08

135 47 100
                                    

December 19, 2017. The day before the wedding.

Naging busy ako ng sobra sa pagtulong sa kasal ng kuya ko. Mabuti na lang at pinayagan akong mag leave ulit sa trabaho until December 22.

Andito nga pala kami naka stay sa Balai, Ising garden resort. May kwarto na ko dito kung saan makakasama ko sila Faith mamaya pagdating. Maganda din dito sa resort, medyo mainit lang nga sa labas.

[Image downladed directly from Google]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[Image downladed directly from Google]




Nasa pool area ako at naglalakad lakad kaya naisipan kong ilabas ang cellphone ko para matawagan yung mga kaibigan ko. Itse-tsek ko lang sana kung nasaan na sila. Kaso bago ko pa matawagan, lumitaw si kuya Taneki at kasama si ate Quincy na naka angkla sa braso niya. At kung minamalas ka nga naman ng bongga talaga, inatake nanaman nang sakit niya si kuya Taneki, sakit na mapang-asar.

"Hi my beautiful sister with a disorder!"

"Ako pa talaga yung may disorder sating dalawa?" Masama ang tingin na tanong ko dito.

"Oo, hindi ba?"

Rerebutt sana ako pero biglang nag-ring yung cellphone ko. Tumatawag si Jessi. Kaya sinagot ko yun. Bago ako umalis, sinimangutan ko si kuya.

"Baka!"

(Stupid!)

"Aba─"

"Taneki, stop! Kita mo naman na naaasar na yung kapatid mo!" Narinig kong inawat ito ni ate Quincy sa pagiging isip bata niya kaya naman tumakbo na ko papasok sa kwarto namin nila Faith sa resort.

Tiningnan ko sila sa screen ng phone ko.

"Nakakaasar si kuya!" Rant ko sa kanila. Pero napalitan din yung mood ko ng makita ko silang nasa loob na ng van.

"Nasaan na kayo? On the way na kayo?" Excited na tanong ko.

"Oo," sagot naman ni Faith. Tapos mayamaya, nag-aagawan na sila sa phone para kamustahin ako. I chuckled.

Pero ibinaba na din naman nila yung tawag nung mukhang inaantok na sila. Nang matapos ang video call namin ng mga kaibigan ko, napatingala ako sa kisame habang nag-iisip ng gagawin dahil paniguradong mamaya pang gabi ang dating ng mga yun.

Natigilan lang ako sa pag-iisip ng maramdaman ko na mag vibrate yung phone ko sa dibdib.

Tumatawag sakin si kuya Koutaro kaya sinagot ko yun.

"Hello?" Bungad ko.

"Saan ko nga susunduin si Steve?" Tanong niya sakin.

"Sa may club, dun daw siya maghihintay," sagot ko. "Ikaw ba magdadrive ng sasakyan kuya?"

"Malamang! Alangan namang yung tambay?"

Napa-irap na lang ako dahil sa pambabara nito. Parang wala talaga sa mga kuya ko ang magiging kasundo ko.

You Rock My World (Highschool Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon