Tarra was rushed to the hospital immediately. Sabi ng rescue team ay sa balikat lang daw ang tama niya at wala namang tinamaang kahit anong vital parts. Kailangan lang maalis ang bala at mapigilan ang pagdurugo.
"She's so stupid," bulong ni Attorney Cabrini.
"Matigas talaga ang ulo no'n kahit noon pa." Natatawa ako pero mugto naman ang mga mata ko sa pag-iyak.
"I'll punish her the moment she woke up," sabi pa niya at saka tumayo para malapitan sa Tarra na natutulog pa rin ngayon sa hospital bed. Hindi na rin dumudugo ang tama ng baril sa braso niya.
Hindi nagtagal si Attorney Cabrini sa ospital dahil kailangan pa raw niyang asikasuhin ang kaso laban kay Simon at kay mommy. Si Nathalia naman ay kritikal ang kalagayan at balita ko ay inoobserbahan pa rin siya sa ICU.
"Nasisiraan na yata ng ulo si Jacob. Ano ba ang dina-drama-drama niya roon sa ICU? Don't tell may something na talaga sila ni Nathalia?" usal ni Julian nang makapasok sa loob ng room ni Tarra.
Ngumuso ako. "Selos ka?"
Nakakunot ang noong tumingin siya. "Bakit ako magseselos?"
"Galit ka, eh!" I rolled my eyes.
"Oo, galit ako pero hindi ako nagseselos. Why on earth does he care so much about that girl? Nakipagsabwatan 'yon sa bumaril sa pinsan mo, sa nanamantala sa 'yo, at sa taong kinuha ka sa totoo mong magulang!" He was so frustrated.
Tipid akong napangiti. "Akala ko naman nagseselos ka kasi gusto mo pa si Nathalia."
"She sounded and looked like you when she was jealous, kaya siguro nagustuhan ko siya. Why would I settle with a look-alike if I could have the original?" Ngumisi siya nang napakayabang at saka marahan akong kinabig para mahalikan.
Hindi pa man nagtatagal ang halikan namin ay humiwalay na siya at may dinukot sa bulsa. It was a small red box, and when he opened it, a diamond ring appeared right in front of my eye.
"Wala akong naibigay na ganito sa 'yo noon," sabi niya at tumingin sa akin daliri ko kung nasaan ang bigay niyang singsing sa akin dati. "Pwede na natin 'yang palitan, mahal."
Umiling ako. "Ayoko!"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahan na mas gusto ko itong bigay niya noon kaysa sa mamahaling singsing na nasa harap ko ngayon.
"Hindi mapapalitan ng kahit anong singsing ang singsing na suot ko ngayon. Dito ko kasi napatunayan na mahal na mahal talaga kita kasi kaya kitang pakasalanan ano man ang estado natin sa buhay. Pwede sigurong dagdagan pero ang palitan, hindi ko kaya, Julian." Umiling ako.
"Dapat pala noong nakita kitang suot 'yan, naisip ko na na hindi lang ako pampalipas-oras mo noon. Ayoko nang balikan pa ang mga nangyaring masakit sa atin noon, gusto ko na iyong kalimutan at magsimula ulit ng panibagong buhay. Kaya ibibigay ko sa iyo itong bagong singsing na ito, tanda ng bagong simula, at hindi para palitan ang nauna." Sinuot niya ang sa akin ang singsing na iyon katabi ng unang singsing na ibinigay niya sa akin.
Napakalayo ng itsura ng dalawang singsing na iyon sa isa't isa pero pareho lang ang halaga nila sa paningin ko.
"Pakakasalan kita ulit, sa magandang simbahan, suot mo na ang maganda traje de boda na napili mo, kaharap ang mga mahal natin sa buhay. Maraming handang pagkain, at syempre, may honeymoon sa magandang lugar." He kissed my cheek.
"Wala talagang will you marry me, ano?" Natawa ako, kagaya pa rin siya ng dati, sigurista.
"Syempre, paano kung humindi ka? Hindi pwede 'yon. Wala kang choice kung hindi pakasalan ako."
BINABASA MO ANG
Your Lips All Over My Soul
RomanceWarning: R18🔞 CABRINI EMPIRE #1 "I want your lips all over my body and soul once again." Sa muling pagkikita ni Lucianna at Julian pagkatapos ng limang taon, nagbalik ang mga alaalang pareho nilang hindi mabaon sa limot. They are both asking for so...