I was sitting in the back row, staring out the window when a cold bottle suddenly touched my cheek, making me flinch. I looked at him with a puzzled expression. He simply raised an eyebrow and handed me the water bottle. I smiled and mouthed, 'Thank you.' He just nodded before returning to his seat.
Umiiling akong pinagmasdan siya habang kalmadong nagbabasa ng notes niya. Actually, we had a quiz later, pero mamaya pa naman 'yon kaya may time pa akong mag-review. Wala talaga akong gana ngayon dahil sobrang sakit ng ulo ko, idagdag mo pa ang ubo at sipon ko. Ewan ko ba kung bakit malamig na tubig pa ang binigay niya.
He didn't know I was sick. I just shook my head.
"Hindi mo iinumin?" tanong ni Ice. Mukhang pagod na pagod dahil galing sa practice.
I shook my head. Nagulat na lang ako nang bigla niyang kinuha ang bote sa kamay ko at ininom iyon.
"H-Hey!" paos kong saad.
"It's mine." I glared at him.
"Sorry, hindi ako nakapunta sa cafeteria. Akala ko kasi male-late na ako. I promise, ibibili na lang kita ng bago," he said.
I pouted and nodded. Wala rin naman akong magagawa, at ayaw ko ring makipag-argue dahil masama talaga ang pakiramdam ko.
I rested my head on my desk. I was feeling dizzy, and I was pretty sure I had a fever. Nagulat pa ako nang biglang umingay ang paligid. Napataas tuloy ako ng ulo nang may tumawag sa akin, dahilan para mariin akong mapapikit nang maramdaman ko na naman ang pagkahilo.
"President po?" nahihiyang tanong nito.
When my vision finally adjusted, I looked at her with a questioning expression.
"Pinapatawag po kayo ni Mr. Corpuz. Punta raw po kayo sa faculty," nahihiyang saad nito.
I nodded and thanked the student. I think she was probably a Grade 11 student. I got up and walked out of our classroom, heading straight to the faculty room.
Dere-diretso lang akong naglakad papuntang faculty room. Hindi naman iyon kalayuan sa classroom namin kaya agad din akong nakarating. Kumatok muna ako bago pumasok. Bumati pa ako sa ibang teachers na naroon bago lumapit sa mesa ni Sir Corpuz.
"Pinapatawag n'yo raw po ako, Sir?" I asked.
"Yes. I just wanted to inform you that I can't attend our meeting today because I'm busy. Sabihin mo na lang sa mga classmates mo na mag-review para sa next subject ninyo. I heard from Ms. Ocampo that the quiz has 50 items," malumanay niyang saad.
"Okay po, Sir. Thank you po," saad ko bago magpaalam at umalis.
Mr. Corpuz is one of my favorite teachers because he's kind and never pressures his students. I also admire him for being incredibly patient.
Naging mabagal ang paglakad ko pabalik sa classroom dahil nararamdaman ko na naman ang pagkahilo at panlalamig ng katawan. Ma'am Ocampo was our last subject, kaya kaunting oras na lang ay pwede na akong umuwi. Hindi rin naman ako puwedeng magpaalam na umuwi nang maaga dahil hindi basta-basta nagbibigay ng special quiz si Ms. Ocampo.
Pagkarating ko sa classroom, sinabi kong may announcement ako kaya agad silang nanahimik. Ang mga upuang kanina'y magulo ay unti-unting inayos ng mga kaklase ko, at maging ang mga babaeng nagkukuwentuhan sa likod ay napalingon sa akin.
"Sir Corpuz can't meet with us during his period, but he said we should use the time to review for Ms. Ocampo's subject. I heard that the quiz has 50 items," mahina kong saad dahil hindi ko kayang lakasan ang boses ko dahil sa pamamaos.
After making the announcement, umupo na ulit ako. Nakarinig pa ako ng samu't saring reaksyon mula sa kanila, pero wala naman silang magagawa dahil isa si Ms. Ocampo sa mga pinaka-strict naming teachers. Pinatong ko ulit ang ulo ko sa desk dahil masama talaga ang pakiramdam ko.
Naramdaman ko naman na may humimas sa ulo ko pero hinayaan ko lang 'yon, baka si Elle lang 'yon na nakabalik na galing clinic dahil humingi ng pads kanina at nag palit.
"Elle, you should review. May quiz tayo after this," mahina kong saad.
"I'm not Elle."
Agad ko namang inangat ang ulo ko at nakita ko ang seryosong mukha ni Ainsleigh na nakatingin sa akin.
"Doon ka na. Mag review ka don." mahinahong saad ko dahil baka nakakaistorbo ako sa kanya.
Umiling lang siya at bumalik sa upuan niya. Ako naman ay muling yumuko sa desk. Nag-review naman ako kagabi, pero baka may makalimutan ako kaya balak ko pa ring mag-review kahit last minute.
Ilang sandali pa, may naramdaman na naman akong umupo sa tabi ko. I just ignored it dahil baka lalo pang sumakit ang ulo ko kapag ginalaw ko pa.
"Okay ka lang, teh?" nag-aalalang tanong ni Elle na ngayon ay kakabalik lang.
"Hmm."
"Natagalan ako. Hindi ko mahagilap 'yung extra skirt ko, amp!" paliwanag niya habang kinakalabit ako.
Doon na ako tuluyang nag angat ng ulo at tiningnan siya. May dala siyang gamot at inabot niya iyon sa akin, kasama ang isang bote ng tubig na bukas na.
I smiled at her sweet gesture.
Agad kong ininom ang gamot dahil hindi na ako nakapunta sa clinic kanina. Buti na lang talaga at may mapagmahal akong best friend.
"Thank you," I said.
"Nilalamig ka, 'no?" tanong niya.
Tumango lang ako. Inutusan ko siyang mag-review at sinabi kong lakasan niya ang pagbabasa para kahit hindi ko na tingnan ang notes ko, parang nakakapag-review na rin ako.
Ilang minuto na lang ang hinihintay namin at papasok na si Ma'am Ocampo, pero mukhang sinuswerte kami ngayong araw dahil na-move ang quiz. May oras pa kaming magsunog ng kilay.
"Ganyan naman kasi magpa-quiz si Ma'am. Dinaig pa ang exam," reklamo ni Elle kaya natawa na lang ako.
"Hindi ka kasi nagre-review," sabi ko.
"Ay, sorry ha?" sarkastiko niyang sagot na lalo pang nagpatawa sa akin.
"Pres, oh."
Inabot ni Ice ang isang bagong bote ng tubig kapalit ng naubos niya kanina.
Kinuha ko iyon at uminom. Nanunuyo rin kasi ang lalamunan ko, sayang naman kung hindi ko iinumin.
Maaga kaming na-dismiss kaya puwede na kaming umuwi. Pero nanatili muna akong nakaupo at nakasandal sa upuan dahil tinatamad pa akong tumayo. Si Elle naman ay nag-aayos ng gamit sa tabi ko dahil sabay kaming uuwi.
Kumunot ang noo ko nang makita kong papalapit si Ainsleigh.
"Here," sabi niya sabay abot ng hoodie niya.
I looked at him with a questioning expression.
"Wear it."
Naguguluhan ko siyang tiningnan, pero wala na siyang ibang sinabi at lumabas na ito ng classroom.
I sighed and wore the hoodie he had given me.
Siniko agad ako ni Elle, halatang kinikilig sa ginawa ni Ainsleigh.
"Hala! Si Cyrus 'yon, 'di ba?" tanong niya sabay turo kahit kanina ko pa iyon nakita.
Palabas na kami ng gate nang makita ko siyang may kasamang babae. Nakasakay na siya sa motor habang maingat na isinusuot ang helmet ng kasama niya. Napaiwas ako ng tingin nang sumakay na ang babae at mahigpit na kumapit sa kanya.
I really can't predict your next move, Ainsleigh. You're always giving me mixed signals.
YOU ARE READING
rainbow Umbrella
RomanceAkhira Samir Davis thought love was supposed to make people stay. But after her father's betrayal, her mother's death, and the devastating truth about her first love, she's left questioning everything she once believed in. In a world that keeps brea...
