Still Five Years Ago...
"Wow, very good ka na talaga. Nakakailang session pa lang tayo pero ang galing mo na kaagad," puri niya sa akin pagkatapos niyang tingnan ang mga sinagutan kong numero.
Napakatiyaga niya sa akin at walang reklamo sa paulit-ulit na pagkakamali ko. Hindi naman ako naiinip sa ginagawa namin dahil bukod sa natuto na ako ay napagmamasdan ko pa ang napakalambing niyang mukha.
"Talaga? Ano ang premyo ko?" Tumitig ako sa labi niya, iyon ang gusto kong premyo. Kahit isang beses lang na matikman ko 'yan ay buo na ang araw ko.
"Ikaw talaga," sabi niya pero lumapit naman sa akin at siya na mismo ang nagsimula ng halik na sa una ay mababaw lang pero hindi ako kuntento sa ganoon. Gusto ko ay naangkin ko ang kabuuan no'n dahil sa akin ito. Ako lang dapat ang hahalik dito at wala ng iba.
Pasalamat na lang ako na dito ko siya inaya sa may dulong parte ng hacienda kung saan walang masyadong dumaraan. Nagagawa ko ang gusto ko sa kanya, kagaya ng paghalik sa matatamis niyang labi. Hinding-hindi ko iyon pagsasawaan.
"Tama na, nakakarami ka na." Ngumuso siya. Pulang-pula ang mga labi niya dahil sa halik ko. Gusto ko pa pero baka mailang na siya, nakakahalata na nga.
"Hindi ko mapigilan ang sarili ko, napakaganda mo," bulong ko sa kanya at hinalikan ang pisngi niya ng isang beses.
"Baka may makakita sa atin. Mapapagalitan ka o baka matanggal ka sa trabaho mo." Tinabi niya ang mga dalang papel.
"Mas inaalala mo pa ako kaysa sa sarili mo." Hinawakan ko ang kamay niya. Napakalambot no'n, hindi bagay sa magaspang kong mga kamay kagaya ng reyalidad na hindi ako bagay sa buhay niya.
"Syempre naman." Yumuko siya, narinig ko ang mabigat niyang paghinga. "Ano ba tayo, Julian? Bakit gusto mong hinahalikan ako?"
Napangiti ako. Hindi ko alam na posible pala ito. Ang sabi ko ay hinding-hindi ako iibig sa isang babaeng imposibleng mapasaakin. Pero dumating si Lucianna...
"Ikaw? Ano sa tingin mo?" Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makalayo.
Akin ka, Lucianna.
"Hindi ko nga alam." Umirap siya pero bumakas naman ang ngiti sa labi.
Akin lahat 'yan, ang pagtataray mo, ang mga ngiti mo, ang mga labi mo. Sa akin lang 'yan. Sa akin ka, panigurado 'yan.
"Sa akin ka ba, Lucianna?" bulong ko sa kanya. Hinalikan ko ang tenga niya ng isang beses, bumaba pa iyon sa leeg niya. Inamoy ko ang nakakaadik niyang pabango. Pinipigilan ko lang ang sarili ko pero gustong-gusto ko siyang angkinin nang buong-buo.
Narinig ko ang mahina niyang daing. "Julian." Tumingala siya para mas mahalikan ko ang leeg niya. Dumiin din ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Sagot, Lucianna. Sa akin ka ba?" Napapikit ako nang madaanan ng labi ko ang malambot niyang balat. Konti na lang ay baka ako na ang bumigay at tuluyan ko siyang maangkin dito sa gitna ng bukirin nila.
Sabihin mo lang na sa akin ka, wala na akong pakialam sa ibang bagay.
"Yes, Julian. I'm yours. Sa 'yo ako."
Halos sumabog ang dibdib ko sa sobrang ligaya dahil sa mga salita niya. Hindi ko alam kung paano nangyaring napakabilis lang ng lahat. Wala akong kamalay-malay na sa maikling panahon ay nagawang mahulog ang loob ko sa babaeng ngayon ko lang naman nakita at nakasama.
"Walang bawian. Akin ka na. Hindi na pwede ang iba." Bahagya akong lumayo sa kanya at nakita ko kung gaano kapula ang mukha niya. Ang mga mata niya ay namumungay at parang may gusto pang mangyari.
