Chapter 7: Enter Me Slowly

2K 40 0
                                    

Still Five Years Ago...

Napakaganda niya talaga. Nakagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan siyang naliligo sa ilog sa likod ng bahay ko. Sobrang puti at kinis ng balat niya, hindi na ako nagtaka sa sarili ko kung bakit gustong-gusto ko siyang hinahalikan.

"Mahal, ligo ka na rin. Dali!" tawag niya sa akin at saka humagikgik.

Mula sa batong inuupuan ko ay dahan-dahan akong lumangoy papunta sa kanya. Wala akong sinayang na pagkakataon, pinalupot ko kaagad ang mga braso ko sa bewang niya at saka idiniin siya sa katawan ko. Malamig na ang balat niya dahil sa tubig.

"Julian," daing niya nang hindi ko mapigilan ang sarili kong tikman ang balat niyang basa sa tubig. Lumandas ang dila ko mula sa leeg niya hanggang sa balikat niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong panggigilan siya.

Namula ang buong mukha niya. Mas lalo ko pang diniin ang katawan ko sa kanya para maramdaman niya kung gaano ko siya kagusto. Siya lang ang may kakayahang gawin ito sa katawan ko. Simula noong bigyan niya ako ng karapatan ay walang gabing hindi ko napanaginipan na walang sawa ko siyang inaangkin sa kama ko.

"Julian, ikaw talaga." Hinampas niya ang balikat ko. "Kung gusto mong mag-sex tayo, okay lang naman sa akin. Hindi kita pipigilan, gusto ko rin." Kinagat niya ang labi niya pagkatapos iyong sabihin na parang wala lang.

Tangina!

"Huwag kang ganyan, mahal. Hindi mo alam kung anong pagpipigil ang ginagawa ko. Gusto ko sa unang beses natin, suot mo na ang singsing na ibibigay ko sa kasal natin." Hinalikan ko ang noo niya.

Papakakasalan ko ang babaeng ito. Mababaliw yata ako kung hindi ko siya maitatali sa akin. Sa akin siya, sinabi niya iyon kaya iyon ang panghahawakan ko sa ngayon.

"Pakakasalan mo ako? Sure ka?" tanong niya at nag-angat ng tingin sa akin. Maligaya ang mga mata niya kagaya ng palagi kong nakikita tuwing tititig siya sa akin.

Hinaplos ko ang pisngi niya. "Ikaw ba? Pakakasalan mo ba ako kahit ganito lang ako? Hindi ko kayang ibigay ang buhay na mayroon ka ngayon kaya dapat ako ang nagtatanong niyan sa 'yo."

"I don't care what you don't have. Ikaw lang ang gusto ko. Pakakasalan kita, Julian." Mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin.

"Salamat, mahal." Nakahinga ako nang maluwag. Iyon ang gusto kong marinig.

Yumuko ako para mahalikan ang labi niya na namumutla na dahil sa lamig. Mapusok na halik ang binigay niya sa akin at kahit malamig ang tubig ay nagawang mag-init ng kalooban ko. Baka kung ganito siya palagi ay baka mabali ko ang pangako ko sa sarili ko.

"Giniginaw ka na, tara na sa loob," bulong ko sa tenga niya. Hinalikan ko pa iyon at bahagyang kinagat. Nakakapanggigil siya.

Tango lang ang sagot niya at wala sa sariling sumunod lang sa akin. Hindi ko maalis ang tingin ko sa katawan niya ngayong panty at bra lang ang suot niya. Hinayaan ko siyang ganyan lang ang suot niya dahil wala namang ibang makakakita bukod sa akin. Wala dapat ibang tao ang makakita ng pagmamay-ari ko. Akin ang buong pagkatao niya, kung kaya ko lang gawin, pati kaluluwa niya ay mamarkahan kong sa akin.

Nang makarating kami sa kwarto ko ay alam ko na kaagad ang gusto niyang mangyari base sa maiinit niyang halik. Tangina talaga.

"Make love to me, Julian. Huwag ka nang magpigil. Ayokong magpigil ka." Sapo niya ang magkabila kong pisngi.

Wala na, napigtas na ang manipis na pasensya na inaalagaan ko sa loob ko. Inatake ko ng mga mapupusok na halik ang labi niya habang dahan-dahan ko siyang hinihiga sa kama ko. Hinubad ko ang basa kong damit at halos mabaliw ako nang hubarin din niya ang natitirang saplot na tumatakip sa dibdib niya.

Inabot niya ako para mahalikan kong muli siya. Kanina lang ay malamig ang mga balat niya, ngayon ay para na siyang nilalagnat sa sobrang init.

Napaungol siya nang bumaba ang halik ko sa pagitan ng dibdib niya. Hindi ko kayang titigan lang ang mga iyon, gusto ko iyong tikman, gusto kong angkinin iyon gamit ang bibig ko.

"Ah," ungol niya nang pasadahan ko ng aking dila ang tuktok ng dibdib niya.

Napasabunot siya sa buhok ko habang ginagawa ko iyon. Unti-unting bumaba ang halik ko, wala akong kinaligtaang halikan, bawat sulok ng katawan niya ay dinampian ko ng mga halik. Sa akin siya, akin lang...

Ako na mismo ang nag-alis ng panty niya na basa pa dahil na rin sa tubig ng ilog. Pero nang hawakan ko siya roon ay napagtanto kong hindi lang dahil sa tubig ng ilog ang dahilan kung bakit iyon basa. Kusa niyang ibinuka ang mga hita niya para mas mahawakan ko siya roon.

"Sabihin kung ayaw mo na, mahal. Titigil ako," wala sa ulirat kong sabi sa kanya.

Umiling siya. "Go on, take me."

Ngumisi ako at dahan-dahang yumuko. Hinalikan ko siya roon. Narinig ko ang ungol niya na mas lalong nagpainit sa akin. Hindi ako makapaniwalang natitikman ko siya ngayon, hanggang panaginip lang ako noon pero ngayon ay totoo na.

Palakas nang palakas ang ungol niya sa bawat hagod ng labi at dila ko roon. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa pumula ang parte niyang iyon. Bahagya rin siyang nanginig kasabay ng paglabas ng likido mula sa loob niya. Hindi ko iyon sinayang. Napakatamis kagaya ng balat niya.

Tama na...

Gusto ko man siyang angkinin ngayon ay hindi pa tama. Ikakasal muna kami, iyon ang gusto ko.

"T-tapos na? Bakit hindi mo...ano..."

Hinalikan ko ang labi niya at saka tumabi sa kanya. "Sa gabi ng kasal natin, huwag kang mag-alala."

Ngumiti siya. "Seryoso ka talaga, 'no? Pakakasalan mo talaga ako."

"Oo naman, maniwala ka sa lahat ng sasabihin ko mula ngayon. Hindi ko man maibigay sa 'yo lahat ng magagandang bagay sa mundo, sarili ko ang iaalay ko sa 'yo, Lucianna." Niyakap ko siya at binalot ang hubad niyang katawan ng aking kumot.

Umunan siya sa dibdib ko at marahang humahaplos sa katawan ko. Hinayaan ko siya pero nag-iiba na naman ang timpla ng katawan ko. Bumigat ang paghinga ko nang bumaba ang kamay niya patungo sa shorts ko.

"Ang daya, hubad na ako samantalang ikaw may suot pa." Umupo siya para maalis ang suot kong shorts.

"Tama na, Lucianna," pigil ko sa kanya.

Nakagat niya ang labi niya nang makita na niya kung gaano ko siya kagusto ngayon. Mabilis ko siyang pinahiga sa kama at pumaibabaw sa kanya. Hindi ko ipapasok pero gusto kong maramdan siya kahit mula sa labas lang.

Napapikit ako nang dahan-dahan kong kinikiskis ang pagkalalake ko sa kanya. Sobrang ingat ko dahil baka matakot siya. Parang lalagnatin ako.

"Ang sarap," bulong niya at saka ako hinalikan.

Ganoon lang ang ginawa ko hanggang sa labasan siya at makuntento na. Sa gabi ng kasal namin ay hindi na ako mabibitin ng ganito.

"Thank you, Julian. Kahit saan ako dalhin ng pagmamahal na ito, okay lang basta ikaw ang distinasyon ko. Mahal na mahal kita." Hingal na hingal pa siya nang sabihin ang mga iyon.

Your Lips All Over My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon