Chapter 17

4.6K 64 1
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

NANG sumunod na mga araw ay halos hindi nakikita ni Marti si Dash. Alam niyang malalim na ang gabi kung dumarating ito. At hanggang maaari'y kung matutulog na lang siya lumilipat sa malaking bahay mula sa cottage.
Sa mismong araw na ng kasal ni Mia muli silang nagtagpo ni Dash. Ito mismo ang principal sponsor.

Inaasahan niyang naroroon din si Aliana subalit wala ito. Ayon kay Nanang Dalen ay nagpahatid ito sa driver sa mama nito sa bayan nang gabi ng bisperas ng kasal ni Mia.

She was walking down the aisle nang sa pag-angat niya ng paningin ay mga mata ni Dash ang nasalubong niya. Nasa unahang pew ito kasama ng iba pang sponsor sa kasal mula sa panig ni Tom. Tall and handsome and distinctive in his three-piece suit.
The eyes that followed her every move were as dark as polished jet. Sa mga mata nito'y naroroon ang akusasyon, kapaitan, at galit.

Ano ang karapatan nitong akusahan siya? Hindi siya ang nagpakasal sa ibang lalaki kundi ito kay Aliana.
She swallowed the lump in her throat and tried to break eye contact but she could not. Tila hinihigop siya ng mga mata nitong tanggapin ang galit at akusasyon mula rito.

Nang mula sa mga nakaupo sa pews ay narinig niya ang mga bulong-bulungan.
"Hindi ba't si Marti Montelibano iyan? Iyong kontrabida sa soap opera?"
"Siya nga. Napakaganda niya sa personal. Hindi ko maintindihan kung bakit siya kontrabida gayong mas maganda siya kaysa sa bidang babae."
"Baka talagang salbahe tulad ng role niya. Naiinis nga ako diyan kapag nanonood ako ng show."

"Hindi ba't mistress daw iyan ng may-ari ng istasyon? 'Yong dating aktor at producer na ngayon..."

"Hindi natin alam, baka nga tsismis lang iyon. Alam mo naman sa showbiz. Pero tagarito sa atin iyan. Sa SIC nag-aral. Mamaya'y papirma tayo ng autograph..."

Narinig niya ang mabilis na pagsang-ayon ng ilan. At sapat ang mga bulungang iyon upang ituon niya ang tingin sa harap ng altar. Binalaan na niya si Mia na baka makilala siya ng mga tao at maaring makaagaw ng atensiyon ang pagiging celebrity niya. Subalit bale-wala iyon kay Mia.

Ipinagmamalaki siya nito.
She wished she could make her exit easy and unnoticed. Nagpaalam na siya sa magkasintahan at kay Nanang Dalen na aalis kaagad pagkatapos na pagkatapos ng kasal. Agad namang pumayag si Mia. Nauunawaan nito kung bakit niya gagawin iyon.

Sa durasyon ng kasal ay alam niyang nasa kanya ang mga mata ni Dash sa bawat sandali. Hindi miminsang nagtatagpo ang paningin nila. And she endured each agonizing moment.
Nang matapos ang seremonyas ng kasal ay hindi inihagis ni Mia ang bouquet nito at sa halip ay iniabot mismo sa kanya. Hinagkan siya nito sa pisngi.

"Go and find someone worth your love, Marti," bulong nito. "Nararamdaman ko sa puso kong makakatagpo ka ng lalaking mamahalin ka nang totoo at labis. Nasa Maynila kami ni Tom sa susunod na linggo. I want to meet your daughter."

"Aalis na ako," ganting-bulong niya.

"Puwede ko bang hagkan ang maid of honor?" si Tom na nakangiting lumapit. He bent and kissed Marti's cheek.

"Thank you for gracing this occasion, Marti."

Ngumiti siya at nagpakuha ng ilang picture kasama ang mag-asawa. At nang ang atensiyon ng mga ito'y nakuha na ng iba pang mga bumabati, nakisiksik siya sa mga sponsor at abay. Subalit kinailangang makipagkamay muna siya sa ilang naroroong hindi niya naiwasan.

My Own True Love - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now