3 weeks have passed pero wala pa din akong nalalaman na kahit na ano tungkol kay Sam.
All that I am aware of are the details that Georgette have shared. He is eighteen years old, lives alone, enjoys music as his only hobby, sleeps a lot, and neither has a partner nor an interest in relationship.
Nasa library ako ngayon at naghahanap ng libro until I saw this one book that says How to Get Someone to tell You a Secret: 12 easy steps. Siguro nga ganun na ko ka desperada. Pero hindi dahil sa kapalit na favor na mapalapit kay Steve pero dahil out of curiosity na din.
Hindi kasi maalis sa isip ko yung sinabi ni Orenji sakin na yun daw yung first time na tumawa siya sa isang babae.
Habang binubuklat ko yung book at binabasa ko yung contents nun, nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.
"Making someone spill their secrets?"
Napalingon ako at biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko ng makita ko si Steve.
"Steve─"
He raised his pointing finger and hushed me when I suddenly called him out. Nakagat ko yung ibabang labi ko. Mukhang napalakas ata yung boses ko. He chuckled and gestured his hand to follow him, which I did.
Dinala niya ako sa isang table sa library at nakita ko sina Orenji, Xander at Sam sa iisang table.
Xander and Orenji was reading a book na related sa isa sa mga subject namin. Napapakamot pa nga si Xander sa ulo niya na parang hirap na hirap na intindihin yung binabasa kaya panay siya kalabit kay Orenji. Pero mukhang mahaba naman yung pasensiya nito sa kaibigan kaya kada kalabit, tinitingnan niya yung tinuturo nito sa libro at ine-explain naman dito kung anong ibig sabihin.
While... Sam?
Natutulog lang siya sa tabi ni Orenji. Nakahiga yung pisngi nito sa lamesa at nakaharap yung mukha sa right side, patalikod kay Orenji. Nasa pinaka dulo ito ng upuan, bandang aisle. Habang nasa tabi naman ng bintana si Xander. Bale, pinapagitnaan nila Sam at Xander si Orenji.
Nang makalapit ako ng tuluyan, binati ako nila Xander at Orenji tapos inaya naman ako ni Steve na sumama na sa kanila sa isang table. Nakakahiya man pero pakiramdam ko, mas nakakahiyang tumanggi.
Naupo ako sa katapat na upuan ni Sam habang nasa tabi ko naman si Steve.
"Nagre-review kami para sa quiz bukas," pabulong na sabi ni Steve. Nilabas ko na lang din yung notes ko para mag take down notes at mag review kasama nila.
Pero hindi ko maiwasang hindi sulyapan ng tingin si Sam na tulog na tulog. Agad din namang nalipat yung tingin ko nang mapansin ang isa nanamang babae na papalapit sa natutulog na Sam.
Mukhang napansin din nila Steve yun dahil bigla na lang nagsalita si Orenji at tinawag si Xander.
"Alam mo na kung anong gagawin," ani pa ni Orenji sa kaibigan. Tumango naman agad si Xander at tumayo.
Bago pa makalapit ang nasabing babae, hinarangan na agad ito ni Xander.
"Sorry ladies, pero ayaw na ayaw ng master namin na naiistorbo ang power nap niya kapag may nalalapit kaming quiz," nakangiting sabi ni Xander.
Napangiti din naman yung babae at parang kinilig pa lalo nung kumindat si Xander dito.
"O-Okay," rinig ko pang sabi nung babae bago ito tuluyang umalis.
Nang makabalik si Xander sa upuan niya, parang gusto kong itanong dito kung paanong makakatulong kay Sam ang ginagawa niyang pagtulog kesa mag review para sa quiz namin. Pero hindi ko na nagawang itanong yun dahil biglang gumalaw si Sam at ibinangon ang ulo sa pagkakayuko.
BINABASA MO ANG
You Rock My World (Highschool Series #2)
Teen FictionEnter the spellbinding world of Sam Alejo, lead vocalist of the famed student band, The Devil. His allure is undeniable, yet his heart remains a mystery, leaving admirers yearning for his affection. When Sachi steps into his life, she uncovers a re...