CHAPTER ONE
MULA sa ginagawa'y napaangat ng mukha si Dash nang pabalyang bumukas ang pinto ng library at pumasok si Aliana.
"Marti's coming! Siya ang abay sa kasal ni Mia!" pahisteryang wika nito.
He shook his head impatiently. Muling ibinalik ang pansin sa ginagawa. Si Aliana'y galit na lumapit sa mesa at niyuko siya.
"Bingi ka ba?" singhal nito. "Darating si Marti. At natitiyak kong dito siya tutuloy!"
"So?" walang-damdaming sagot niya. Ang mga mata'y nakatuon pa rin sa ginagawa. Ang kamay ay umangat patungo sa malaking calculator sa kanan at nagsimulang magtuos.
Nanlaki ang mga mata ni Aliana. "Is that all you have to say?"
Isinulat niya ang nakarehistro sa calculator sa record book. "What do you want me to say, Aliana?" sagot niya, ang pansin ay nanatiling nakatuon sa ginagawa.
Nanlisik ang mga mata ni Aliana at marahas na tinabig ang nasa ibabaw ng mesa. Ang calculator ay bumagsak sa carpet, ganoon din ang ilang mga papeles.Nag-angat ng mukha si Dash. His features tightened. He took a deep breath harshly."Now, I got your attention," wika ni Aliana, a little bit nervously. Subalit sinisikap na huwag iyong ipahalata sa kanya. Isang ngiting hindi naman umabot sa mga mata ang pinakawalan nito at lumakad ito patungo sa minibar na nasa may dulong-kanan ng silid at nagsalin ng alak sa kopita.
"Masama para sa iyo ang alak, Aliana," aniya sa walang-emosyong tinig.
"Huwag kang magkunwaring nag-aalala, Dash! You don't really care, do you?"
Hindi niya sinagot iyon. Hinubad ang salamin sa mga mata at inilapag sa ibabaw ng mesa. Muli'y isang malalim na hininga ang pinakawalan upang kalmahin ang sarili. Nahahapong sumandal siya sa high-backed chair at tinitigan ito.
"Sa kabila ng mga ginagawa mo'y hindi ko pa rin hinahangad ang anumang kasamaan para sa iyo, Aliana. And I would advice the same thing to anyone," he said tightly.
Isang ismid ang isinagot ni Aliana roon. Nilagok lahat ang laman ng kopita. Pagkatapos ay hinarap siya.
"Kausapin mo si Mia. Sabihin mong huwag dito patuluyin si Marti kundi sa hotel sa bayan!"
"Marti's her best friend, Aliana. Alam mo iyan. Determinado siyang imbitahin si Marti sa kasal niya. Besides, ang Mama ang nagsabing sa guest room patuluyin si Marti."
Nang kausapin siya ni Mia tungkol sa bagay na iyon ay hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman. He would be seeing her again after five years.
At hindi niya magawang sabihin kay Mia na hindi mabuting imbitahin nito si Marti. Subalit matalik na magkaibigan ang dalawa. At ang mama niya mismo ang nagsuhestiyon na sa mismong malaking bahay ito tumuloy.
His mother was scheduled to leave for Europe next week para sa isang educational tour at hindi makadadalo sa kasal ni Mia. Subalit mahigpit nitong iniutos sa lahat na sa malaking bahay patuluyin si Marti at ibigay rito ang isa sa mga guest room.
Si Mia ay inaanak ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito. Halos hindi na itinuring na iba. Ang ama naman ni Mia'y katiwala sa kanilang asyenda noong nabubuhay pa. Subalit nang parehong masawi sa isang aksidente sa bus ang mga magulang ni Mia noong bata pa ito'y kinuha ito ng tiyahing si Nanang Dalen, ang mayordoma at katiwala sa mansion.
Si Nanang Dalen ay sa isang maliit na cottage sa mismong likod ng malaking bahay ng mga Honteveros nakatira. Mula sa cottage ay may apat na metrong covered pathway patungo sa likuran ng bahay at deretso sa kusina kung saan may sariling susi si Nanang Dalen.
"Don't be stupid, Dash," putol ni Aliana sa pag-iisip niya. "Ano na lang ang iisipin ng lahat? O, huwag na ang mga tao, huwag na ako. Paano ang mama ko?"
"Ano ang ibig mong sabihing paano ang mama mo?" kunot-noong tanong niya.
Sandaling umilap ang mga mata nito. Pagkuwa'y muling nagsalin ng alak sa kopita. "My mother never liked her. Ambisyosa, matigas ang ulo, walang utang-na-loob at—"
"Oh, shut up, Aliana!" Kung bakit nasasaktan siya sa pamimintas na iyon para kay Marti ay hindi niya maintindihan. "Bukod sa limang taon na ang nakaraan ay wala akong makitang dahilan kung bakit hindi gusto ng mama mo si Marti. At kung gugustuhin mo'y hindi rin kayo magkikita. This is a big house. At narito si Marti ng kulang dalawang linggo para sa kasal ni Mia."
Tumiim ang mukha nito. "At kayong dalawa, Dash? Hindi ba kayo magkikita?" hamon nito, lumatay ang pagkasuklam sa mukha.
"At ano ang ibig mong sabihin, Aliana?" mapanganib niyang tanong.
"You loved her once, Dash. At bagaman kinasu-suklaman kong alalahanin iyon, pangalan niya ang lumabas sa bibig mo sa unang pagkakataong magtalik tayo!"
He took a harsh breath at tinitigan ito. He hadn't known about that. So that must be the reason why Aliana suddenly got hysterical that night. Inisip pa mandin niyang ang kawalan niya ng gana sa pakikipagtalik ang dahilan kung bakit bigla na lamang itong nagalit.
Pero ngayon lang niya narinig iyon sa mismong bibig ni Aliana. And bitterness crossed his eyes. Binigkas ba niyang talaga ang pangalan ni Marti? Wala siyang ideya, wala siyang natatandaan. He was too drunk to remember it all.
He drunk himself to numbness.
Nakadama ng kasiyahan si Aliana sa nakikitang anyo niya. Isang ngiting hindi naman umabot sa mga mata ang pinakawalan nito.
"Tulad ng sinabi mo, Aliana. I did love her once. But that was a long time ago... pagkatapos ng ginawa niya'y..." Hindi niya itinuloy ang sinabi. Nagdilim ang kanyang anyo.
Paismid na ngumiti si Aliana. "Wala kaming ipinagkaiba, hindi ba, Dash?" Pagkuwa'y tumalim ang mga mata nito. "Pero asawa mo ako! May karapatan akong tanggihan ang sino mang taong hindi ko gustong patirahin mo sa bahay na ito!"
A muscle in his jaw flexed. Again he fought for control. "Kung ako ang tatanungin mo'y sinasang-ayunan kita sa bagay na iyan." Dash could hear his voice losing all expression. "But I doubt kung makukumbinsi mo ang Mama. Siya ang nagbigay ng suhestiyon kay Mia na dito tumuloy si Marti. If you remember, both Marti and Mia were her favored students!"
"Oh, yes! And your mother hates me! Sinadya niya ito!"
"My mother does not hate anyone, Aliana. Subalit kung hindi mo man makasundo ang Mama'y dahil na rin sa kagagawan mo. You are trying your damnedest to irritate her."
"Oh, I hate you all!" pahisteryang sigaw nito kasabay ng pagbalibag sa kopitang hawak. Nagkadurug-durog ang manipis na kristal nang tumama sa sahig sa paanan ng mini bar.
Kumuyom nang mahigpit ang mga kamao ni Dash sa pagpipigil ng galit. Naggalawan ang mga muscles sa mukha nito subalit nanatiling hindi kumikilos sa kinauupuan.
Pagkuwa'y tinungo ni Aliana ang pinto at marahas na binuksan iyon at lumabas. At malakas nitong kinabig ang pinto pasara na halos magpauga sa buong silid.
Isang nahahapong buntong-hininga ang binitiwan niya. Inihilig ang ulo sa sandalan ng high-backed chair. Blangko ang tinging itinuon nito sa kisame.
So Marti was coming.
It was no big deal. And he realized he didn't give a damn.