Chapter 4

4.4K 62 0
                                    

CHAPTER FOUR

"DAMN! So much for driving slowly!" usal niya at agad na inalis ang strap ng seat belt sa katawan at binuksan ang pinto ng kotse.


Nasa main road siya at hindi mabilis ang pagmamaneho niya. She would give the driver of the other vehicle a piece of her mind!


Subalit hindi pa man siya nakakahakbang nang malayo mula sa kotse niya'y dumadagundong na sa katahimikan ng paligid ang tinig na iyon.


"Kung hindi mo kabisado ang fogs sa lugar na ito'y hindi ka dapat nagmamaneho!"


"Nasa main road ako! At ikaw itong basta na lang sumulpot mula sa kung saan nang walang—" 

Ang salita'y nabitin sa lalamunan ni Marti nang sa pag-angat niya ng paningin ay matitigan ang may-ari ng tinig.


She couldn't remember the last time she ran out of speech. But she was now. Lalo pa yatang tumindi ang lamig sa paligid na sanhi ng fogs na humahaplos sa mukha't braso niya nang makilala ang kaharap.


"So you're back," wika nito sa matabang na tinig. Ang pagkabigla'y agad na naglaho. His cold and dark eyes swept her anxious face ruthlessly.


Wala sa loob na napahawak siya sa pinto ng kotse niya. May ilang beses siyang kumurap bago, "Hello, Dash..." And congratulated herself for the composure she was far from feeling. Umaasang naitagong mabuti ng jeans niya ang panginginig ng mga tuhod.


Limang taon. At ang Dash Honteveros na kilala niya'y banayad magsalita at madaling kausapin bagaman kung ang pamamalakad sa asyenda ang pag-uusapan, he was all business.
Malaki ang ipinagbago nito. Tila hindi lamang limang taon ang nadagdag sa edad nito. His face had aged more than his body. May mga pinong linya sa sulok ng mga mata nito. There were lines too beside his mouth. But his body was as she remembered him. Lean and without an ounce of fat.


Dash had always been tall. Mas masasabing maputi ito kaysa kayumanggi. Kapag nanatili ito sa arawan ay namumula lamang ang balat.


And very attractive. Wala siyang natatandaang estudyanteng hindi nag-ukol dito ng pangalawang pansin nang una itong dumating sa St. Ignatius College. He was twenty six then. Sa ibang bansa nagtapos ng graduate studies at anak ng biyudang directress ng kolehiyo, si Donya Gertrudes Honteveros.


Now she came face to face with the man she had been dreading to meet. And for a brief moment, muli niyang naramdaman ang hapdi't pait ng kataksilan nito. Sa nakalipas na mga panahon ay napakadali para sa kanyang itaboy ang damdaming iyon. But a one-to-one confrontation was something else entirely.


Napaatras siya nang masalubong ng tingin ang mga mata nito. His eyes were pitch black as they surveyed her features coldly.


"Noong isang araw ka pa inaasahan ni Mia," wika nito sa nag-aakusang tinig. Na para bang ang pagka-antala niya'y malaking epekto rito.


"I—I got delayed. I had some unfinished—"


"Naturally. For a successful television star na tulad mo, sino ba naman kaming taga-probinsiya para magmadali kang tumupad sa usapang araw ng pagdating," he said bitingly.
At bago siya may maisagot, he added more cruelly: "Had I known you'd arrive today, I would have laid the red carpet. Hindi araw-araw ay nabibigyan kami ng parangal na madalaw ng isang celebrity."

My Own True Love - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now