11

99 47 95
                                    

After that day na nakasama ko siya sa Star City, Sam and I became friends. Madalas na siyang ngumingiti at bumabati sakin pag nakikita niya akong nasa club.

Hindi ko lang alam kung napansin ba yun nila Steve, Orenji at Xander nung bumalik sila after new year.

And after a week, bumalik na ulit kami sa klase. Kaso ang gandang bungad ng teacher namin, magpapa long quiz daw siya bukas about sa mga ni-lesson namin before kaming mag sem-break.

Ang lakas ng tama!

Kaya andito ako ngayon sa library para mag review para bukas. Sumama na din si Georgette sakin.

"Sachi, over here!"

Napatingin ako sa tumawag sakin sa loob ng library at nakita ko si Steve. Muntik pa kong matawa dahil sabay sabay na nag hush yung mga kalapit niyang table nang dahil sa tawag nito sakin. Inaya ko si Georgette na lumapit sa kanila at dahil nakita niya si Sam na kasama ng mga ito, agad naman siyang sumama. But as usual, nakayuko ito sa table at natutulog.

"Mag rereview din ba kayo dito sa library?" Pabulong na ngayon na tanong ni Steve dahil nasa kanya ang mata ng mga tao sa paligid na parang handang sawayin siya ulit sakaling mapalakas ang boses niya.

Tumango naman ako.

"Can we join you─"

"I'm sorry, hindi pwede, Georgette eh. Andito si Sam at ayaw niya na may kasama kaming iba," putol naman ni Xander sa sasabihin ng kaibigan ko.

Pero nagulat kaming lahat ng biglang bumangon ito at nag-unat tsaka niya tiningnan si Xander tapos tumingin sakin atsaka ibinalik ulit kay Xander ang tingin.

"They can join us."

"S-Seryoso kaba, Sam?" Hindi makapaniwalang tanong ni Steve na nakaupo sa harap niya.

Sinapo naman ni Orenji yung noo nito na katabi ni Sam. At pagkatapos, hinawakan naman ni Xander sa balikat si Orenji para itanong kung anong kalagayan ng kaibigan nila.

"Kamusta, Doc? Hindi naman po siya nilalagnat?" Medyo exaggerated na tanong ni Xander.

"Normal naman ang init ng katawan niya," si Orenji na kung umasta eh akala mo talaga totoong Doctor.

"Doc, kung tumawag tayo ng albularyo? Baka kasi─"

"What the fuck are you guys talking about?" Medyo iritable na tanong ni Sam kaya naman umayos sa pagkaka-upo yung dalawang katabi niya na sina Orenji at Xander.

"Naninibago lang kami dahil pumapayag kang may iba tayong kasama sa table," si Orenji.

"Georgette is Steve's cousin, so paano naging ibang tao si Georgette?" Kunot ang noong tanong ni Sam kay Orenji. Hindi ito umimik.

Pero nagulat ako at maski sila sa sunod na binitawan nito.

"And besides, Sachi and I are friends. So don't make it a big deal," dagdag pa niya bago ito muling bumalik sa pagtulog.

Saglit na natahimik kami but Steve cleared his throat as if he was clearing the awkward atmosphere.

"U-Upo kayo," alok samin ni Steve.

Naupo naman kami ni Georgette sa tabi ni Steve. Pinapagitnaan nila akong magpinsan.

Nagsimulang magbuklat ng libro at notes niya si Georgette pero kasabay nun ay ang pasimpleng bulong niya sa tabi ko.

"I guess, you owe me an explanation, Sachi," pabulong na sabi niya.

I just chuckled nervously before getting my own notes. Pero bago yun, pasimple kong sinulyapan si Sam but he's already sleeping. Ikinibit ko na lang ng balikat ang mga nasa isip ko.

You Rock My World (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon