19

25 38 65
                                    

"Ate Sachi, six less than a number is equals to two. Can you please help me determine the number?"

Napatingin ako sa pinsan kong lalaki na grade 7 ng bigla itong magtanong sakin habang nag rereview din ako para sa exam namin bukas. Nandito kami ngayon sa living room, kasama namin si Sam na nagtotono lang naman ng gitara.

Hindi ko na siya inayang mag review kasi alam ko naman na kaya niyang ma perfect ang exam kahit naka pikit. Tapos iniwan din muna sa bahay namin yung pinsan ko na grade 7 dahil may pupuntahan daw yung mga tita at tito ko sa mother side.

Nakaupo kaming dalawa nito sa sahig dahil medyo malayo sa mesa yung sofa at maliit lang yung mesa kaya paniguradong nakakangawit habang si Sam naman, nasa sofa namin.

Napakamot ako sa ulo ko dahil nalimutan ko na din kung paano yung algebra dahil ilang taon na din naman ang nakalipas mula nung huli na napag-aralan ko yan sa junior highschool.

I heard Sam chuckled. Ibinaba nito yung gitara sa sofa at naupo din sa sahig sa kabilang gilid ng pinsan ko para tingnan ang math problem nito. Bale, napapagitnaan namin ito.

"Eight."

Napatingin naman yung pinsan ko dito.

"Paano naging eight kuya?"

Kinuha ni Sam yung papel at may isinulat, habang pinagmamasdan ko siyang magsulat, napapangiti ako. Kanina lang sila nagkakilala ng pinsan ko pero ganito na sila kalapit.

Nangalumbaba ako sa mesa habang tinitingnan siya.

"Let the given number be denoted as ‘x.' According to condition, you have x – 6 = 2. By solving it algebraically for x, you get x = 2 + 6 = 8. Hence, your required number is 8," pagpapaliwanag nito pagkatapos ipakita ang isinulat na solutions.

Nagningning naman yung mata ng pinsan ko dahil sa paliwanag nito.

"Ah, gets! Salamat kuya Sam!" Tuwang tuwa na sabi nito.

Mayamaya, may ipinakita ulit itong problem kay Sam kaya ipinaliwanag nanaman nito sa pinsan ko.

At habang nagpapaliwanag siya, pakiramdam ko parang biglang bumagal yung galaw ng mga mata at bibig niya.

Habang nakatuon ang atensiyon ko sa mga bibig niya, bigla kong naalala yung kagabi.

"You should look after your hair from now on."

Nanlaki bigla yung mata ko nang biglang tumingin sakin si Sam at nahuli akong nakatitig sa kanya kaya napaiwas ako agad ng tingin dito.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na natawa siya pero panandalian lang yun dahil kinuha nanaman ng pinsan ko yung atensiyon nito kaya tinuruan nanaman niya ito.

Later that night, dumating na yung mga tito at tita ko para sunduin yung pinsan ko. Nagpasalamat lang sila samin for looking after him tapos nag high five yung pinsan ko at si Sam.

Also, Sam stayed until dinner. Hindi nauubusan ng mga kwento yung pamilya ko sa kanya. Mama even showed him my baby pictures after dinner kaya napapatakip na lang ako ng mukha sa sobrang kahihiyan.

Bandang 8 pm nang magpaalam na si Sam na aalis dahil may gig pa ito sa Neon. Hinatid ko ito sa labas ng gate, habang nag-aabang ng cab, hindi maalis alis ang ngiti sa labi nito habang nakatingin sa hawak niya.

"Akin na nga yan!"

Bigla nitong itinaas ang hiningi niyang baby picture ko kay Mama nang akmang aagawin ko ito sa kanya.

"Sinong may sabing pwede mong kunin sakin 'to?" Natatawang tanong niya.

Sumuko na lang ako dahil hindi ko talaga maabot. Naka simangot at cross arm ko siyang pinanuod na ilagay sa wallet niya yung picture ko tapos binalik niya na din yung wallet sa bulsa ng jacket na suot niya.

You Rock My World (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon