CHAPTER TWENTY
"MARTI!" bulalas ni Nanang Dalen nang makilala ang pinagbuksan ni Lucy ng malaking pinto.
Nginitian niya ang matanda. "Kumusta na po kayo, Nanang Dalen?"
Ang tangkang sasabihin ng matanda'y napigil nang patakbong pumasok sa sala si Gerry kasunod si Donya Gertrudes. Inikot ng bata ang paningin sa buong kabahayan.
"This house is as big as Lolo's, Mommy. And I saw horses. Could I ride on it?"
"S-siya ang anak mo?"
"Si Gerry, Nanang Dalen. Gerry, kiss Lola Dalen..."
Sumunod ang bata at dinampian ng halik sa pisngi ang matandang babae na agad yumuko at kinarga ang bata.
"Kamukhang-kamukha ka ng—"
"Careful, Dalen," babala ni Donya Gertrudes, nakatago ang ngiti. "Baka magkamali ka ng pagsasabi kung sino ang kamukha ng apo ko."
"Kamukha ka ng Lola Gertrudes mo, hija!"
Nagkatawanan ang dalawang matanda. Subalit si Marti'y nanatiling kinakabahan.
"N-nasa itaas ba si Dash, Nanang Dalen? Nasa labas ang pickup niya."
"Nasa silid niya, Marti. Heto nga't dadalhin ko sana sa itaas ang hinihinging yelo."
Tinitigan niya ang ice bucket na inilapag ni Nanang Dalen sa sahig nang kargahin si Gerry. Humakbang siya patungo roon at dinampot iyon.
"Ako na ang magpapanhik sa itaas."
"Marti..." si Nanang Dalen. "M-mainit ang ulo ni Dash."
Alanganin niyang sinulyapan si Donya Gertrudes na nagbuntong-hininga at tumango. "Huwag mong sabihin sa anak kong ako ang dahilan kaya ka narito, Marti. Hindi niya magugustuhan ang ginawa ko."
Walang kibong tinungo niya ang hagdanan nang muling magsalita si Donya Gertrudes.
"Marti..."
Lumingon siya.
"For whatever it is worth, gusto kong malaman mong ang silid ni Dash ay nanatiling silid niya. He never once shared it with Aliana."
She gave a fleeting smile at nagpatuloy sa pagpanhik. Kahit paano'y may kasiyahan siyang nadama sa dibdib sa sinabing iyon ng donya. Dash made love with her for the first time in his room.
Nasa harap na siya ng pinto nang magsimulang umahon ang kaba niya. Gusto niyang ibagsak ang ice bucket at tumakbo pababa at hilahin ang anak papasok sa kotse at bumalik sa Maynila.
Subalit pinigil niya ang sarili. She was here now. Kailangan niyang gawin ang nararapat. If only for her daughter.
Ano ang isasagot mo kung sakaling itanong sa iyo ng apo ko kung sino at nasaan ang ama niya, Marti? Magsisinungaling ka ba? Ipagsisinungaling mo ba iyon hanggang sa paglaki ng anak mo?
She took a deep breath at marahang kumatok at pagkatapos ay pinihit ang seradura ng pinto at itinulak pabukas iyon. Nagulat pa siya nang makitang madilim ang buong silid.
"Akina ang yelo, Nanang Dalen," wika ni Dash. "May narinig akong humintong sasakyan. Dumating na ba ang Mama?"
Marti switched the light on at nagliwanag ang buong paligid. Nasa armchair si Dash at ang kamay ay agad na isinangga sa mga mata sa biglang pagliwanag.
"Damn it! Patayin n'yo ang ilaw, Nanang Dalen!"
Hindi tuminag si Marti at tinitigan ito. Maliban sa luma at kupas na pantalong maong na naka-unsnap ay wala itong ibang suot.
"Naririnig n'yo ba ako, Nana—" He stopped in mid-sentence. Gumuhit ang galit sa mga mata nang makita kung sino ang nasa loob ng silid. "Ikaw? Ano ang ginagawa mo rito?"
Napahakbang paatras si Marti sa marahas nitong tinig. Kasabay ng pag-aalinlangan ay ang pagnanais na takbuhin ito at yakapin. Nangingitim ang buong mukha nito sa hindi niya matiyak kung ilang araw nang stubbles. Nangingitim ang mga mata at malaki ang inihulog ng katawan.
Her eyes moved down to his naked chest. At nakita niyang ang kanang bahagi ay kulay violet at bahagya pang nakaalsa. She moaned in distress. Her reflexes urged her to run to him. Take him in her arms. Care for him... comfort him.
But the savage anger in his eyes stopped her from running to him.
"What do you want, Marti? Ano ang karapatan mong pumasok sa silid ko?"
"I—I want us to talk, Dash. It's years overdue—"
"Talk?" His voice reverberated around the room. "Who gave you the idea that I want to talk to you?"
"Dash, please..."
"Get out of my room, Marti!" marahas nitong pagtataboy. "Huwag mong hintaying gumamit ako ng lakas para palabasin ka."
"Hindi ako naniniwalang kaya mo akong saktan, Dash," lakas-loob niyang sabi.
Sapat upang lalong mamula ang mukha nito sa galit. Bigla itong tumayo at bigla ring nagbalik sa upuan nang nakangiwi. He gritted his teeth and stared at her furiously and uttered a litany of unprintable oaths.
Napatakbo rito si Marti. "You're hurt. Oh, Dash, bakit hindi ka magpaospital? Ang sabi ng Mama mo'y—"
His hand were like steel vise on her wrist. Napangiwi sa sakit si Marti. "Ang Mama ang nagpapunta sa iyo rito?" he asked savagely.
"Dash..." Kinabahan si Marti, ang mabalasik nitong titig ay tila nagpangapos ng hininga niya. Kung magsisinungaling siya'y madaling makikita iyon ni Dash sa mukha niya.
"S-she has your best interest, Dash. Isa pa'y—"
"Damn you both!"
Pabalya siyang itinulak nito, and it took him so much effort to do it. Nakita niya ang pagngangalit ng mga muscles nito sa leeg at bagang upang indahin ang sakit. Sinikap nitong huwag niyang makita iyon.
Subalit nakita ni Marti na kahit ang paghugot nito ng paghinga'y mahirap nitong gawin. Perhaps because Dash was so angry.
"Get out of my room, Marti." His voice was dangerously calm. "I'm telling you that for the last time! Hindi ko gustong makipag-usap sa iyo. Kung ang Mama ang may pakana sa pagdating mo'y kayo ang mag-usap na dalawa at wala akong pakialam..."
Na lalo lamang nagpadagdag sa takot at pag-aalala niya. Hindi siya natatakot na saktan siya nito. Dash wouldn't hurt her deliberately. Mas natatakot siyang baka ito ang masaktan kapag nagpilit siyang manatili sa loob ng silid at pilitin itong makipag-usap.
Dahan-dahan siyang umatras. Nag-iinit ang sulok ng mga mata. "I—I want to help you, Dash... tayo—"
"You're a bitch and a whore, Marti!"
"Oh!" Hurt and shocked at his accusations, she turned her back and ran for the door. Muntik na siyang mabalya ng pintong hindi naman nakasarang mabuti at humahangos na pumasok si Gerry.
"Mommy, they wouldn't let me come to find you!" humihingal na wika ng bata. Pagkuwa'y napatuon ang tingin kay Dash na ang pagdadala ng alak sa bibig ay nahinto.
"So you brought your DOM's kid, huh?" tuya nito, itinuloy sa bibig ang alak at nilunok lahat.
"Who's he, Mommy?"
Napahawak sa hamba ng pinto si Marti. Her knees felt like water. It had to be now or never. At sa nanginginig na tinig ay, "Darling, I want you to meet your father. Dash, meet your daughter—our daughter. Her name's Gertrude Honteveros. She's four and a half years old." Pagkasabi niyo'y patakbo siyang lumabas ng silid bago pa siya bumunghalit ng iyak sa harap nito.
DASH froze. Kung bomba ang pinasabog ni Marti sa harap niya'y baka nakaya pa niyang pakitunguhan. He was rendered immobile for a long moment. Kahit ang matinding kirot sa tadyang niya'y hindi makuhang makapangibabaw sa nararamdaman sa mga sandaling iyon.
Dark eyes met dark eyes.
Gerry eyed her with curiosity.
"Are you really... my dad?"
"I—I—" He groaned. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya'y wala siyang mahagilap na salita.
Ano ang isasagot niya sa bata?
Humakbang ang batang babae palapit sa kanya. His chest hammered violently that he expected it to burst anytime and he'd probably welcome death this moment.
He held his breath painfully as his eyes focused on her face. She had dimples in the corners of her mouth. Her hair tied in pony tail though unruly curls were around her pretty face. A picture of her mother when she was a little girl flashed his mind. A whole album was filled with those black and white photos.
Huminto ang bata sa mismong harap niya. Tulad niya'y tinititigan siya nito. Her hands on her back. Naka-overalls ito, with Disney character on her bib.
"I wish you really are my dad. Wala akong daddy, si Lolo lang ang kasama ko lagi..."
"Lolo?" His throat was dry.
"Lolo Martin. He's Mom's daddy. He always takes me fishing in his farm. But he doesn't have horses. You have. Do you have a pony?"
Tumango siya. The pain in his chest was almost unbearable. "I... I didn't get your name. What is it again?"
"Gertrude. Lola said we have the same name because we have the same eyes." Lumalim ang mumunting dimple sa may tig-isang sulok ng bibig nito as she giggled and added, "And she said we're both pretty."
"Yes..." he choked on the word.
Pagkuwa'y nawala ang ngiti sa mga labi nito. Nagsalubong ang mumunting kilay at humakbang palapit sa kanya. Itinaas ang maliit na kamay at banayad na pinahid ng forefinger ang daluyan ng luha niya.
"You're crying..." Tinitigan nito ang nabasang daliri. Pagkuwa'y muli siyang tiningala. "Are you in pain? Lola said you're not well."
Oh, lord. He swallowed the lump in his throat painfully.
"Mommy ease my pain with a kiss. Do you want me to kiss you?"
"Yes, please. Lots of them," he whispered. "And a bear hug, too."
Pumanhik ang bata sa kandungan niya. And he trembled uncontrollably. He wanted so much to hug her so tight that he was so afraid he'd crush her.
Then soft, tender lips touched his stubble-rough cheek. The child giggled.
"You have hair in your face and it's tickling me!"
His body shook as he laughed and cried at the same time. Niyakap niya ang bata. Kissed and inhaled her powdery scent. And for the first time in more than five years, he had a taste of heaven.
Nang mag-angat siya ng paningin ay nasa pinto si Donya Gertrudes. Her eyes bright from unshed tears. But she was smiling.
"Nasaan si Marti, Mama?"
"She drove her car. Hindi ko alam kung saan siya pumunta."
Dash winced. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang akusasyon sa tinig ng ina.
"Mommy's gone?"
He stared down at his daughter with concern. Gumaralgal ang tinig nito sa takot at pag-aalala. And he couldn't blame her. She was in a strange place and she'd met her bastard of a father for the first time in her young life.
Itinaas niya ang mukha ng bata sa kanya. Nagsimulang mamuo ang luha roon. "Hindi umalis si Mommy, sweetheart. I'll promise to bring her back here."
Tinitigan siya nito. Nasa mga mata nito ang pag-aalangan kung maniniwala sa kanya o hindi.
"Daddy keeps his promise always." Parang may kamaong sumuntok sa sikmura niya sa sinabi niyang iyon.
"'Kay..."
Kinuha ni Donya Gertrudes ang bata. Si Dash ay may kinuha sa drawer at nagmamadaling lumabas ng silid si Dash.
"Dash, ang dibdib mo. Magpa-drive ka na lang kay Sebio," pahabol nito.
Subalit tuloy-tuloy na ito sa pagbaba.