Hindi pa pwede, mahal. Pakakasalan muna kita.
Tumango siya. "Baka hinahanap na ako sa amin. Uwi na tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak patayo.
Dito sa ilalim ng puno ng mangga kung saan tanaw namin ang malawak nilang lupain, nagkaroon kami ng sariling mundo pansamantala.
"Bye, see you," bulong niya sa akin at saka humalik sa pisngi ko.
Malayo pa kami sa mansyon pero kailangan na naming maghiwalay. Hindi naman kasi pwedeng ilantad na lang namin ang relasyon namin sa pamilya niya. Ang sabi ko nga, bihira na lang ang mga katulad ni Lucianna. Hindi maiintindihan ng pamilya niya ang pagmamahal ko sa kanya.
"Kuya Julian, aano ka rito?" tanong ni Lilibeth nang bumisita ako sa daycare. Nandito kasi ang mga batang iniwan ng magulang at naghahanap ng aampon sa kanila. Dito rin ako galing bago ako nagkaroon ng isip at makatayo sa sariling paa.
"Nasaan si Sister Cara?" tanong ko sa bata.
"Nasa office niya po." Tinuro niya ang opisina ng madre.
"Salamat."
Ngumiti ang bata sa akin. Tinungo ko ang opisina ni Sister Cara. Magpapaalam sana ako sa kanya, baka hindi muna ako makapunta rito bukas at ipapasyal ko si Lucianna sa bahay ko. Linggo kasi bukas.
"Si Bridgette ba 'yang kinahuhumalingan mo?" tanong ng madre.
"Hindi po, hindi ko naman 'yon gusto. Si Lucianna po. Lucianna Vincenza."
Nagulat siya sa sagot ko. "Alam mo ba ang ginagawa mo, hijo? Apo ni Donya Amor?"
"Alam ko pong mahirap pero mahal ko po siya at mahal din niya ako. Gagawa po ako ng paraan para matanggap ako ng pamilya niya. Mabait naman po si Donya Amor," sabi ko at ngumiti. Tama, makakagawa ako ng paraan.
"Ipapanalangin kita, hijo. Mabuti ang kalooban kaya sana ay makita nila iyon. Kita ko rin ang kaligayahan sa mga mata mo kaya hindi na ako tutol pa." Sa wakas ay tumango siya bilang pagpayag sa pagliban ko bukas.
Kailangan kong linisan ang bahay ko kung iimbitahan ko si Lucianna. Hindi katulad ng mansyon nila ang bahay ko. Bahay kubo lang iyon at hindi pa sementado ang sahig. Napakaliit lang at mainit pa sa tanghali. Sana ay magustuhan niya ito.
"Julian!"
Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin mula sa labas. Tama nga ang hinala ko na si Bridgette iyon na may dalang isang garapon, malamang ay isang ulam na naman na niluto niya.
"Anong meron at nililinis mo ang bahay mo?" tanong niya.
"Dadalhin ko ang girlfriend ko rito," maligayang usal ko.
Nanlaki ang mga mata niya. "M-may girlfriend ka na?"
"Oo naman. Salamat dito." Kinuha ko ang dala niya at tinalikuran na siya.
Si Bridgette ang unang babaeng nagustuhan ko. Siya rin ang unang babaeng sobrang nagandahan ako at kung hindi dumating si Lucianna ay baka hindi nagbago iyon. Maraming nabago sa pananaw ko simula noong dumating siya. Hindi ko na isip na mayroon pala talagang ganoong kagandang babae sa totoong buhay. Napakabait pa niya. Ang pinakagusto ko sa lahat ay ang ngiti niya, dahil totoong-totoo iyon.
Mahal na mahal ko na siya.
BINABASA MO ANG
Your Lips All Over My Soul
RomanceWarning: R18🔞 CABRINI EMPIRE #1 "I want your lips all over my body and soul once again." Sa muling pagkikita ni Lucianna at Julian pagkatapos ng limang taon, nagbalik ang mga alaalang pareho nilang hindi mabaon sa limot. They are both asking for so...