17

55 38 73
                                    

Agad kong isinandal yung likod ko nang makaupo ako sa loob ng bus na sinasakyan namin pauwi ng Manila.

Nasa tabi ako ng bintana at medyo makulimlim yung langit sa labas, perfect weather to get some sleep.

Sinuot ko na din yung neck pillow at earphone ko atsaka pumikit dahil handa na kong matulog kaso agad din akong napamulat ng biglang may nag alis ng earphone sa kabilang tenga ko.

"S-Sam."

Gulat na sambit ko. Tuloy tuloy lang ito sa pag sandal ng likod at pagpikit habang nakiki soundtrip sa isang earphone ko.

"Just sleep, Sachi. 6 hours pa yung biyahe pauwi," nasabi lang nito.

Tumikhim naman ako atsaka umayos ng upo. Hindi ko na siya nagawang paalisin pa sa tabi ko dahil super comfy na ng pwesto nito.

Napaiwas ako ng tingin nang imulat nito ang mata saglit para tingnan ako.

"I know I'm handsome but get some sleep, silly," natatawang sabi nito atsaka ito muling pumikit.

Makalipas ang ilang minuto, narinig ko na parang unti-unting bumibigat yung paghinga nito kaya muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.

Mukhang tuluyan na itong nakatulog.

Habang pinagmamasdan ko siya biglang tumugtog sa radyo ang isa sa mga kanta ng Rivermaya na 214.

"Am I real?"

Is this even real?

"Do the words I speak before you make you feel
That the love I lay for you will see no ending?
Well, if you look into my eyes, then you should know
That there is nothing here to doubt, nothing to fear
And you can lay your questions down, 'cause if you'll hold me
We can fade into the night, and you'll know."

Maybe I can just let the people around us fade and just let myself give in to what I'm feeling right now.

Nung mapansin ko na babagsak na yung ulo nito, nakaramdam ako ng kaunting panic dahil ayaw kong magising ito kaya agad kong sinalo yung ulo nito at dahan dahan akong sumiksik sa kanya para ipatong yung ulo niya sa ulo habang yung ulo ko naman ay nakapatong sa balikat niya.

After that, I felt my eyes slowly closing too. His manly yet sweet scent wanted to send me to dream land.

So with that, I yawned and gave in.

"Sachi?"

Nagising ako ng biglang may kumalabit sakin. At nang imulat ko yung mata ko, bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Sam.

Did I overslept?

Inabot niya sakin yung hawak nitong panyo atsaka mahinang tumawa.

"Tumutulo yung laway mo."

Agad akong napahawak sa pisngi ko para itsek kung nagsasabi ito ng totoo.

Tumawa siya ng malakas ng dahil sa reaksyon ko kaya sinamaan ko siya ng tingin nang ma-realize ko na pinagti-tripan niya ko.

"Anyways, we're here."

Pag-iiba niya ng usapan kaya agad akong napatingin sa labas ng bintana ng bus.

Nakita ko na nagsisimula ng magbabaan yung mga kasama naming sakay sa bus dahil andito na kami sa harap ng school namin.

"Hey, di pa ba kayo bababa?"

Tanong ni Orenji ng mapadaan sa upuan namin ni Sam kaya agad kong kinuha yung bag ko at pinauna naman ako ni Sam na bumaba.

Nang makababa na kaming lahat, nagpaalam na kaming lahat sa class adviser namin. She told us na wala kaming pasok bukas ng Friday at magkita kita na lang daw kami sa Monday for our final exam.

You Rock My World (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon