"Baka janai no?"
(Are you crazy?)
Hindi makapaniwalang tanong ko kay kuya Taneki matapos na marinig ang sinabi niya sakin. Andito kaming dalawa ngayon sa opisina niya.
Nakatayo ako sa harap niya habang siya naman ay nakaupo sa swivel chair niya habang may hawak na action figures nina Batman at Joker na laruan sa magkabilang kamay.
"Oi,-guchi ni kiwotsukero! Watashi wa mada anata no anidesu!"
(Hey, watch your mouth! I'm still your big brother!)
Pero hindi ko pinansin ang pananaway nito bagkus binigyan ko siya nang hindi makapaniwalang tingin.
"You're really asking me na maging tour guide-slash-personal assistant ni Sam while nasa Japan siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Proud naman na tumango si kuya at sinimulang laruin sa table niya ang mga hawak niya. Pinalipad niya si Batman papunta kay Joker na parang bata.
"Yup! Mamayang madaling araw alis niyo, saktong 12 am. So, mag prepare ka ng maaga," sabi pa nito pagkatapos gumawa ng sound effects nang pagbagsak ni Joker.
"Bakit ako? Bakit hindi si Seraphine?"
"Our employees already has a lot on their plate. Especially, Seraphine, dahil kailangan namin siya ngayon sa game─"
"Hindi din ba ako busy?" Putol ko sa sasabihin nito na naging dahilan para tingnan niya ko mula ulo hanggang paa.
Ibinaba niya din sa table niya yung dalawang action figures at sumandal sa upuan niya.
"By the looks of it, mukhang hindi naman."
"Kuya!"
"Sachi."
Bigla itong sumeryoso nang expressions sa mukha na naging dahilan para matigilan ako.
"If you're gonna do this, I won't interfere with your life ever again, after this, you can go your own way," sabi pa nito.
Nagpakawala ako ng buntong hininga.
"Wow, what a tempting offer," I mocked him and even made a face.
Inirapan ko na lang siya at tumalikod na. Pero bago ako tuluyang lumabas ng opisina niya, muli ulit itong nagsalita.
"And about Seraphine and Sam," sabi pa nito.
Nakahawak na ako sa seradura ng pinto nang marinig ko ang mga pangalan nila. Nanatili akong nakatalikod sa kapatid ko at inaantay siyang magsalita.
"They're─" he suddenly stopped midway and I can feel him shaking his head. "Hays. Nevermind. It's not something I should interfere. It's for you to find out," dagdag pa nito.
Nakaramdam ako lalo nang inis. Lumingon ako sa kanya at handa nanaman sana makipag ratratan pero naunahan niya akong magsalita.
"After this trip, rest assured na pasasalamatan mo ko."
At pagkatapos niyang sabihin yun, tumunog bigla yung cellphone niya. Narinig ko na tinawag niya si Ate Quincy sa kabilang linya.
Gusto ko pa man sana magtanong pero pinili kong huwag na lang istorbohin ang oras nito sa asawa at mga pamangkin ko.
Lumabas na ako ng tuluyan sa opisina nito.
Nang bumalik ako sa department namin, sakto na papunta na din ng pantry yung mga ka work ko kaya sumunod na ko.
"Nagka pirmahan na ba?" Rinig kong tanong ni April kay Gaile.
"Hindi pa ata, after yata ng trip nung Sam sa Japan," sagot naman nito sa ka work namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/347711661-288-k682972.jpg)
BINABASA MO ANG
You Rock My World (Highschool Series #2)
Roman pour AdolescentsEnter the spellbinding world of Sam Alejo, lead vocalist of the famed student band, The Devil. His allure is undeniable, yet his heart remains a mystery, leaving admirers yearning for his affection. When Sachi steps into his life, she uncovers a re...