Chapter 13: A Surprise Of Time

2.1K 40 0
                                    

Seeing her again opens a lot of wounds in my heart.

I washed myself that night after making her bleed. Hindi ko alam bakit ako nasasaktan. Gusto ko siyang saktan nang paulit-ulit pero parang bumabalik lang sa akin ang pananakit ko sa kanya. Dapat masaya ako, Hindi ba? Nakakaganti na ako sa kanya, naibabalik ko na ang sakit na binigay niya sa akin noon.

Nagkulong na ako sa kwarto pagkatapos ng gabing iyon. Ayoko na ulit siyang makita. Hanggang ngayon ay pinanghahawakan pa rin pala niya ang mga salitang iyon na siya rin naman ang unang bumali. Hindi na ulit ako mahuhulog sa kanya, tama na ang minsang pagkakamali.

Pagkagising ko ay nagdiretso kaagad ako sa kusina para makakuha ng kape. I need to tell my brother Ian to process my annulment with Lucianna immediately. Hindi ko na kayang makasama siya sa iisang bubong. Ang sabi naman ni Ian ay baka madaling mapawalang-bisa ang kasal namin dahil hindi naman iyon dumaan sa tamang proseso, minadali kumbaga. At saka, ibang apelyido pa ang gamit ko noon. I am Cabrini now. Kailangan lang ng presensya at pirma naming dalawa ni Lucianna.

"Good morning," bati niya sa akin. She woke up earlier than me and she already cooked my breakfast for that day.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkuha ng kape.

"Kumain ka bago ka umalis. Baka gusto mo ring mag-grocery, wala ng laman ang pantry at fridge mo," sabi niya.

Humarap ako sa kanya. Ayan na naman, nakangiti na naman siya na parang wala akong ginagawa sa kanyang masama.

Nilabas ko ang wallet ko at binigyan siya ng pera. I looked at what she was wearing, it was from yesterday. Iyan din ang suot niya noong pinaalis siya sa trabaho.

"Wala ka bang ibang damit?" iritable kong tanong.

"Wala, eh. Luma na yung mga damit ko at hindi rin masuot ang iba kaya tinapon ko na. Ayos pa naman 'to, nilalabhan ko tuwing gabi," sagot niya.

What the hell? What happened to her for the past five years?! What happened to her rich family?

"I don't care. Kapag may bisita ako, huwag kang lalabas. Nakakahiya ka." Umupo ako para makakain na ng almusal at makaalis na rito. Hindi ako makahinga kapag nandyan siya.

"Kailan pala darating ang kuya mo para roon sa annulment papers?" tanong niya.

"Baka mamaya. Sign those immediately para matapos na 'to at makabalik na ako sa ibang bansa." Hindi ko siya tinitingnan habang sinasabi ko iyon.

"Okay, dito ka ba magdi-dinner mamaya? Magluluto ako."

Nakuyom ko ang palad ko. "Hindi ako uuwi mamaya, uwi ka na lang din sa pamilya mo."

Narinig ko ang buntonghininga niya. "About what happened five years ago, I want to--"

Binagsak ko ang kubyertos na hawak. "Wala na akong pakialam kung ano'ng nangyari sa iyo noon. Wala na akong pakialam sa iyo. I want to start a new life pero hanggang nakatali ako sa 'yo, hinding-hindi ko iyon magagawa. Marrying you is the biggest mistake of my life."

Kuminang ang mga mata niya dahil sa nagbabadyang luha. "Y-you regret marrying me?"

"Yeah, Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko noon. Hindi na sana ako nahihirapan pa ngayon," mariin kong sambit.

"Marrying you and having you in my life are the greatest things happened in my life," she whispered and her tears overflowed. "Sorry for hurting you, Julian."

"Tangina, kailan ka ba titigil kakaiyak?!" Naiirita ako, hindi dahil sa kanya, kung hindi sa sarili ko kasi naapektuhan ako sa mga luha niya.

Pinunasan niya ang mukha niya. "Sorry, kain ka na."

Hindi ko na ulit siya kinausap hanggang sa makaalis ako. Bahala na siya kung ano ang gagawin niya sa perang binigay ko sa kanya. Maling desisyon yata na hinayaan ko pa siyang makalapit sa akin.

"Darling."

I immediately smiled when Nathalia entered my office.

"I missed you." Mahigpit na yakap ang binigay ko sa kanya at hinalikan siya sa labi.

"I missed you too. I have some good news pala. My family wanted to meet you. Sayang nga lang kasi hindi mo na makikita si Lola Amor, she passed away last month." She pouted her lips.

That name stirred some memories in my mind. Probably not the same Amor I knew.

"Where is your mommy's province again?" I guide her to sit on the sofa.

"San Fernando," she simply said and smiled.

Natigilan ako. "Ano ang apelyido ng Lola Amor mo?" Napaayos ako ng upo.

"Vincenza, why? Do you know them?" She faced me with those curious eyes.

No...

No, it can't be.

"Is there any problem, darling?" She caressed my face.

Umiling ako. "N-nothing. I am very excited to meet them. I just know them by their names."

Mas lalo akong naguluhan sa kung ano ba ang nangyari kay Lucianna. Ano ang nangyari sa kanila noong Simon na 'yon? Nagpakasal ba sila?

"Kuya!"

Si Lilibeth ang sumalubong sa akin pagkauwi ko sa mansyon. Kung dati ay nagtatrabaho lang ako sa mansyon ng ibang tao, ngayon ay dito na ako nakatira. Sinama ko pala si Lilibeth sa akin noong kinuha ako ng mga magulang ko. Hindi ko na siya maiwan dahil napalapit na talaga sa akin ang batang ito.

"Saan ka galing kagabi? Hindi ka umuwi," sabi niya at niyakap ako.

"Busy lang si kuya pero dito ako matutulog ngayon." Hinalikan ko ang noo niya.

"Nahanap mo na ba si Ate Lucy?" tanong niya kaagad sa akin. "Hindi ba hahanapin mo siya kaya tayo umuwi rito? Magbabalikan na kayo."

Mariin akong pumikit. "May girlfriend na ako, hindi ba? Hinahanap ko lang siya para makapaghiwalay na kami."

"Ay, bakit? Hindi ko gusto yung girlfriend mo ngayon, kuya. Gusto ko si Ate Lucy. Parang ang arte kasi nung ngayon tapos si Ate Lucy hindi na naman kahit mayaman din siya," sabi niya.

I sighed. "Ayaw mo kay Nathalia?"

"Ayaw din niya kasi sa akin. Tsaka mas masaya ka noon kaysa ngayon. Noong nawala si Ate Lucy, lagi ka na ring masungit. Hindi ko na nakikita yung dating Kuya Julian ko. Mas masaya ka kapag nandyan si Ate Lucy, hindi ba?"

Ang bata pa ni Lilibeth noong nakita niya si Lucy. Ang bata pa niya para maalala kung ano ang itsura niya pero mukhang sobrang nagustuhan siya ni Lilibeth noon.

Hindi ako mapakali sa mansyon nang gabing iyon kaya nagdesisyon din akong umuwi ng condo. Nadatnan ko si Lucianna na natutulog sa sofa at robe lang ang suot, siguro ay nilabhan niya ang damit niya. Sa center table ay nandoon ang sobrang pera at mga resibo ng mga pinamili niya. Bakit hindi siya bumili ng damit niya?

Wala sa sarili akong lumapit sa kanya. Lumuhod ako sa gilid para mapantayan ang mukha niya. I am still wondering what happened to her. Sinasabi ko na wala akong pakialam pero sa tingin ko ay nagsisinungaling ako sa sarili ko.

Ang tanging dahilan ng pag-uwi ko ay ang pakikipaghiwalay na kung tutuusin ay napakadali lang sana pero...

I touched her cheek. Unti-unting nagmulat ang mga mata niya.

"Julian." Hinawakan niya ang kamay ko.

But still...

That video of her having sex with another man the day after our wedding day keeps flashing in my mind. Hanggang ngayon masakit pa rin.

Your Lips All Over My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon