23

32 6 92
                                    

Pagkatapos kong maghilamos ng mukha, natigilan ako bigla nang makita ko ang reflection ng sarili ko sa salamin. Itinuro ko 'to kasabay ng buntong hininga ko.

"Get a grip, he's already taken."

Pangugumbinsi ko sa sarili ko. Atsaka ko pinunasan yung mukha ko. Lumabas na din ako para balikan sina Jessi, Faith at Shan sa terrace. Pero pagdating dun, naabutan ko sina Jessi at Faith na nasa lapag.

Hawak ni Faith si Jessi sa magkabilang pisngi nito.

"Pangit ba ko? Kapalit palit ba ko?" Umiiyak na tanong niya sa kaibigan namin.

Hindi ko na narinig yung sagot ni Faith dahil bigla namang lumitaw sa likod ko si Shan kasama si Laurence na may dalang plastic.

"Andito na yung alipin natin," anunsiyo naman ni Shan kaya biglang nag react si Laurence.

"Mama mo alipin."

"Sumbong kita kay Mama!" Sabi naman ni Shan sabay agaw sa hawak nitong plastic.

"Hoy, joke lang!" Hinabol naman siya nito hanggang sa makarating sila sa table namin kanina.

Inalalayan naman ni Faith si Jessi na tumayo.

"Dadalhin ko muna sa kwarto niya, lasing na kasi eh," paalam nito kaya naman tumango ako at binigyan sila ng daan.

Lumapit naman ako kela Shan at Laurence na ngayon ay nagtatalo pa din.

"Pwet mo may raket─"

"Bumili kaba ng pulutan, Laurence?" Putol ko sa sasabihin sana nito kay Shan.

"Ay, nakalimutan ko, sige bibili ako─"

"Ako na. Ipagpatuloy niyo na lang yung away niyo ni Shan," natatawang putol ko sa sasabihin nito.

Nakapajama na ako nung time na yun pero dahil nasa baba lang naman ng condo yung seven eleven, hindi na ako nag abala pang magpalit ng damit.

Kinuha ko na din yung earphone ko at nagsimulang makinig ng music. Nasa thirteen floor yung unit ni Jessi, kaya sumakay ako ng elevator pababa. Madaming tao nun sa elevator kahit mag aalas dose na ng gabi siguro galing sila sa pool na naka locate sa floor na 'to kaya isiniksik ko yung sarili ko.

Pero habang pababa ng pababa at humihinto yung elevator kada floor, nababawasan din yung tao. Hanggang sa tingin ko naubos na yung tao sa loob ng elevator pagdating ng fourth floor.

Sakto naman na masaya yung tugtog at medyo napapaindak ako nang tumugtog ang Stupid Cupid sa playlist ko.

Nagsimula kong ibulong yung lyrics.

"Stupid Cupid you're a real mean guy."

Then sinunod kong itap yung handle ng elevator sa bandang left side ko na parang sumasabay sa beat ng kanta na pinapakinggan ko.

"I'd like to clip your wings so you can't fly."

Tapos sinunod kong isway yung ulo ko. Hanggang sa hindi na humihinto sa sunod na floor yung elevator kaya medyo lumakas na yung pagkanta ko dahil malakas na din yung loob ko na ako lang mag-isa sa elevator.

"I'm in love and it's a crying shame
And I know that you're the one to blame."

Itinaas ko yung cellphone ko at ginamit ko siyang mic.

"Hey hey, set me free.
Stupid Cupid stop picking on me," tapos nang huminto ito sa first floor, saktong tapos na din akong kumanta.

Tinanggal ko na yung earphone ko nang biglang may magsalita sa likod ko.

"Excuse me," ani ng pamilyar na boses.

Biglang nanlaki yung mata ko.

A-Akala ko nakababa na lahat ng tao sa elevator sa fourth floor palang.

You Rock My World (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon