14

84 39 80
                                    

"S-Sam."

I blinked repeatedly, making sure na si Sam nga talaga yung nakikita ko sa harap ko. Mukhang nagulat din ito ng makita ako pero agad akong napaatras ng bigla na lang itong humakbang ng mas malapit sakin.

"Sachi, is that you?"

Hindi ko din inaasahan na hahawakan niya ko sa magkabilang pisngi kasabay nang mahinang pagpisil nito.

"I-It is really you," ani ni Sam sabay bitaw sakin.

Nilagay niya sa magkabilang bulsa yung dalawang kamay niya. Then he looked away after he cleared his throat.

"Running late?"

Napatingin ako sa relo ko.

"Hala, oo nga pala─"

Tatakbo na sana ako papunta sa room ng magsalita ulit si Sam.

"But we don't have class."

Naalala ko na wala na nga pala kaming klase na ngayon dahil nag-aantay na lang kami sa final exam namin at puro na lang kami hayahay until end of February.

Napakamot ako sa batok ko at medyo awkward na tumawa. Gumilid siya ng bahagya para bigyan ako ng pwesto sa tabi niya pagkatapos niyang mag offer na sabay na kaming lumakad papunta sa locker at designated booths na ino-operate namin.

Habang naglalakad kami, hindi ko maintindihan bakit parang ang awkward ulit. Hindi siya umiimik at diretso lang yung tingin niya habang sabay kaming naglalakad.

Syempre, as someone na sobrang daldal, hindi ko kaya yung ganun. So I cleared my throat and attempted to start a conversation with him pero naunahan niya akong magsalita.

"How're things going for you? Are you now dating Steve?" He suddenly asked.

"He confessed," I answered. He was not shocked, siguro nakwento na din sa kanya ni Steve yun. "Pero hindi ko pa siya binibigyan ng sagot. So technically, hindi pa kami."

He gave me a hurried glance.

"Why not? You like him too, right?"

I shrugged.

"I don't know. It doesn't feel right."

"What doesn't feel right?" He asked after he stopped walking to look at me again, so I stopped as well.

Humarap siya sakin and when our eyes met, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko.

I don't know how long it lasted pero bumalik lang ako sa realidad nung bigla na lang may nagsabog ng confetti saming dalawa.

"Congrats, Mr and Mrs on your wedding!"

Pagtingin ko, mga kaklase namin na kasama ko sa pag ooperate ng marriage booth. Bigla na lang may nagkabit ng belo sakin.

"T-Teka─"

"Wag ka ng umalma, Sachi, naapakan niyo yung ring symbol kaya halika na sa marriage booth!"

Hinila naman ako ng kaklase kong si Ryan kasama si Sam.

Pagdating namin sa marriage booth, nakita naman namin yung isa pang kaklase naming si James na acting priest.

"Do you take Sam to be your husband─"

"Teka nga!" Pigil ko dito. "Bakit ba kami nandito sa marriage booth?"

"Kasi naapakan niyo yung ring symbol?" Patanong na sagot sakin ni James.

"Hindi pwede 'to─"

"Okay. 100 pesos para hindi kayo makasal," putol ni James sa sasabihin ko.

You Rock My World (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon