Chapter 6: In Love

1.7K 38 0
                                    

Still Five Years Ago...

I can't believe it!

Napagkagulong-gulong ako sa kama habang inaalala ang nangyari kanina. I believe that I have been in love before but because of what's happening to me right now made me realize that those were not love after all. Halos mag-iisang linggo pa lang ko rito ay ganito na kalalim ang ugnayan namin ni Julian.

"Ang saya mo yata, Lucy? May nangyari ba sa gala mo ngayon?" Nakataas ang kilay ni Tarra nang bumaling siya sa akin.

"Wala naman, just the usual. Tumulong lang ako sa bukid and nakakawala talaga ng boredom." Kahit pa gustuhin kong sabihin kay Tarra ang tungkol sa aming dalawa ni Julian, natatakot ako.

Hindi para sa sarili kung hindi para kay Julian. Baka kung ano ang gawin nila sa kanila. Hindi ko yata siya kayang makita na tatanggalan ng trabaho o kung ano pa man nang dahil sa akin. Sana ay maintindihan ni mommy na hindi ko kayang magpakasal kay Simon dahil mahal ko si Julian.

"Your lola and I were thinking that we should go to a beach para naman hindi na mabagot pa itong si Tarra na araw-araw na lang nagrereklamo," sabi ni mommy while we are eating our dinner.

"Yes! Finally!" sigaw ni Tarra at napasuntok pa sa hangin.

"Sama na rin natin ang mga kasama natin dito sa bahay para marami-rami naman tayo," sabi ni lola.

Pwede kaya isama si Julian? Siguradong matutuwa 'yon.

"Perfect, may dala akong swimsuit!" Tuwang-tuwa talaga si Tarra sa sinabi ni mommy.

Sunday bukas at sa Monday ang outing namin. Hindi ko makikita si Julian dahil day-off niya rito sa mansyon.

"Pwede rin po bang isama si Julian?"

Napatingin silang lahat sa akin dahil sa tanong ko.

"I just thought na isama siya kasi deserve naman niya. Ang sipag niya at saka halos siya rin gumagawa ng mga gawain sa hacienda. Ang ganda ng garden mo dahil sa kanya lola," I said and wet my lips.

"You're right, hija. Sige, isama natin siya." Lola nodded and continued eating.

Lihim akong napangiti. Ngayon pa lang ay iniisip ko na ang magiging reaksyon ni Julian kapag nakita niya akong naka-swimsuit lang.

Tanghali na akong nagising kinabukasan dahil sa masyadong pag-iisip kay Julian. Hindi tuloy ako nakasama sa pagsimba, I'm sure naman na napilitan lang si Tarra kaya napasama ang isang iyon.

I was drinking my milk when a pair of hands snaked around my waste. The moment I turned my head to see who is it, I wasn't surprised when hot lips greeted me.

Of course, it was Julian.

Nang mahiwalay ang labi namin ay mabilis akong napatingin sa paligid, baka kasi may nakakita sa amin. Mahirap na.

"What are you doing here? It's Sunday, day off mo." Hinaplos ko ang gwapo niyang mukha. Nag-shave siya, anong meron?

"Hindi ko kayang hindi ka makita ng isang araw." He kissed my hand. "Gusto mong pumasyal?" tanong niya.

Bigla akong na-excite. "Saan tayo papasyal?"

He kissed my ear. "Dadalhin kita sa bahay. May katabi iyong ilog, pwede kang maligo."

Kinagat ko ang labi ko at tumango. "Gusto ko. Wait lang, kukuha lang ako ng damit ko. Tsaka magpapalit na rin ako." Nakapantulog pa kasi ako.

Dinala ko ang maliit kong bag para may lalagyan ako ng damit ko. Simpleng shirt at maong shorts lang din ang sinuot ko para hindi naman masyadong agaw-pansin. Baka kasi may kakilala sa paligid si lola at magsumbong pa. I don't want to end this moment with Julian. Hanggang may panahon pa ako ay susulitin ko, alam ko kasing hindi magiging madali ang gagawin kong pag-amin kay mommy.

"Ayos lang ba suot ko?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa bahay niya.

"Napakaganda mo kahit ano pa ang suot mo," sabi niya.

"Bolero, siguro sinabi mo rin 'yan kay Bridgette, ano?" Napairap ako sa sariling sinabi.

"Paano na naman napasok si Bridgette?" natatawa niyang tanong.

Ngumuso na lang ako. Paano niya kaya pinormahan si Bridgette? Siguro, hinahalikan din niya ang babaeng iyon.

Isang maliit na bahay na gawa sa kawayan ang nadatnan ko sa lugar na pinagdalhan sa akin ni Julian. Kagaya ng inaasahan ko, sakto lang para sa kanya ang bahay na iyon. Walang kaarte-arte pero napakalinis tingnan at napakaganda ng bakuran.

"You live here?" tanong ko sa kanya.

"Yes, but it's small," he answered me with those funny accent.

Natuwa ako dahil kahit papaano ay may natutunan siya sa mga tinuro ko sa kanya. "Wow, very good ang student ko." Kinurot ko ang pisngi niya.

"Of course, my teacher is smart and very beautiful." Kahit siya ay natawa sa sarili niya.

Nawala ang ngiti ko nang makita ang isang garapon sa kusina niya na may pangalan ni Bridgette. Kumunot ang noo ko at mabilis na kinuha iyon.

"Bakit may gamit si Bridgette rito sa bahay mo?" tanong ko at pinagtaasan siya ng kilay.

"Nagdala siya ng pagkain dito kahapon," sagot niya.

Naningkit ang mga mata ako. "And then what? Pinatuloy mo siya and you had sex together? Hinahalikan mo rin siguro siya tuwing magkikita kayo."

"Lucianna!" Halatang gulat na gulat siya sa mga sinabi ko.

Hindi ko alam pero bigla na lang lumabas ang mga luha ko sa sobrang inis. Naalala ko noong una naming pagkikita, kung paano niya inayang mag-date si Bridgette noon. Naiinis talaga ako tuwing naiisip na may iba pa siyang babaeng nagustuhan.

"Tingnan mo, kung anu-ano ang iniisip tapos iiyak-iyak. Nababaliw na ang girlfriend ko." Niyakap niya ako at saka pinunasan ang pisngi kong basa na sa luha. Girlfriend niya ako?

"Nakakainis ka kasi. What if agawin ka niya sa akin?" Hinampas ko ang dibdib niya.

"Hindi 'yon mangyayari. Kung hindi ka dumating baka nga siya pa rin ang ginugusto ko pero, pinakita ka sa akin ng Diyos. Ang daming nagbago sa akin simula noong dumating ka. Mahal kita, Lucianna. Ikaw ang unang babaeng naiisip ko na makakasama ko habang buhay, wala ng iba. Kaya huwag mo nang isipin pa si Bridgette. Ikaw lang talaga." He kissed my forehead.

"Hindi mo siya hinahalikan?" tanong ko pa.

"Hindi kailanman." Ngumiti siya.

"Hindi kayo nagse-sex kahit noong bago ako dumating?" Hindi pa rin ako kuntento.

"Ano ba 'yan? Ano ba ang tingin mo sa akin? Kung magse-sex man ako, ikaw dapat ang kasama ko."

This time, my face turned red.

"Siguraduhin mo lang, Julian. Kakalbuhin talaga kita kapag nalaman kong may iba kang babae." Ngumuso ako.

"Selosa ka pala." Nilapit niya ang bibig sa tenga ko. "Kahit pagseselos mo ay gustong-gusto ko. Paano pa ako makakaahon sa 'yo? Mahal na mahal kita, Lucianna. Mahal mo rin ako, hindi ba? Kaya ka nagseselos?"

Pumikit ako at tumango. Sa pagkakataong ito, hahayaan ko ang sarili kong maging malaya.

"Oo, Julian, mahal din kita."

Your Lips All Over My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon