"Bakit ba kasi first day na first day, napaka dami na agad nang ipinapagawa?!"
Pabulong na rant ko habang hinihilot ng bahagya yung leeg ko dahil nanakit ito sa mahabang oras na pagkakayuko sa library. Matapos kasi ng klase, tatlo agad sa subjects namin ang nagbigay ng assignments tapos yung isang subject sabi sa book daw na nasa library lang daw makukuha yung sagot.
Syempre, bilang nagbabagong buhay, ayoko namang matambakan ng gawain pag-uwi ko. Ayoko din na imbes yung ihihiga ko na ay igagawa ko pa ng assignments kaya tinapos ko na lahat in one go.
Ang ending, napagod ako ng sobra sa pagbo-browse ng libro.
But infairness ha, malaki ang library nila. Tahimik at malamig, masarap ngang matulog eh. Pero mas masarap matulog sa kwarto ko dahil may malambot akong kutson at makapal na comforter.
Anyways, nang makalabas ako ng campus, napansin ko na gabi na pala. Anong oras na ba? Tiningnan ko yung relo na nakakabit sa kaliwang wrist ko.
8 PM na pala ng gabi. Ang bilis ng oras. Ganun ako katagal na nag-aral sa loob ng library?
Napabuntong hininga na lang ako atsaka ko kinuha yung cellphone ko para tawagan si Kuya Koutaro. Sabay dapat kami kanina uuwi pero kanina pang 5 PM yung end ng klase nila kaya paniguradong nasa bahay na 'yun. Pero magpapasundo na lang ako.
Nagri-ring lang yung cellphone nito hanggang sa..
"The subscriber cannot be reach─"
"Mu kachi!" Bulong ko.
(Worthless!)
Ibinulsa ko na lang ulit yung cellphone ko at tumingin sa kaliwa't kanan ko. May masasakyan pa ba ako?
Pero naputol ang pag-iisip kong yun nang mapansin ang dalawang lalaking susuray suray na naglalakad mula sa di kalayuan bandang kaliwa ko.
Mukhang nakainom 'tong dalawa. Dahil pakanta kanta pa 'to habang may hawak ng malaking bote ng red horse ang isa sa kanila at ginagawang mic ang bunganga nito.
"Pwede kabang maikama pagtapos mo diyan! Pagkatapos mag inuman magbabanatan!"
Sabay na kanta ng dalawang lalaking mukhang tanga habang nagtatawanan. Babaliwalain ko na lang nga sana pero bigla silang huminto sa harap ko kaya naman napataas ako ng kilay.
"Hoy, miss, ganda mo ah," biglang sabi ng lalaking may hawak na bote na halos lumambitin na sa kasama niyang hindi na din pantay ang mga paa sa lupa.
Tinap pa nito yung kasama sa balikat para pansinin din ako.
"Maganda siya, pre noh?"
"Oo!" Pag sang-ayon naman ng kasama niya.
Talaga namang maganda ako!
Pero mas maa-appreciate ko siguro yung compliment nilang yun kung nagkataon na parehas silang sober.
"Nag-iisa kaba, miss?" Tanong sakin nung umaalalay sa may hawak na bote.
"May sundo ho ako," pagsisinungaling ko sa kanila para tigilan na nila ako.
Pero kabaliktaran pa yata yung nangyari.
"Gabi na miss, hatid ka na namin hanggang labasan," nakangising sabi ng may hawak na bote kaya naman nakaramdam ako ng kaba.
Lalo na when one of them tried to grab my wrist. Mabuti na lang at mabilis akong kumilos. Walang sabi sabi, lumakad ako paalis at palayo sa dalawa. Lumiko ako sa bandang kanan ko.
Hindi ko exactly alam kung saan 'to patungo basta gusto ko lang makaalis at makalayo sa kanila.
Pero parang nawala bigla yung pagkalasing nung dalawa dahil habang pabilis ng pabilis yung mga yapak ko, pabilis na pabilis din yung lakad nila.
BINABASA MO ANG
You Rock My World (Highschool Series #2)
JugendliteraturEnter the spellbinding world of Sam Alejo, lead vocalist of the famed student band, The Devil. His allure is undeniable, yet his heart remains a mystery, leaving admirers yearning for his affection. When Sachi steps into his life, she uncovers a re...