Chapter 3

5.2K 61 0
                                    

CHAPTER THREE

MATAPOS niyang ihatid sina Mia at Tommy sa sakayan ng bus patungo sa San Ignacio ay nagtuloy na rin siyang umuwi.


"Hello, cupcake," bati niya sa anak na nakaupo sa high chair at pinakakain ng yaya nito. Yumuko at dinampian ng mariing halik sa pisngi ang apat na taong gulang na batang babae.


"'Karga," wika ni Gerry at itinaas ang mga kamay.


Umiling siya. "Uh...uh. Your yaya's feeding you. Finish your cereal, then we'll watch cartoons together."


"You won't sleep?"


"Promise." Ginulo niya ang buhok ng anak at saka pumasok sa loob ng silid.


Inihagis niya ang clutch bag sa kama at umupo sa armchair. Hinubad ang stockings at high heels at ipinatong ang paa sa footstall at humilig sa sandalan.


You've made it, friend... naiangat mo ang sarili mo mula sa kahirapan...


Yes, nagawa niyang baguhin ang sarili sa nakalipas na mga taon. At ang financial success na tinatamasa niya ay ang crowning glory ng lahat ng mga pagsisikap at paghihirap niya. Subalit lahat ng iyon ay hindi mangyayari kung hindi sa tulong ni Martin Aragon.


She surveyed the spacious bedroom around her. Fully furnished. Wall to wall ang carpet. Ang furniture niya, state of the art. Ang wardrobe niya'y puno ng mamahaling mga damit, shoes, and bags, at halos lahat ay designer's label.


And satisfaction filled her.


Nasa tenth floor ng isang kilalang condominium sa Greenhills ang unit niya. May maliit na balkonahe sa labas ng silid niya at natatanaw niya mula roon ang skyscrapers ng buong Ortigas at Greenhills.


At nasa pangalan na niya iyon, fully paid. Galing sa sariling pawis. Hindi miminsang inalok at pinilit siya ni Martin na ito ang bumili ng lahat ng mga bagay na nasa kanya ngayon. Subalit tinanggihan niya. She had no intention of hurting his feelings. Sapat na ang ginawa nitong pagtulong sa kanya. Subalit hindi niya tinatanggihan ang mga mamahaling regalo nito, tulad na lang ng mga alahas niya at ibang mga gamit ng anak niya.


She also had her own car, a black Honda Accord, latest model. But she retained her previous car, na nabili rin niya ng secondhand mula sa kinita niya sa unang serye niya. Ang red 1990 box type Toyota Corolla niya.


Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Hindi siya makapaniwalang sa loob lamang ng limang taon ay naabot niya ang ganoong karangyaan. Isang hinahangaang television personality. May soap opera na nangunguna sa rating dahil pinag-aagawan ng mga sponsors. Huwag nang idagdag pa ang mga TV commercial niya mula sa kung ano-anong produkto. And they kept on coming.


Five years ago ay lumuwas siya sa Maynila nang umagang iyon na ang dala ay kapirasong gamit at address ng ama. Address na nakuha niya sa iniingatang gamit ng ina. Isang kapirasong papel na ginupit mula sa artikulo sa isang movie magazine.


Ganoon man ay nasa dibdib niya ang walang katiyakang kukupkupin siya ng amang halos kalahati ng buhay niya'y hindi niya nakita.


Nang nasa harap na siya ng building ng channel six ay hindi niya alam ang gagawin. Natitiyak niyang hindi siya palulusutin ng mga guwardiya para kausapin ang CEO ng istasyong iyon.
But she was smart and witty. Bumalik siya sa mumurahing hotel kung saan siya may katapangang tumuloy. She planned everything bago niya iniharap ang sarili. Ang kaunting perang nasa kanya'y ibinili niya ng maganda at kaakit-akit na damit at nagtungo siya sa parlor at nagpa-make up.

My Own True Love - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now