CHAPTER TWENTY ONE
MULA sa pagkakaupo sa buhangin ay narinig ni Marti ang papalapit na sasakyan. Lumingon siya at nakita ang paparating na pickup. Sa tabing-dagat ito mismo nagdaan.
Hindi niya ito hinihiwalayan ng tingin hangang sa huminto ito ilang metro mula sa kinauupuan niya. Bumaba ng sasakyan nito si Dash. She saw him grimaced in pain.
At muli'y gusto niyang tumayo upang alalayan ito. Pero nagpigil siya. Dash was too proud to even show his pain, lalo na ang tumanggap ng tulong mula sa kanya.
From the waist up he was still naked. Napakalaki ng inihulog ng katawan nito and yet for Marti he was still the same virile and most beautiful man she'd ever seen.
Puno ng antisipasyon ang dibdib niya habang pinagmamasdan ang paghakbang nito patungo sa kanya. Hindi niya matiyak kung ano na ang mangyayari pagkatapos nitong malaman ang tungkol kay Gerry. But she had no choice. Hindi man sa kanya manggaling iyon ay si Donya Gertrudes ang magsasabi.
Kung sakaling hindi man niya ginustong magtungo rito'y natitiyak niyang araw lang ang hihintayin niya upang hindi puntahan ni Dash ang anak.
Ilang hakbang na lang ito mula sa kanya nang ibalik niya ang tingin sa karagatan.
Huminto sa tabi niya si Dash at umupo. She could hear his breathing... felt it in her ear. Naririnig niya ang sunod-sunod nitong paghugot ng hininga.
"She's... pretty. She's got my eyes. But she looks a lot like you."
Hindi siya sumagot. Itinuon niya ang paningin sa lumulubog na araw. Naglatag iyon ng iba't ibang naggagandahang kulay sa ibabaw ng karagatan.
"I'm sorry, Marti. Siguro'y walang silbi ang mga salitang iyan sa nangyari sa nakalipas na limang taong mahigit."
Naririnig niya ang sunod-sunod na paghugot nito ng nahihirapang paghinga. But she kept still.
"Para akong salaming nabasag nang pira-piraso nang umuwi ako at matuklasan kong wala ka na..."
She sniffed. Mahigpit na niyakap ang mga binti. "Maghapon at dalawang magdamag kitang hinintay, Dash. Umaasa ako ng paliwanag mula sa iyo. But it was Aliana who came instead." Her voice broke as if it had happened only yesterday and the pain was too intense. "Sinabi niya sa aking nasa kanila ka at natutulog nang iwan niya... na sana'y patawarin ko kayo sa ginawa ninyo sa akin..."
He turned to her angrily. "Wait a minute. Ano'ng ibig niyang sabihin sa pagsasabing patawarin mo kami sa ginawa namin sa iyo?"
"Na nang abutan ko kayo'y may nangyari na sa inyo... na nakalimot kayo... na—"
"Damn!" he swore savagely. "Walang nangyari sa amin, Marti. At wala ako sa kanila. Sa buong panahong hindi ako umuuwi ay nasa isang bar ako sa Trinidad. Nang magsara ang bar, I drove my pickup to the hills and drunk myself to death. Nang mahimasmasan ako'y ibinaba ko ang sasakyan ko sa burol at umuwi. Hindi ako makapaniwala nang malaman kong umalis ka. I considered it as guilt on your part. Gusto mong tumakas at huwag harapin ang komprontasyon."
"Guilt?" The anger that rose in her chest was instinctive. But she controlled it. "Ano ang dapat kong ika-guilty, Dash? Hindi ba kayo dapat ni Aliana ang makadama niyon?"
"Nang araw na datnan mo kami sa silid ko'y wala pang kinse minutos na naroroon si Aliana, Marti. She showed me some pills. Iyong uri ng pildoras na maaaring magpalaglag ng sanggol. Ang sabi niya'y nakita niya iyon sa drawer mo sa basement office."
"What!"
"I believed her because you were spotting."
"I—I had spotting, yes." Manghang napalingon siya rito. "Subalit minsan lang iyon at hindi na naulit pa. Nang matiyak kong nagdadalang-tao ako matapos akong umalis dito'y itinanong ko sa doktor iyon. She said some pregnancies were like that."
Nagtagis ang mga bagang ni Dash sa galit. Mariing dinaklot ang basang buhangin at marahas na inihagis sa dagat. Muling kumuyom nang mahigpit sa buhangin na naglabasan ang mga ugat sa braso nito.
"My god!" she whispered miserably. "Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong uri ng pildoras ang makagagawa nang ganoon, Dash..."
"I know that now." Sinisikap nitong payapain ang sarili. "But I was hurt, Marti. I was so ecstatic that I was going to be a father soon. Naging madali para sa aking paniwalaan si Aliana dahil ikaw mismo ay inamin sa akin ang pagkakaroon mo ng spotting."
"Oh." Tinakpan niya ang bibig upang hindi mapahagulhol ng iyak. Napakaraming nasayang na mga taon nang dahil sa isang mapanlinlang... nang dahil sa kasakiman.
"Makalipas ang tatlong araw at wala akong narinig sa iyo, hinalungkat kong lahat ang buong cottage sa pagnanais na malaman ko mula roon kung saan ka nagpunta. Ganoon din ang records mo sa kolehiyo. I asked your friends and classmates. I placed an overseas call to Mia... pero wala siyang alam.
"Sa una'y totoong nasaktan, nagalit, at nagdamdam ako. But I love you so much I can forgive you anything. Pero naglaho kang parang bula—"
"Tumawag ako rito isang buwang mahigit matapos akong umalis!" she almost screamed in anger... in frustration. "Iyon ay nang matapos tiyakin sa akin ng doktor na nagdadalang-tao ako. I wanted you to know. Si Aliana ang nakausap ko. She said she was pregnant at nakahanda na ang kasal ninyo."
Hindi niya napigilan ang mapabulalas ng iyak.
It seemed that a giant hand squeezed his chest tightly that he couldn't breathe. He pulled Marti against him and held her for a long moment. Sinisikap nitong kalmahin ang bugso ng damdamin nilang pareho.
"It was a lie, Marti. Nagsisinungaling si Aliana nang sabihin niya sa iyong nagdadalang-tao siya nang panahong iyon. And I didn't marry her in less than five months time after you left."
"Yes. Sinabi sa akin ni Nanang Dalen iyan noong narito ako. But you still married her, Dash. Nagdalang-tao pa rin si Aliana!" Kumawala siya mula rito subalit hindi siya pinahintulutan nito.
"Kinausap ni Aliana ang Mama. Ipinahihiwatig na may namamagitan sa amin. Na nag-aalala siya na baka nagdadalang-tao siya. At nang panahong iyon ay umugong na ang maraming usap-usapan sa amin at sa biglaang pagkawala mo. My mother hated scandal. Hindi iyon mabuti para sa katayuan niya sa kolehiyo. Nang kausapin ako ng Mama at sabihing pakasalan ko si Aliana ay hindi ako tumanggi.
"Laganap na ang tsismis tungkol sa bagong alaga ni Martin Aragon nang panahong iyon. Maraming beses kitang napapanood sa television na kasama ang matandang iyon. I hated you so much I wanted to kill you. I could have killed you, you know. And in one show, hinagkan ka mismo ni Aragon..." He stopped for a while and took one calming breath. "My god, that cost my mother one television set and a visit to her cardiologist." He smiled without humor. "I was too distraught to think sensibly. And out of vengeance, I married Aliana."
A sob came out of her lips. Humigpit ang pagkakayakap ni Dash sa kanya at naramdaman niya ang mga labi nito sa ibabaw ng ulo niya.
"I had sex with her, Marti. I'd be a hypocrite if I'd lie to you. But it happened only once. Maniwala ka. I'd rather sleep with another woman but I couldn't afford to have sex with her again."
"Ang sabi ni Nanang Dalen ay nakunan siya dalawang linggo matapos kayong ikasal..."
Dash sighed heavily. "Iyon ang unang pagka-kataong nakipagtalik ako sa kanya. Naghisterya siya... hinabol ako at nadulas siya sa hagdanan." He shrugged nonchalantly. "Perhaps I hadn't performed well."
Tiningala niya ito. She gave a fleeting smile. Dash had always been a good and generous lover. Hindi nito gustong aminin sa kanya ang inamin sa kanya ni Aliana.
"Sinabi sa akin ni Aliana na tinawag mo ang pangalan ko sa unang gabing magtalik kayo."
He was genuinely surprised. "She did?" Tumango siya. Muling humugot ng malalim na hininga si Dash and smiled drily. "That made her so angry. Pinagbabato niya ako ng lahat na mahawakan niya. I went out of her room at bumaba. Hinabol niya ako at nadulas siya sa hagdan at nahulog ng ilang baitang. I have doubts kung talagang nadulas siya o nagpadulas nang sadya. Pero sapat iyon upang duguin siya.
"Sinabi ng doktor sa akin na dalawang buwan na ang nalaglag sa kanya. So the child couldn't possibly be mine. Hindi ko sinabi sa Mama ang natuklasan ko subalit tinapos ko sa araw na iyon ang anumang pisikal na ugnayan ko sa kanya. And that angered her more. She went out of her way to humiliate me... to insult me. Pero dumating ako sa puntong wala na akong pakialam anuman ang gawin niya.
"Aliana liked spending money on designers' clothes, bags, and shoes... she liked parties at lahat ng uri ng kalayawan. She even went abroad once for two months. I didn't really care how much money she spent, mawala lang siya sa paningin ko. My mother hated her. Subalit hindi maipayo ng Mama na hiwalayan ko siya. She believed in the sanctity of marriage to the core."
"Ang sabi mo'y tinapos mo ang sexual relationship ninyo ni Aliana sa unang buwan pa lang ng pagsasama ninyo. Pero nagdadalang-tao siya nang narito ako more than three months ago, Dash." Itinago ng tinig niya ang sakit na naramdaman subalit hindi ang mga mata niya.
Muli siyang kinabig ni Dash at hinagkan sa ibabaw ng ulo. "Hindi ako ang ama ng dinadala niya, Marti."
"Pero sino? Hindi maaaring hindi mo malaman lalo kung hindi naman itinatago ni Aliana ang kalagayan niya."
Humugot ng malalim na hininga si Dash. "Remember Gonzalo?"
"Of course!" bulalas niya.
"I sucked him. Not that I cared what they did. Ang Mama ang iniingatan ko."
"But Gonzalo's a married man!"
Sa pagkakataong iyon ay isang ngiti ang pinakawalan ni Dash para sa kanya. "Hindi lahat ng tao'y may pamantayang moral na katulad mo, Marti. I knew you wanted me then as much as I wanted you... nararamdaman ko iyon. Pero sa huling sandali ay sumagi sa isip mong may asawa ako. That had been pure hell for me, sweetheart. Naglagablab ka ng apoy at sa isang kisap-mata'y gusto mong puksain."
She lowered her eyes shyly. Ang alaalang iyon ay iglap na nagdulot ng init sa katawan niya. "Hindi mo sinabi sa aking anulled na ang kasal ninyo ni Aliana..." akusa niya.
"My pride's the only thing that's left with me, Marti. Kung tinanggap mo ang alok ko'y sasabihin ko rin sa iyo iyon, in the long run."
And to Marti's delightful surprise, yumuko si Dash at inangkin ang mga labi niya at inihiga siya nang unti-unti sa buhanginan. He pressed closer against her and Marti could feel his arousal against her skirt.
"Oh, Dash, I love you so..."
"I want you so, sweetheart," he groaned, his tongue sliding between her lips. "You don't know how much!"
Ang mga kamay niya'y pinaglandas niya sa dibdib nito. Feeling the warm and silky flesh. Nang madama niya ang bahagi ng dibdib nito na napinsala ay napatitig siya rito.
"D-Dash..."
"You can't stop me now, Marti, please," he almost begged.
"Pero ang dibdib mo..." Her voice filled both with concern and anticipation. Nilinga niya ang paligid. Halos naglalaho na ang liwanag sa kalangitan. The beach was deserted. At alam niyang pribado ang bahaging iyon ng asyenda.
"Then do something, Marti. Huwag mo lang ulitin ang ginawa mo sa pickup." Ibinaba nito ang katawan sa buhangin at tinangay siya. She went on top of him. "Love me, sweetheart."
Pumaloob ang kamay nito sa palda niya at hinawakan ang garter ng bikini panties niya and pulled it down. "I'm glad you're wearing a skirt..." he moaned as he raised himself inches from the sand and bit her nipple through the fabric of her blouse.
She had not been wearing a bra and her nipple hardened instantly. "D-Dash..."
"You don't know how much I've missed this, sweetheart..." he groaned and she helped him unzipped and pulled down his jeans. He held her buttocks tightly as he pressed her against his maleness. "Take me, sweetheart... I don't think I can prolong this any longer! It's been a long time, Marti."
Marti sheathed him and flinched a little. It had been more than five years. And it was a wondrous feeling, like coming home once more.
"Oh, Marti... I don't know how I've ever lived without this... without you..."
Nakipagpaligsahan sa hampas ng alon sa baybayin ang mga daluyong ng damdaming namagitan sa dalawa. But it was over almost too soon. Ganoon ma'y nanatiling nasa katawan ni Marti ang init ng damdamin.
"I'm sorry. But you have no idea what you did to me, Marti," he whispered. Hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha niya at inilagay sa likod ng tenga.
"Oh, I have," nakangiti niyang sabi. Hinagkan ang dibdib nito at maingat na iniwasan ang bahaging may pinsala.
"Don't start, Marti..." Iniangat nito ang mukha niya. "Hindi ko nagawang kontrolin ang sarili ko matapos ang mahabang panahong pananabik ko sa iyo. But I want the next time to be perfect. I just can't lie here and let you ravish me." He grinned at her lovingly. His eyes darker. At alam ni Marti na nagsisikap itong puksain ang apoy na nilikha nilang pareho.
Inalis niya ang sarili sa ibabaw ni Dash at humiga sa tabi nito. Ginagap ni Dash ang kamay niya at hinagkan iyon. Pagkuwa'y may dinukot ito sa bulsa at isinuot sa daliri niya.
"Iniwan mo iyan nang umalis ka," wika nito.
"Oh." Sinipat niya sa natitirang liwanag mula sa kalangitan ang engagement ring niya. Ang kaligayahan ay nag-uumapaw sa dibdib.
Sa langit ay nagkalat ang maraming mga bituin. Unti-unting humawi ang ulap upang ilabas ang buwan. Sa mahabang sandali'y nanatili sila sa ganoong ayos. Tahimik na pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan, ang buwan at ang mga ulap. Kontentong hawak ng isa't isa ang tig-isang kamay.
Then Marti broke the silence.
"W-where's Aliana, Dash?"
Napalingon si Dash sa kanya. Kumunot ang noo. "Hindi ba sinabi ng Mama sa iyo?"
Umiling siya.
Dash heaved a sigh. "She died a month ago."
"Died!" Umangat ang ulo niya sa buhangin at tinitigan ito.
"Two weeks after she left. Nang ipa-annul ko ang kasal namin ay alam niya iyon. She had to sign some documents. At wala siyang magagawa. May mga ebidensiya akong pinanghahawakan. Pinasubaybayan ko siya at pinakunan ng larawan ang lahat ng lihim nilang pagniniig ni Gonzalo. Hindi iyon alam ng Mama. Siguro'y masokista ako. Gusto kong saktan ang sarili ko sa nangyari sa atin sa pamamagitan ni Aliana kaya hinayaan kong manatili ang aming pagsasama.
"And at the same time she taunted me with her pregnancy. Na wala akong magagawa dahil hindi gusto ng Mama na maghiwalay kami at na hindi ko maipapaalam sa Mama ang tungkol sa annulment. Kahit ang Mama'y inisip na ako ang ama ng huli niyang ipinagdadalang-tao. Much as she hated Aliana, my mother wanted a grandchild so much. So she tolerated her to some extremes.
"Subalit minsan ay hindi sinasadyang narinig ng Mama ang pagtatalo namin ni Aliana. She wanted to go abroad. Na bigyan ko siya ng sapat na halaga. Na gusto niyang sa ibang bansa ipanganak ang bata. Pumayag ako. Subalit hindi ang Mama. And when my mother tried to thwart my decision to give her money she threatened to have her pregnancy aborted.
Isang tawang hindi naman umabot sa mga mata ang pinakawalan nito. "Believe me, sa pagiging konserbatibo ng Mama, she never batted an eyelash. But I was horrified because I believed she was capable of doing her threat. Halos pitong buwan na ang tiyan niya.
"Hindi ko anak ang bata subalit hindi ko kayang isipin ang maaari niyang gawin. Ibinigay ko ang halagang hinihingi niya—in cold cash. Ako mismo ang nag-withdraw ng pera sa bangko. She left that day."
"H-how did she die?"
"Sa isang mumurahing ospital sa bayang sinundan ng Trinidad. Ayon sa mga doktor na nakausap ko'y force labor. She was bleeding when a certain man brought her in the hospital. Sa description ng mga nasa ospital, si Gonzalo iyon. Maraming dugo na ang nawala sa kanya at walang nagawa ang mga doktor."
Marti closed her eyes in horror. Biglang nakadama ng ginaw, isiniksik ang sarili sa tabi ni Dash.
"A-ano ang sabi ng Tita Clemen?"
"The doctor had to sedate her to calm her down. Sa una'y sinisi niya ako sa nangyari sa anak niya. Na hindi ako naging mabuting asawa kay Aliana... na hindi ko ito minahal. Marahil ay tama siya. Kung natutuhan ko lang siyang mahalin, baka..." He shook his head sadly. Pinuno ng hangin ang dibdib though it pained him to do so.
Then he reached for her hand, ikinulong sa mga palad at idinaiti sa tapat ng puso nito. "You are my own true love, Marti. Hindi ko kayang ibigay sa iba ang pagmamahal na iyan, no matter how I tried."
Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito. Gusto niyang manlumo sa sinapit ni Aliana subalit walang ibang maaaring sisihin sa sinapit nito kundi ito mismo.
Tayo ang gumagawa ng sarili nating buhay, Marti... tayo ang pumipili ng landas na ating nilalakaran...
"Yeah," she said to herself aloud. "Mia's right."
"Mia's right about what?"
She smiled at him lovingly. "That I love you so much, Dash."
Tumayo si Marti at hinila si Dash patayo. He was laughing and wincing at the same time. Matapos pagpagan ang mga katawan ng buhangin at magkahawak-kamay nilang tinungo ang mga nakaparadang sasakyan.
"Tell me about Martin Aragon," ani Dash.
She smiled at him. "Some other time, lover boy."
