Chapter 12

3.5K 50 0
                                    

CHAPTER TWELVE

"ANG GANDA ng lugar na ito kapag ganitong gabi, Dash," wika niya nang mula sa pagsundo sa kanya sa SIC ay hindi agad sila umuwi. He brought her to the hills. Nakatanaw iyon sa malawak na karagatan ng San Ignacio.

Above, a crescent moon hung over the sea, a silver arc in the sky, at iniilawan iyon ng milyon-milyong mga bituin.
Hinagkan nito ang ibabaw ng ulo niya. Nakaupo ito sa ibabaw ng hood ng sasakyan at nakayakap sa kanya mula sa likod. "Noon pa ma'y dito ko na pinangarap na itayo ang bahay para sa babaeng kakasamahin ko sa habang-buhay, Marti. The girl of my dreams... ang ina ng magiging mga anak ko."

"Hmm... and who could be that girl?" she teased.

Dash bent and gave her a not-so-gentle bite on her shoulder that she gave a half-scream. Tumawa si Dash at bumaba at humakbang patungo sa gilid ng burol at niyuko ang ibaba.

"Palalagyan ko ng riprap ang mga gilid. Baka humulagpos ang lupa at mahulog ang mga anak ko. Perhaps we could build a stairway down to the beach."

"Gaano katagal bago mo maipatatayo ang bahay?"

"I've contacted the architect already. Siguro'y sa isang buwan ay sisimulan na ang trabaho. After our wedding, it's half-way done. It would be a three bedroom house, Marti. May espasyo para sa panibagong bedroom kapag lumalaki na ang pamilya."

A breeze drifted across the warm dark waters of the sea, at banayad niyong inililipad ang buhok niya. At maliban sa ilaw na nasa unahan ng sasakyan ay madilim ang buong paligid. But the happiness she felt illuminated her face.

Iyon ang nalingunan ni Dash sa kanya. Mula sa dimmer ng pickup, he gazed at her for a long moment, and she saw the raw desire and passion in his eyes.

Her body instantly responded. Her nipples hardened and warmth flowed her body.

Pinuno ni Dash ng hangin ang dibdib at humakbang patungo sa passenger seat at binuksan iyon. "Get inside. Baka nag-aalala na si Nanang Dalen sa iyo," he commanded in controlled voice.

She was disappointed. "Wala pang alas-otso. Maaga kaming pinauwi," protesta niya.

"Kung hindi tayo uuwi ay baka kung ano ang magawa natin, sweetheart," he said in a voice filled with controlled passion.

"So why can't we?" giit niya. Her eyes darted to the back seat of the pickup suggestively.

Dash groaned. "Don't tempt me, Marti. I can't make love to you at the back of the car. I'm past that age."

"Meaning, ginagawa mo iyon dati," akusa niya. "How many girls have you made love to at the back of your car, Mr. Honteveros?"

He chuckled. "Classified information, sweetheart. Now, be a good girl, get in and let's go home."

She made a face and Dash hit her bottom with his hand that she shrieked.
Pababa na sila ng burol nang gagapin ni Dash ang palad niya at hagkan iyon. "I want you, Marti. Hindi mo lang alam kung gaano. So don't make a mistake of thinking otherwise. But we couldn't sneak out every night. Pag-uusapan tayo ng mga katulong. Ikaw ang inaalala ko."

Inihilig niya ang ulo sa balikat nito. "I love you."

ISANG umaga'y nagulat si Marti nang pasukin siya ni Donya Gertrudes sa opisina sa basement.

My Own True Love - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now