Pagkauwi ko ng bahay, agad kong binuksan yung ref para kumuha ng malamig na tubig. Habang umiinom ako, biglang pumasok ng kusina si kuya Taneki.
"Sachi, did you─"
Ibinaba ko yung iniinom ko at hindi na siya pinatapos pa sa sasabihin niya.
"I didn't see, Sam. I mean... I saw him today. Pero hindi yun sadya!"
Napataas ng dalawang kamay niya si kuya.
"Woah!" He chuckled. "Relax, will you? Itatanong ko lang sana kung nakita mo yung mag-ina ko dahil susunduin ko na silang tatlo pauwi sa bahay namin," dagdag niya pa.
Napalunok ako at agad na tumalikod dahil sa kahihiyan. Ipinasok ko na din sa ref yung pitsel at inilagay naman sa platuhan yung basong ginamit ko pagkatapos kong hugasan.
"K-Kakauwi ko lang kaya hindi ko pa sila nakikita."
"Oh, okay," sagot naman nito. Paalis na sana ito nang saktong humarap ako pero bigla itong natigilan na parang may naalala.
"Wait a minute," tiningnan niya yung relo niya. "Nakipagkita ka kay Sam nang ganitong oras? Mag a-alas dose na ng madaling araw!"
"H-Hindi sa ganun, nakasalubong ko lang siya sa elevator nung papauwi ako galing sa condo ni Jessi," paliwanag ko naman.
"At anong ginawa mo dun?"
"U-Uminom kami," sagot ko.
Tiningnan niya ko na parang hindi siya kumbinsido.
"Kayo kayo lang lima?"
Tumango ako hanggang sa tumango tango na din si kuya.
"Okay. Magbihis kana bago kapa maamoy nila Mama, susunduin ko na yung mag-iina ko."
Pagkatapos niyang magpaalam, tuluyan na din itong umalis sa harap ko. Nakahinga naman ako nang maluwag nang mawala ang presensiya nito. Dumiretso na din ako sa kwarto ko para mag wash up at magpalit ng pantulog.
Nang makahiga ako, kinuha ko saglit yung cellphone ko para itsek yung social media account ko.
Nakita ko na nasa notification ko pa din yung follow ni Sam. Clinick ko yung followback. Dahil na din may new stories ito, binuksan at pinanuod ko na din yun.
It was his video holding a guitar at Trigger bar and then I heard a woman's voice.
"Smile!"
It was Seraphine. Sam smiled.
Inulit ulit kong panuorin yun hanggang sa bigla na lamang may nag notif sa inbox ko.
Nanlaki pa yung mata ko nang makita yung message niya.
samalejo_00: still up?
Anong irereply ko?
Nagsimula akong mag type ng message.
"Oo, gising pa. Ikaw ba─"
Natigilan ako bigla half way ng pagtatype atsaka ko dinelete yung irereply ko dapat.
Baka kasi ma-misinterpret niya ako kung itatanong ko sa kanya kung bakit gising pa siya. Siguro yung short at simple lang.
izmesachiiii: Why?
Sineen agad ni Sam yung reply ko at kita ko na typing na siya agad. Pero nawala yung typing niya tapos lumitaw ulit hanggang mag popped out yung message niya.
samalejo_00: Nothing, just checking. Goodnight. Sleepwell.
izmesachiiii: K.
After that, pinatay ko na yung phone at natulog na ko.
BINABASA MO ANG
You Rock My World (Highschool Series #2)
Novela JuvenilEnter the spellbinding world of Sam Alejo, lead vocalist of the famed student band, The Devil. His allure is undeniable, yet his heart remains a mystery, leaving admirers yearning for his affection. When Sachi steps into his life, she uncovers a re...