Epilogue

53 8 93
                                    

SAM

First day of school.

For me, I wasn't expecting that much. I'm pretty sure that it's just another boring year.

As soon as I got out the cab, I looked around and let out some heavy sighs. But then, I noticed something new.

I saw this cute girl.

She was standing infront of our school. Para bang nagkakaroon siya ng sarili niyang monologue sa isipan niya.

Sa sobrang aliw ko sa kanya, I decided to take my phone out and took a picture of her backview.

After taking a picture, a wave of students suddenly appeared.

Natangay ito sa hindi ko alam kung saang lugar.

Binuksan ko nun yung social media account ko para ipost ang picture niya.

Perfect view to get things in tune.

That was my caption.

Pagkatapos nun, naglakad na ko papasok ng university. Nakarating naman ako agad sa room namin at pumwesto ako sa pinaka dulo para makatulog ako.

I don't know how long I slept in.

Pero naalimpungatan ako nang maramdaman kong may nakatayo sa gilid ko.

Paggising ko, namulatan ko yung babaeng di ko naman kilala. May hawak itong isang box ng tsokolate.

Walang ekspresyong tiningnan ko ito.

Nung iaabot niya sakin yung tsokolate, pinangunahan ko na agad ito.

"I'm sorry but I don't like sweets."

Pagkatapos kong sabihin yun, tumayo na ko mula sa pagkakaupo atsaka nakapamulsang naglakad palabas. Iniwan kong nakatayo dun yung babae hanggang sa may sumigaw na isa pang boses ng babae sa likod ko.

"Hoy, Mister!"

Nilingon ko 'to.

Nagulat pa ko ng makita ko yung babaeng pinicturan ko kanina sa labas.

Pero hindi ko ito pinahalata.

"Kahit sana hindi ka mahilig sa sweets, tinanggap mo pa din yung binibigay sayo nung girlfriend mo─"

"She's not my girlfriend."

Putol ko sa sasabihin niya bago pa man niya yun matapos. Natigilan pa nga siya at nagpapalit palit din ang tingin niya sakin at dun sa babae.

Pfft. She's really cute.

"G-Ganun ba? Hehehe." Napakamot na lang siya sa ulo niya.

"May sasabihin kapa ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ah wala naman, sorry─"

Hindi pa man siya tapos sa sasabihin niya, tuluyan na kong tumalikod sa kanya.

Ayokong ipakitang naaaliw ako sa pagiging cute niya. Lumabas ako saglit at nag ikot ikot sa campus hanggang sa makasalubong ko nanaman yung ilang mga kaklase kong babae.

You Rock My World (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon