CHAPTER SEVEN
ANUMANG tanggi ang ginawa ni Marti ay hindi pumayag si Dash na hindi siya maihatid.
"Nakita mo at hanggang ngayon ay marami pang hindi nakakasakay," ani Dash nang makalabas sila ng campus at madaanan ang ilang estudyante at mga taong kasalukuyang nag-aabang ng masasakyan. "Puro puno ang jeep at tricycle. Mahihirapan kang umuwi."
Lumunok muna siya bago sumagot. "M-malapit lang naman dito ang tinitirhan ko, Mr. Honteveros. Sa may bayan lang at nilalakad ko lang iyon."
Nilingon siya nito. "Nagbibiro ka ba? Halos isang daang metro ang layo ng bayan mula sa SIC, Marti!"
"Kung araw-araw mong nilalakad iyon ay malapit na lang."
Umiling si Dash. "Not in this weather. Besides, gabi na. And I feel responsible. Paano kong makatagpo ka ng masamang tao?"
Isang pinong ngiti ang pinakawalan niya. May kung anong kasiyahan ang nadama. Maliban sa ina at kay Mia ay walang tao siyang kinaringgang nag-aalala sa kanya.
"Hindi naman Maynila ang San Ignacio, Mr. Honteveros."
"Dash."
"W-what?"
"Call me 'Dash', Marti. Hindi mo ako professor at hindi ako empleyado ng SIC. Hindi naman siguro milya-milya ang walong taong agwat natin, 'di ba?"
Hindi niya alam kung ano ang iisipin doon. At nang sulyapan niya ito'y nasa daan nakatutok ang buong pansin nito. Nagkaroon siya ng pagkakataong pagmasdan at pag-aralan ng lihim ng mukha nito.
He was very attractive. At mga mata nito'y kasing-itim ng balahibo ng uwak na lalo pang pinaitim ng makakapal na kilay at pilikmata. He had his mother's eyes. Iyon lang ang nakikita niyang inihawig nito sa ina. And he possessed a body of an athlete.
At hindi niya masisisi ang mga nababalitang kababaihang nahuhumaling dito.
Nagulat pa siya nang lingunin siya nito. His lips twitched as he smiled. "I hope nakaabot ako sa pamantayan mo, Marti."
She expelled her breath slowly. Embarrassed, ibinaling niya sa labas ng bintana ang pansin. Dash chuckled softly.
"THANK you, Mr. Honteveros," usal niya nang iparada nito ang sasakyan sa bukana ng garahe ng mga Salvacion.
"I'll forgive you one last time, Marti. One more 'Mr. Honteveros' and you're off the Don Gonzalo Honteveros scholarship."
Napamaang siya. Subalit nang titigan niya ito'y nakita niya ang nakatagong ngiti sa sulok ng mga labi nito.
Isang alanganing ngiti ang pinakawalan niya. "Allow me to get used to it, D-Dash..."
"See. Hindi naman mahirap bigkasin ang pangalan ko, ah. And, sweetheart—" he added. "Keep smiling. You're prettier."
Umirap siya. "Cliché."
Tawa ang isinagot ni Dash doon. At nang magmadali siyang buksan ang pinto ng kotse'y hinawakan ni Dash ang braso niya na hindi niya napigilang mapasinghap nang malakas. Bumaba ang mga mata niya sa braso niyang hawak nito.
Binitiwan iyon ni Dash. "Hindi mo ba ako iimbitahang magkape man lang?"
"Oh." Nag-alanganing nilinga niya ang kabahayan, hindi malaman ang isasagot. "It's... late and—"
