CHAPTER FOURTEEN
ANG PAGBAGSAK ng hinog na mangga sa lupa ang nagpabalik sa isip ni Marti sa kasalukuyan. Tinitigan niya ang bungang bumagsak di-kalayuan sa tabi niya. May tuka iyon ng ibon at labis na ang pagkahinog.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib at pinahid ng likod ng palad ang mga mata. She sniffed. Sadness and anger filled her. Galit, dahil ang akala niya'y hindi na niya mararamdamang muli ang pait na nadama niya nang magkasunod sa gabing iyon.
Pero ang paninikip ng dibdib niya'y patunay na muling nabuksan ang akala niya'y naghilom nang pilat. Muli iyong nagdugo. How she hated to be here. Kung hindi lang dahil kay Mia ay isinumpa niyang hindi na muling tatapak sa lupaing ito.
Tumayo siya at nagsimulang maglakad sa gitna ng kaparangan. Subalit hindi pa siya nakakaapat na hakbang ay lumusot na sa kung anong hukay sa damuhan ang suot niyang high heels.
She uttered an unlady like oath.Hindi siya makababalik sa kotse niya upang kunin mula sa mga bagahe niya ang sandalyas. Inilagay iyon ni Dash sa likuran ng pickup nito.
"Damn... damn... damn!" Hinubad niya ang high heels at binitbit. She just had to walk barefoot on the grass, kung hindi niya gustong matapilok na muli at malinsag ang buto sa sakong.
She started walking. Iniiwasang makatapak ng mga siit at dawag. Subalit hindi pa siya gaanong nakalalayo mula sa pinanggalingan niya'y narinig na niya ang makina ng paparating na sasakyan. Lumingon siya.
Si Dash. Binaybay ng four-wheel drive ang bukirin. Nagpagiwang-giwang ang pickup sa madamo at hindi pantay na lupa. Gusto niyang tumakbo palayo. But it would be churlish.She stopped at hinintay ang pagtapat nito sa kanya. Marahas na bumalandra pabukas ang pinto ng passenger seat.
"Get in and don't be stubborn, Marti," wika nito, his face grim. "Hindi biro ang lalakarin mo." Bumaba ang mga mata nito sa high heels niyang bitbit.
"Barefoot?" A sudden spark of amusement lit his dark eyes. But it was gone in seconds. "Babalatan ng siit at dawag ang mga paa mo."
Without a word, lumakad siya patungo sa nakabukas na pinto at pumasok. Kung panganga-tawanan niyang maglakad sa ganoong ayos ay tiyak na mangyayari ang sinabi nito. Babalatan ng dawag at siit ang mga paa niya.
Kung saan na marahil napunta ang isip niya dahil hindi niya nakuhang isara ang pinto pagkapasok. Dumukwang si Dash at inabot iyon.
She bit her lip and closed her eyes tightly as his scent assaulted her. At napasinghap siya nang masagi ng braso nito ang dibdib niya.
"Sorry..." wika nito, but didn't sound like it.
Ilang sandali pa'y lumabas na muli sa kalsada ang sasakyan. Dash drove smoothly, hanggang sa lumiko ito sa shortcut na daan sa malapit sa dagat patungo sa asyenda.
"You've messed your eye makeup, Marti," wika nito makaraan ang mahabang katahimikan sa pagitan nila. Ni hindi nito inaalis ang paningin sa daan. "Did you cry?" His voice laced with surprised gentleness.
"Cry?" wika niya sa patuyang tono.
"Bakit ko gagawin iyon?" Marahas niyang binuksan ang bag at kinuha mula roon ang compact powder niya. Binuksan at tiningnan ang sarili sa salamin and cursed herself silently.