masikip ang kamay ay nakatulog ako nang mahimbing. Natatakot nga akong matulog baka kasi paggising ko ay panaginip lang pala ang lahat ng nangyari.

"Good morning." That was the first thing I heard the moment I woke up from my peaceful sleep.

Akala ko ay nakahiga pa rin siya sa tabi ko pero nakaupo na pala siya sa kama at kumakain ng mansanas. Nag-inat ako at tinitigan siya. I wasn't dreaming last day, they were all true.

"Good morning." Sino kaya ang kumuha ng mansanas niya, ang layo ng table na pinaglalagyan no'n.

"Get ready, I called Lilibeth to come here. Mamili kayo ng mga damit mo at iba mo pang mga gamit. Buy a phone too, please."

Tumayo na ako para makapaghilamos. Baka kasi biglang dumating si Lilibeth, ayoko naman na na maghintay pa siya sa akin. Paglabas ko ng banyo ay nandoon na si Sir Jacob, siya yata ang bantay ngayon ni Julian.

"Enjoy. Huwag mo akong alalahanin, si Jacob ang kasama ko, mananahimik lang ako buong oras na wala ka." He kissed me on the lips before I left him with his brother.

Isang lalake ang sumalubong sa akin sa labas ng ospital at tinuro ang isang itim na kotse kung nasaan si Lilibeth.

"Hello, Ate Lucy!" Kumaway siya sa akin.

Pasakay na sana ako ng kotse nang makakita ng pamilyar na tao sa hindi kalayuan. Pakiramdam ko ay natuyo lahat ng dugo ko sa katawan ng makilala kung sino iyon. Parang nasemento ang paa ko sa sahig at hindi man lang ako nakakilos nang lumapit siya sa akin

"Ma'am, may problema po ba?" tanong ng bodyguard sa akin.

"Ate, okay ka lang?" Nilapitan na ako ni Lilibeth at hinawakan ang kamay ko. "Masama ba ang pakiramdam mo?"

Umiling ako at tumingin sa kanya. "Okay lang ako."

Nang balikan ko ng tingin ang lugar kung nasaan si Simon ay wala na siya. Where did that monster go? How come that he knows where I am?

Bigla akong nakaramdam ng takot. Knowing him, he wouldn't let himself be caught alive.

Your Lips All Over My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon