CHAPTER THIRTEEN
"CONGRATULATIONS, Marti."
Mula sa ginagawa'y napalingon sa may pinto ng opisina si Marti. Sa malalaking hakbang ay lumalapit si Aliana. At bago siya nakakilos ay niyuko siya nito at niyakap.
"I am so happy for you," nakangiting wika nito. "I should have guessed na hindi lang pagmamalasakit bilang estudyante ang turing ni Dash sa iyo."
"T-thank you." Tumaas ang tingin niya kay Dash na kasunod na pumasok ni Aliana.
"We have a surprise for you, dear," patuloy ni Aliana. "Tell her, Dash."
Nilapitan siya nito at itinayo mula sa swivel chair. Hinawakan sa baba at itinaas. "As of tomorrow, you're out of job, sweetheart.""W-what?"
"Yes, Marti." Si Aliana. "Kaya ako narito ay para i-acquaint ang sarili ko sa bago kong trabaho. I'll be your future husband's new full time secretary!"
Naguguluhang muli niyang ibinalik ang tingin kay Dash. "But... why?"
"Paano mo maaasikaso ang mga kakailanganin sa ating kasal kung okupado ang buo mong panahon?" makatwirang sabi nito.
"And... you didn't tell me about this?" akusa niya. Nilingon si Aliana na matamis na nakangiti at pinagmamasdan silang dalawa.
"Sweetheart, be reasonable. Kinausap ko ang Mama na samahan ka sa modista para sa damit-pangkasal mo. Pero nagsuhestiyon ang Mama na lumuwas sa Maynila para doon bilhin ang mga kakailanganin mo. At hindi maaaring maiwan na lang nang ganoon ang trabaho mo, lalo ngayon."
She bit her lip, tumango. "I guess you're right."
"Of course, Dashiel's right. He has your best interest, Marti. You're so lucky."
Sapilitan niyang nginitian si Aliana.
Ang sumunod na umaga'y ginugol ni Marti sa pagtuturo kay Aliana ng mga gagawin nito. Minsan ay dali-dali siyang umupo dahil nakadama siya ng pagkahilo."Nagdadalang-tao ka ba?" tanong nito.
Hindi niya matiyak, subalit nahimigan niya ang talim sa tinig nito. But when she looked up, she could see only concern in her eyes."Hindi ko pa tiyak. Siguro..."
Tumango-tango ito, nagkibit ng mga balikat at ibinalik na ang atensiyon sa trabaho.
"Ano ang sabi ng dean na hindi ka na magtatrabaho sa kanya?" tanong niya makalipas ang ilang sandali.
"Babalik na sa Lunes ang sekretarya niya. Kaya tamang-tama ang trabahong ito na inialok ni Dash sa akin." Nilingon siya at matamis na nginitian.
"TOTOO bang may spotting ka?" tanong ni Dash nang sunduin siya nito sa kolehiyo nang Biyernes ng gabi.
She frowned at him. "Paano mong nalaman?""Sinabi ni Aliana kaninang tanghali sa akin. What does it mean? Are you all right?"
Hindi siya kaagad nakasagot. Kaninang umaga ang huling araw niya para turuan si Aliana ng mga trabahong iiwan niya. Nakadama siya ng pananakit ng puson kanina at sandali siyang nagpahinga sa mahabang sofa.
At nang pumasok siya sa banyo sa opisina'y hindi niya inaasahang susundan siya nito. Nakita ni Aliana ang spot sa panties niya.