20

26 31 87
                                    

WARNING

This chapter contains self harm that may not be suitable for some readers.

....

"Please, just let me talk to him."

Ilang araw na akong nakikiusap kela Steve na sabihin sakin kung saan nakatira si Sam pero ilang araw na din nilang sinasabi sakin na hindi nila alam at hindi nila makontak yung kaibigan nila.

Ilang beses na din akong bumabalik sa Neon club pero sabi ng dating boss ko na hindi pa din daw niya nakikitang mag perform ulit dun si Sam.

And here I am, infront of Steve, nagmamakaawa ulit ako na sabihin sakin kung nasaan ito.

"Nag-aalala lang ako sa kanya. It's been a week," nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong lumuha.

"I-I'm so sorry, Sachi, pero kasi hindi ko talaga alam," iyan ulit ang natanggap kong sagot mula kay Steve nang makaharap ko ito sa Neon.

He was sitting on a stool with Xander and Orenji. Pero bumaba siya sa pagkakaupo at isinakbit ang lagayan ng gitara niya sa balikat bago nagpaalam sakin at sa mga kaibigan niya.

Xander just nod his head and followed Steve while Orenji stayed on his seat.

Tinungga niya ang natitirang alak sa baso niya bago nito inilapag ulit sa counter at bumuntong hininga. Pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at may isiningit sa kamay ko na papel.

"I'm not sure if Sam still lives in this address but please don't tell him that you got this information from me. Ayoko lang madagdag sa hating list niya," halos pabulong na sabi nito bago niya tinapik ang balikat ko.

Nagliwanag naman ang mukha ko dahil dun.

"Thank you, Orenji! Thank you talaga. Babawi ako─"

"You don't have to. I just hope that you could fix the beef between you two."

Tumango ako atsaka naman ito nagpaalam sakin na aalis na. He also followed his friends outside.

Naiwan akong nakatayo sa harap ng counter sa Neon atsaka ko binuklat yung papel na ibinigay sakin ni Orenji.

It was an address located sa isa sa mga condo unit sa BGC. And so the next day, I took a cab and went there. Pagpasok ko palang, sumalubong sakin ang reception area.

Pero napatigil ako nang may makita akong pamilyar na mukha na nakikipagtalo sa isa sa mga receptionist. It was Fatima.

"My brother lives here! I am his sister! Anong sinasabi ninyo na hindi ako pwedeng pumasok?"

"Pasensiya na po talaga, yun po ang kabilin bilinan samin ni Mr. Alejo two days ago na wala kaming pwedeng papasukin na kahit na sino."

"Gusto mo ba ng katunayan na related talaga kami? I can present my ID or my birth certificate."

"Ma'am, pasensiya na talaga."

Pinanuod ko si Fatima na maglakad patalikod sa receptionist habang bagsak ang mga balikat nito. Humugot ito ng malalim na paghinga at nang mapansin ko na parang nanlalambot ang mga tuhod niya na para bang babagsak siya, agad akong lumapit sa kanya para alalayan siya.

"Careful," sabi ko. Napatingin ito sakin.

"And who are you?"

Tanong niya matapos ko siyang alalayang makaupo sa isa sa mga bench malapit sa exit ng condo building na tinitirhan ni Sam.

"You probably don't know me but I'm one of Jessi's friends," sagot ko sa kanya.

Mabuti na lang at may dala akong tote bag at hindi ko pa naaalis yung extra slipper ko dito.

You Rock My World (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon