Chapter 6

4.5K 59 0
                                    

CHAPTER SIX

"ISN'T he gorgeous?" bulong ng isang dalagang propesora sa katabing kasamahan.


"Kanina ngang tinitigan ako'y hindi ko malaman ang gagawin ko," sagot naman ng kausap.


Si Aliana na naririnig ang usapan ng dalawang dalaga'y umikot ang mga mata at lumayo sa mga ito. Mula sa rim ng juice glass niya'y sinulyapan niya ang topic ng mga ito. Si Dashiel Honteveros.


Nasa ikalawang taon siya sa kolehiyo nang umalis patungo sa ibang bansa si Dash. They were nodding acquaintances. At bagaman ginawan niya ng paraang humigit pa roon ay hindi nangyari dahil iba ang grupo ni Dash na nasa graduate studies na nang mga panahong iyon.


She smiled to herself. Nagawan niya ng paraan na naroroon siya sa munting salusalong iyon dahil bukod sa reliever-secretary siya ng dean, si Mr. Genaro, ay kaibigan pa ng mama niya ang asawa nito na isa ring professor. Nang mag-alok siya ng tulong sa pag-aasikaso sa pagkain ay agad itong tinanggap ni Mrs. Genaro.


Humakbang siya patungo kay Dash. Isang mapanuksong ngiti ang ibinigay niya rito. Ang kausap nito'y mataktikang tumalikod.


"Again, welcome back, Dash. Anyway, totoo ba ang bali-balitang magreretiro na ang mama mo at ikaw na ang susunod na direktor ng SIC?"


Some curious faces turned their way. Isa ang nagsegunda sa tanong na iyon ni Aliana. "Don't let my mother hear you say anything about her retirement. She'll sack you all." Isang tawa ang pinakawalan nito na sinabayan na rin ng lahat.


"Hindi pa magreretiro ang Mama. Subalit ipinaubaya na niya sa akin ang pamamahala sa buong asyenda," patuloy nito.


"A big responsibility but less glamorous," wika naman ni Aliana, smiling seductively. "Do you think you can cope, Dash? I mean, with all those cows and horses and coconuts..." Nagkibit ito. "You're a city boy..."


Dash smiled perfunctorily. "Dito ako lumaki at nagkaisip, Aliana. Besides, I've missed this place terribly." Pagkuwa'y niyuko nito ang relo at nilinga ang buong silid. "It's past nine o'clock," he announced to everybody. "Nalimutan natin ang oras at masama ang panahon. Nagpapasalamat ako sa munting salusalong ito. I enjoyed meeting you all."


Agad naman ang pagsang-ayon ng lahat. Isa-isang nagsilapitan ang mga ito kay Dash at kinamayan ito kasabay ng pagpapaalam. Si Aliana na nasa tabi nito'y nakaplaster ang ngiti sa mga labi.


Si Mrs. Genaro ay lumapit at matapos magpaalam kay Dash ay binalingan siya. "Malakas ang ulan, Aliana. Isasabay ka na namin ni Mr. Genaro sa sasakyan."


"Siyanga naman, hija," sang-ayon naman ni Mr. Genaro. "Ano na lang ang sasabihin ng mama mo kung hahayaan ka naming mag-abang ng sasakyan?"


"Oh, but..." Tiningala niya si Dash, umaasang mag-alok ang binata na ihatid siya sa kanila. Subalit ang atensiyon nito'y nakuha na ng dalawa sa mga babaeng propesora na pawang mga nakangiti at nagsisipagpaalam na rin.


Naghintay siya ng ilang sandali subalit humakbang na si Dash palabas ng silid kasama ang dating propesor nito. Puno ng iritasyong huminga siya nang malalim. Nang mapunang nakatingin sa kanya si Mrs. Genaro at naghihintay ng sagot niya'y napilitan siyang ngumiti.


"Sasabay ho ako sa inyo, Ma'am," aniya at tinapunan ng huling tingin si Dash na patuloy sa seryosong pakikipag-usap. Nang matiyak na walang pag-asang makuha niyang muli ang atensiyon nito'y napilitan siyang sumunod sa mag-asawang Genaro.

KAHIT nang marinig niya ang pag-ingit ng pintong bumukas ay hindi lumingon si Marti. Hinahabol niya ang bawat sandali. Hindi siya nakatitiyak kung magagawa niya uli bukas ang thesis niya.

My Own True Love - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now