CHAPTER NINETEEN
"MOMMY, aren't you coming down with us to the pool?" lingon ni Gerry sa ina na nasa dining table habang lumalakad patungo sa pinto kasunod ang yaya. Bitbit nito sa kamay ang plastic na salbabida na may mukha ng Powerpuff Girls.
"Susunod ako, darling. I'll make your favorite peanut butter and jelly sandwich."
"'Kay," wika ng bata. Binuksan ng yaya ang pinto subalit nahinto sa paghakbang palabas nang makitang may tao sa mismong harap ng pinto. Na marahil ay napigil sa paggamit ng door chime.
"May kailangan ho kayo?" ang yaya.
"Gusto kong makausap si Marti. Nariyan—" Ang sasabihin ni Donya Gertrudes ay nabitin sa lalamunan niya nang makita ang batang kasunod ng unipormadong yaya, in her neon yellow bikini. "H-hello," alanganing bati niya rito.
Tumingala ang bata, dimpled at her. "Hello. You wanna see my mom?"
Hindi niya agad masagot iyon, may mga anyong naglalaro sa isip. Niyuko niya ang bata. "Why, you're so pretty! You must have a pretty name, too."
"'Course. I'm Gerry."
"Gerry? Hmm... but you're a—"
"A girl." She giggled. Na para bang ikinatutuwa na laging isang intriga ang pangalan nitong panlalaki. "'Tually, my name's Gertrude."
"G-Gertrude..." usal niya. May kabang unti-unting umaahon sa dibdib. Ang anyong naglalaro sa isip ay lumilinaw. "You have a very nice name. But surely you have a last name?"
"'Course. It's On... Onter..."
"Honteveros, Gerry," dugtong ng yaya para dito.
She must have swayed, dahil agad na inabot ng yaya ang braso niya at inalalayan siya. "B-bakit ho, ale? Namumutla ho kayo!"
Napahawak siya sa hamba ng pinto. Muling niyuko ang bata na ang mumunting kilay ay nagsasalubong sa pagkakatitig sa kanya.
"I'll guess, you're... four years old and more," aniya at pinilit na ngumiti.
Nahawi ang kunot ng noo ng bata. Namilog ang mga mata. "You're right!" Itinaas nito ang kamay at apat na daliri ang ipinakita sa kanya. "How'd you guess?"
"I... just know. My name's like yours. I'm Gertrudes Honteveros."
Lalong namilog ang mga mata nito. "Really?" Lumingon ito sa loob at sumigaw. "Mommy!"
"Sino ba ang kausap ninyo at hindi pa kayo buma—" Marti stopped in mid-sentence at tinitigan siya, bago bumulalas. "D-donya Gertrudes!"
"Kumusta ka na, Marti?"
Pinaglipat-lipat nito ang mga mata sa anak at sa kanya. Pinanawan ng lahat ng kulay ang mukha.
"I'm tired, Marti. May I come in?"
Agad na itinaboy nito ang anak at yaya. "Sige, bumaba na kayo sa pool. Susunod ako kaagad."
"Mommy, we have the same name," pahabol ni Gerry habang inaakay ng yaya. Isang wala-sa-loob na tango ang ginawa ng ina.
Sinundan niya ng tingin ang apo at ang yaya nito. Kung siya ang masusunod, gusto niyang yakapin ang bata... yakapin nang mahigpit.
"SIGURO'Y kailangan nating maglinawan, Marti," wika ni Donya Gertrudes nang makapasok at makaupo ito.
Umupo siya sa katapat na sofa. "W-wala ho akong alam na dapat nating linawin, Donya Gertrudes. You're wrong if you think—"
"She's my granddaughter," wika nito sa marahan at kontroladong tinig. Gayunma'y natitiyak ni Marti na sa ilalim ng tinig nito'y naroon ang malabakal na determinasyon. And that started to scare her. "My god, she even had my eyes—Dashiel's eyes!"
Itinakip ni Marti ang dalawang nanginginig na kamay sa mukha niya at sinikap na pigilin ang takot at luhang sama-samang gustong umalpas. Minsan ma'y hindi niya naisip ang sandaling ito.
Nang malaman niyang ikinasal si Dash kay Aliana'y kinalimutan na niya ang mangarap at umasam.
At sa ikalawang pagkakataon, nang umalis siya ng San Ignacio mahigit nang tatlong buwan matapos ang kasal ni Mia ay natiyak niyang tuluyan nang naglaho sa buhay nilang mag-ina si Dash. Ang inalok nito sa kanya'y sapat upang dapat na niyang isantabi ang anumang damdaming itinatago niya para dito.
The proposition was disgusting. It made her feel cheap and low. Bagaman hindi rin niya ito masisisi kahit paano dahil sa mga balitang hindi naman niya pinasusubalian.
But she wasn't ready for this confrontation. Sa sandaling iyon ay umasam siyang naroon ang ama. Tulungan siyang pakiharapan ang sandaling iyon. Kinakabahan at natatakot siya sa maaaring kahihinatnan ng pagkakaalam ni Donya Gertrudes tungkol sa anak niya.
"What happened, Marti?" untag ni Donya Gertrudes sa sandaling pananahimik niya. Pagtataka at kalituhan ang nasa tinig. "We were made to believe that you aborted your child over five years ago."
Marahas siyang nag-angat ng mukha. "Aborted!" she exclaimed. "Sino ang nagbigay sa inyo ng ideyang iyan?"
"Oh, god..." Nanlulumong napasandal ito sa sandalan ng sofa. Her body shook. "So many years have been wasted."
Tila biglang tumanda ang donya sa mismong harap niya sa mga sandaling iyon. Kauna-unahang pagkakataong nakita niya itong humukot na tila ba may nakabitin sa mga balikat nito. Magkahalong awa't kalituhan ang nadarama niya para dito.
Humugot ito ng panyo sa bag at pinahid ang mga mata.
"What are you talking about, Donya Gertrudes? At bakit kayo naririto? Paano ninyo nalaman ang lugar na ito? Si Mia ba?"
Mabilis itong umiling. "Walang kinalaman si Mia rito, Marti. Mula nang ikasal siya'y minsan lang kaming nagkita nang dalawin ko siya sa Trinidad bago sila bumalik sa America." Muli nitong pinahid ang luha sa mga mata, itinuwid ang sarili.
"Bakit ka umalis ng San Ignacio sa panahong nakatakda na ang inyong kasal gayong nagdadalang-tao ka?"
Naguguluhang tinapunan niya ito ng tingin. "Ano bang uri ng tanong iyan? Hindi pa ba ninyo alam kung bakit?"
"Kung si Aliana ang dahilan, you could have talked to me. I would have listen..."
"So it is my fault now?" Puno ng pagdaramdam ang tinig niya.
"No. Wala akong sinisising sino man sa inyo ni Dash. Subalit kung ano man ang naging problema'y nagawan sana ng solusyon kung hindi ka umalis."
Magdamag at maghapon kong hinintay si Dash. At buong magdamag pa uli... Gusto niyang isigaw iyon sa matanda subalit para ano?
"Bakit kailangan pa ninyong buksan ang sugat at sugatang muli, Donya Gertrudes?"
"Dahil diyan nakasalalay ang kaligayahan ninyo ng aking anak!"
"Kaligayahan?" patuya niyang sabi. "I don't care what Dash has made out of his life!"
"Siya ang ama ng anak mo, Marti. Hindi mo maipagkakaila iyan."
"Ama? Nang magpakasal siya kay Aliana ay tinapos niya ang obligasyong iyon!" she said furiously.
And she'd rather entertain anger. Doon lang niya napagtatakpan ang takot sa pagkatuklas ng mga Honteveros sa anak niya.
"Anyway, it's water under the bridge now," she said in a forced calm. "He's married at ang tanging hinihiling ko sa inyo'y pabayaan na—"
"He isn't married... at least, for the last two years or so now."
"What?"
"Dash filed annulment on the first year of his marriage to Aliana. It was granted two years ago. Kailan ko lang nalaman."
Napakurap si Marti. "I—I don't understand."
"Talk to my son, Marti. Give him the chance. Give your love a chance. You still love him, don't you?" Biglang gumitaw ang walang-katiyakan sa mukha ng matandang babae.
Umiwas siya ng tingin. "My feelings don't matter. Hindi iyon ang pinag-uusapan dito."
Muling idinampi ng matandang babae ang panyo sa mga mata nito. "Dash took to drinking when you refused to take his proposal—"
"Proposal!" she echoed angrily. "You called that proposal? It was a proposition, Donya Gertrudes."
Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ng matanda. "I don't know what gave him the idea to offer you that. Perhaps he was desperate to have you back. He hasn't been the same since then. Na lalong nadagdagan nang magtungo siya rito at makita kayo ng... ng matandang iyon sa parking lot."
"N-nagpunta si Dash dito?" Tila mauubusan ng hangin ang baga niya.
"Upang kausapin kang muli, para sabihin sa iyo ang totoong katayuan nila ni Aliana. Subalit napatunayan niyang mali ang mga balitang nababasa ng lahat sa magazines. Na hindi ka iniwanan ng matandang... kinakasama mo. Na nagsisinungaling ka nang sabihin mong hindi kinikilala ng matanda ang anak mo—"
"I wasn't lying!"
"Now, I knew." Mapait itong ngumiti. "You were referring to Dash as Gertrude's father." Her face softened as she gazed at her. Titig na puno ng pasasalamat at pagmamalaki.
"Ipinagamit mo sa apo ko ang aking buong pangalan, Marti. You don't know how much it has made me so happy. At labis kong pinasasalamatan iyon. At hindi mo ipagkakait sa akin at sa ama niya ang bata, hindi ba?" Gumaralgal ang tinig nito.
"Please, Donya Gertrudes—"
"Ako ang nakikiusap sa iyo, Marti. Kung ano man ang naging pagkukulang sa bahagi ng aking anak, natitiyak kong isa iyong malaking pagkakamali na hindi niya ginusto. At bago siya mawala sa atin—"
"Mawala?" she echoed. Napaangat siya mula sa pagkakaupo. "Ano ang ibig ninyong sabihin?"
"Tulad ng sinabi ko, Dash has been drinking since you left San Ignacio for the second time. Pero higit nang malaman niyang magkasama pa rin kayo ng—" She waved her hand and shook her head.
Mula kanina'y napuna na ni Marti na nahihirapan itong tukuyin ang salitang iniuugnay sa kanila ni Martin Aragon. Na para bang ang mabanggit man lang iyon ay isa nang malaking pagkakasala. Matabang siyang ngumiti sa sarili.
"At nakainom siya nang tawagin siya ng mga tauhan dahil nagwawala ang bagong dating na stallion. Sinikap niyang payapain ang mabangis na kabayo. Karaniwan na'y nagagawa niyang kontrolin ito. Subalit dahil nakainom ay naitakbo siya at naihulog nito."
"No!" she was horrified. "He wasn't badly hurt, was he?"
"Two broken ribs. Tatlong araw siya sa ospital sa halip na dalawang linggo ayon sa doktor. Tumanggi siyang lagyan ng cast ang dibdib niya. And he's working and drinking himself to death, Marti. At ni hindi pa man lang nagsisimulang gumaling ang nabaling tadyang niya. Natatakot ako sa maaaring mangyari." Muli'y idinampi nito ang panyo sa mga mata.
"Ang sabi ninyo'y mahirap kausapin si Dash, paano ninyong natiyak na kakausapin niya ako? He hurled angry words at me the last time we saw each other, Donya Gertrudes."
"He loves you, Marti, have always loved you. Paniwalaan mo sana ang katotohanang iyan."
Sana nga'y kaya niyang paniwalaan iyon. She opened her mouth to say something. Subalit natuon ang atensiyon niya sa pagbukas ng pinto at patakbong pumasok si Gerry sa tumutulong bikini. Kasunod ang yaya at si Martin.
"Ayaw hong magpatuyo, Ma'am," wika ng yaya na dala-dala ang tuwalya.
Akmang tatayo si Donya Gertrudes upang lapitan ang apo nang makita ang matandang lalaki. Pumormal ang mukha nito at muling umupo nang tuwid na tuwid.
"May bisita ka?" ani Martin at sinulyapan ang matandang babae.
"Papa, gusto kong makilala ninyo si Mrs. Gertrudes Honteveros, Gerry's grandmother. Mrs. Honteveros, meet my father."
The old woman's jaw dropped. Sa nanlalaking mga mata'y pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Y-your father! This... this dirty old—this ex-actor is your father? Your biological father?!"
"How are you, Mrs. Honteveros? I'll forgive that 'dirty old—' part if only for my daughter," he said in his usual amused charm that won millions of fans in his days. "I wonder how long would it take for those idiots to see that my daughter has the feminine variation of my name—Martinne," he added mockingly.
Napasinghap ang matandang babae. Martin Aragon smoothly insulted her. At nang inilahad ni Martin ang kamay dito ay hindi nito pinansin iyon.
"If only for Marti and my granddaughter, I'll forgive you that 'idiot' part, Mr. Aragon," she countered stiffly.
Martin Aragon laughed.
Ipinaypay ng donya ang panyo sa mukha at humarap kay Marti. "I need a drink, Marti. You haven't even offered me one."
