Chapter 12: Comfort Beneath Sorrow

2.2K 41 0
                                    

Present...

Bihira na akong makatulog nang mahimbing pagkatapos ng mga nangyari sa akin. I don't know where and how to start anymore after Julian left, but now that he is back, kahit pa galit siya sa akin, titiisin ko. Masaya na akong nakita ko siya ulit. Hindi ako nakapagpaalam sa kanya noon.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya, gusto kong malaman niya ang totoong nangyari sa akin. Gusto kong linisin ang pangalan ko sa kanya. Hindi na rin naman ako umaasa na babalik pa siya sa akin, masaya na siya sa pinsan ko at bagay na bagay talaga sila. Hindi na ako bagay sa buhay ni Julian ngayon. Mas deserve niya ang babaeng mahal niya ngayon.

"Kumain ka na?" salubong ko sa kanya nang dumating na siya galing trabaho.

Hindi niya ako pinansin. Hinagis niya lang ang mga dala sa sofa at isa-isang hinubad ang saplot niya. Nang matapos siya ay nagtungo kaagad siya sa bathroom para siguro makapaglinis ng katawan. Pinulot ko naman ang mga nagkalat niyang gamit at inayos iyon.

Iniisip ko na lang na isa akong housewife, kailangan ko ring bumawi sa kanya dahil hindi man lang ako naging asawa sa kanya kahit man lang sa maiksing panahon.

"Nagluto ako, kung gusto mong kumain, ipaghahain kita," sabi ko nang matapos siya sa pagligo.

Hindi pa rin nagbabago kung gaano kaganda ang katawan niya. Mas lalo pa yata iyong naging maskulado.

Bumuntonghininga na lang ako nang hindi niya ulit ako kibuin. Ililigpit ko na lang mga hinain ko at ilalagay sa fridge ang mga pagkain para hindi masira. Baka bukas ay maisip niyang kainin.

"Yes, that was a lovely dinner, darling."

I heard him talking. Napakalambing ng paraan ng pagsasalita niya, hindi katulad ng pakikipag-usap niya sa akin ngayon. Naririnig ko ngayon ay yung Julian ko noon, noong mahal niya pa ako.

"Next time, we will invite them over." He paused for a moment.

Sinilip ko siya mula sa kitchen. Nakaupo na siya sa sofa sa sala at nakaharap sa kanyang laptop. Siguro ay kausap niya si Nathalia.

"Yeah, I love you too. See you tomorrow." He chuckled and turned off his phone.

A sudden pain pinched my heart. I missed him so much and all those years, I prayed for the time I can be with him. Umasa ako na sa oras na marinig niya ang paliwanag ko ay maiintindihan niya ako at magiging masaya na ulit kami.

Iyon ang plano ko...

Pero ngayong mayroon ng ibang nagpapaligaya sa kanya, I don't want to ruin him the second time around. He doesn't deserve anything of what I gave to him. I love him so much but still, I hurt him.

"What are you doing?" tanong niya na ikinagulat ko.

Tatlong beses akong napakurap bago siya nasagot. "Saan ako pwedeng matulog? Isa lang kasi 'yung kwarto. Kwarto mo lang 'yon."

Umirap siya. "Ewan ko sa iyo, pati ba naman 'yan ay ipapaproblema mo pa sa akin. Ikaw ang nag-volunteer na matulog dito kaya problema mo 'yan. Busy ako, don't disturb me."

Bumagsak ang balikat ko at tumango. I guess I am sleeping on the floor again. Lilipat na lang ako sa sofa mamaya kapag natapos na siya. Okay lang, sanay naman na ako. Mas mabuti na rin ito kaysa matulog na naman ako sa kalsada. Baka madagdagan na naman ang peklat ko sa katawan.

Wala na ang makinis at maputi kong balat. Iyong balat na gustong-gustong halikan ni Julian noon. Puro peklat na ako at nangitim na rin dahil sa pagtatrabaho. Hindi ko naman naiisip na ang pangit ko na pero, the fact that Julian cannot look at me anymore made me so insecure.

Your Lips All Over My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon