09

135 48 107
                                    

"So, kapag kunwari hindi gusto ni Tita yung babaeng magugustuhan mo, ang sasabihin siguro nun, layuan mo anak ko kapalit ng piso."

Sabay kaming napatingin ni Sam sa pinangagalingan ng boses na sinundan ng tawanan.

Nakita naming biglang sumulpot sina kuya Koutaro at Laurence. Magkaakbay ito at gegewang gewang na naglalakad papunta sa pool area na parang nakainom. Pero natigilan din sila ng makita kaming dalawa ni Sam.

"Oh, bakit gising pa kayo?" Nagtatakhang tanong ni kuya samin.

Mayamaya, sumunod pa sina Xander, Steve at Orenji na magkakaakbay. Pare-parehas silang mukhang mga nakainom.

"Master!!!!" Si Xander na tumakbo palapit kay Sam pero bumagsak ito diretso sa pool kaya naman sumunod na din sina Steve at Orenji dito.

"Saan kayo galing?" Tanong ko.

"Galing kami sa reception hall, nag aya kasi si kuya Taneki ng inom. Hindi daw siya makatulog. Mukhang excited magpakasal," sagot naman ni kuya Koutaro.

Pagkatapos nitong banggitin si kuya Taneki, sumunod na sumulpot din ito na may dalang isang case ng beer. Pero mukhang hindi pa ito lasing.

"Ang hihina niyo naman!" Sigaw niya kela Laurence.

Naputol ang malungkot na atmosphere sa pagitan namin at napalitan yun ng saya lalo na nung lumangoy si Steve palapit kay Sam at hinila ito pabagsak sa pool. Nagsimula silang magbasaan na parang mga bata.

Habang ako, pinanuod ko si Sam na nakikipag tawanan sa mga kaibigan niya.

But why do I feel like he's always wearing a happy mask to hide his other side that he just showed me?

Kinabukasan, naghihikab pa ako habang inaayusan sa kwarto namin. May apat na make up artist sa loob kaya sabay sabay kaming inaayusan nila Faith, Shan, at Jessi.

"Inaantok pa ko," pabulong na sabi ko habang inaayos yung buhok ko.

"Hindi kaba nakatulog ng mahaba?" Tanong naman ni Faith.

"Oo nga, nauna kapa nga saking matulog eh," si Jessi naman.

"Naalimpungatan yata yang si Sachi. Nung magising kasi ako ng madaling araw, wala siya sa higaan niya," sabi naman ni Shan habang tinitingnan yung ayos niya sa malaking salamin.

"Ay, weh? Saan ka galing?" Tanong naman sakin ni Faith atsaka ako binigyan ng nagdududang tingin.

Umiwas ako ng tingin sa kanila.

"N-Nagpahangin lang."

Pagkatapos naming ayusan, dumiretso na kami sa katabing chapel ng Balai, Ising. Habang on going ang mass, napansin ko na may pumasok ng church ng pasikreto at dahil mabilis ang mga mata ko, nakilala ko kung sino yun. Agad akong nakaramdam ng kilig.

"S-Si Cea!" Impit na sabi ko kela Faith na katabi ko. Napatakip naman sila ng bibig dahil mukhang na excite din sila na may kasama kaming artista sa chapel.

Nang matapos ang kasal, dumiretso na kami sa reception hall. Ginamit ko ang pagkakataong nag-iisa si Cea sa upuan niya. Hinila ko pa sina Shan, Faith at Jessi.

 Hinila ko pa sina Shan, Faith at Jessi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
You Rock My World (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon