Chapter 18

4.6K 63 2
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

"MOMMY, wake up, Lolo's here," yugyog ni Gerry sa ina. Mula sa paanan at sumampa sa kama.
Ngumiti si Marti nang mamulatan ang anak. "'Morning, cupcake. Give Mommy a kiss."
The little girl planted a wet kiss on her cheek. Pinupog ni Marti ng halik ang anak na humagikgik. Nang mula sa pinto'y sumungaw si Martin.
"What's wrong with you? Dalawang araw ka nang hindi sumisipot sa shooting."
Binalingan niya ang anak. "You can go and watch your favorite cartoon show, cupcake."
Bumaba ng kama ang bata, tumingala sa matandang lalaki. "You promised we'll go fishing, Lolo."
"Sure, honey." Masuyong ginulo ng matanda ang buhok nito. "And that'd be on Sunday, at the farm."
Nagtatalong lumabas ng silid ng ina ang bata. Si Martin ay pabuntong-hiningang umupo sa dulo ng kama ni Marti.
"Nagrereklamo ang direktor mo. Pinapapalitan ka niya. Palalabasing namatay ka sa isang aksidente."
Dumapa sa malambot na unan si Marti. Naghikab. "I don't really care, Papa. I'm sick and tired of that show. It's been running for three boring years now. Nakakasawa na. Bakit hindi na lang wakasan at magsimula ng panibagong istorya?"
"The audience love that show, hija. Number one sa rating ang palabas mo. Natural na hindi gustong tapusin ng producer ang programa. And you're very effective. At nagtataka ang movie industry kung bakit hanggang soap opera ka lang gayong may kakayahan at mukha kang maging isang mahusay na artista."
"Hindi ko inambisyong maging artista, Papa. I did that show for fun. And it's good while the fun lasts. At hindi na iyon ang nararamdaman ko."
"Kung mawawala ka sa show, then all the rumors about us will be justified, Marti."
Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. "That you dropped me like a hot potato dahil may bago kang delight? Come on, Papa. Hindi ba't sa nakalipas na mga panahon, that rumor served your purpose? Ang itaboy ang mga unwanted female attention?"
Isa uling buntong-hininga ang pinakawalan ni Martin. "I was wrong, Marti. Gusto kong magpatawag ng press conference at ianunsiyo sa madla ang katotohanan. Sinisira ng balitang iyan ang pagkakataon mong makatagpo ng tunay na kaligayahan... ng lalaking mamahalin ka."
Bumangon si Marti at lumapit sa ama at hinagkan ito sa noo. "Don't, Papa. Pareho nating pinakinabangan ang tsismis tungkol sa atin. Naitaboy ko ang mga lalaking abala lang sa buhay ko." She stared at her father thoughtfully. "What about you? Have you found your own true love at gusto mong pakasalan?"
Isang bahaw na tawa ang pinakawalan ng matandang lalaki. "Wala akong makitang maaari kong ipalit sa mamang mo, Marti. Maraming taon kong pinagsisihan ang pagkawala niya sa buhay ko. Ikaw at ang apo ko ang inaalala ko. Mahalaga kayong dalawa sa akin."
"We're all right, Papa," aniya. Tumayo mula sa kama at bumaba. "Sabihin mo sa direktor na alisin ako sa show... patayin sa isang aksidente or whatever. I couldn't care less." Dinampot niya ang brush at sinuklay ang alon-along buhok.
"At ano ang gagawin mo, hija?"
"Gusto kong magkaroon ng makabuluhang talkshow. Ako mismo ang line producer. Pero plano pa lang naman iyan."
Matagal na tinitigan ni Martin ang anak. "What have you been doing when I was abroad, Marti?"
Nahinto siya sa pagsusuklay ng buhok. "Ano ang ibig ninyong sabihin?"
"Ang sabi ni Joshua ay dalawang linggo kang nawala. Ang idinahilan mo'y dumalo ka sa kasal ng kaibigan mo sa isang bayan sa south. Sa San Ignacio ba?"
"Iyon ang totoo, Papa."
"At nagkita kayong muli ng ama ng apo ko." It was a statement.
Umiwas ng tingin si Marti. "Imposibleng hindi kami magkita."
"Did you tell that bastard about Gerry?"
"Hindi, Papa. At hindi niya kailanman malalaman na may anak siya sa akin." Sa ilalim ng katigasan ng tinig ay naroon ang lungkot at pait na hindi niya nagawang itago.
"Ang ama ba ni Gerry ang dahilan kung bakit hindi mo ginustong may makalapit man lang sa iyo?" Puno ng simpatya at pang-unawa ang tinig nito.
She gave a fleeting smile. "Hindi pa ako handa sa bagong relasyon, Papa. Iyon ang dahilan."
"It's been over five years, Marti. Hindi mo pa ba siya nakakalimutan?"
"Oh, I'll forget him," she said gaily. Yes, I'll forget my own true love in a million years or so...

"BUKSAN mo ang television set mo, Dashiel! Bilisan mo!" bungad ni Donya Gertrudes nang walang pasintabing pasukin siya nito sa silid.
Subalit hindi siya kumikilos mula sa pagkakahilig sa couch.
Nahinto sa pagtungo sa kinalalagyan ng TV si Donya Gertrudes nang makitang sa kamay niya ay naroon ang kopita ng alak na wala nang laman.
"Akala ko ba'y masama ang katawan mo kaya hindi ka umaalis ng bahay mula kahapon?"
Hindi siya sumagot, nanatiling nakapikit.
"Ano ba ang nangyayari sa bahay na ito?" tili ng matandang babae. "Pinagtiisan ko ang mga iskandalo at paglalasing ni Aliana sa nakalipas na mga taon, ngayon ay ikaw naman! I couldn't believe that you grieved for that bitch!"
He gave a humorless laugh. "You asked me to marry that bitch, didn't you?"
"Pagkatapos niyang sabihin sa akin ang dahilan kung bakit umalis nang walang paalam si Marti. At nang malaman kong nagdadalang-tao siya'y wala akong mapagpilian kundi ang sabihin sa iyong pakasalan mo siya. At kahit gaputok ay hindi ka tumanggi! So don't blame me, Dashiel."
"I am not. Still, I'm worried about her. She's seven months pregnant." Tumiim ang mga bagang nito. Inabot ang botelya ng brandy at nagsalin sa kopita.
"That's bullshit. She made her bed and she must lie in it."
The unlady like curse made Dash wince. Pagdating kay Aliana'y hindi nawawalan ng masasamang salita ang ina. Humakbang ito patungo sa television set at binuhay iyon at inilagay sa channel six.
"Damn. Natapos na ang eksenang gusto kong ipakita sa iyo."
"Marti's show again..." he said in disgust. Muling dinala sa bibig ang alak at inubos ang laman. "Don't you get tired of watching that damn soap opera?"
"Well, I am now that they kicked her out of that show. She was murdered, Dash! What a horrible way of getting rid of—"
"Ma," malagihay na putol niya ang sinasabi ng ina. "Alam mo naman iyan, 'di ba? Bago pa man nagtungo si Marti dito three months ago para sa kasal ni Mia. Laman siya ng mga gossip magazine na binili mong lahat."
Tahimik na umupo sa armchair ang matandang babae. Tinitigan ang anak na muling nagsalin ng alak. Nangingitim ang pisngi sa dalawang araw na stubbles.
"Hindi mo ba siya mapapatawad sa ginawa niya, Dash?" banayad nitong sabi. "Marti's very young then. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko gustong sang-ayunan na makasal kayo noong una."
Dash waved his hand impatiently. "Babalik na naman ba tayo diyan, Mama? It's making me sick! Sa nakalipas na mga taon ay parang hindi nawala sa bahay na ito si Marti." He groaned.
"Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari sa kanya, Dash. Nakita ko nang kakaiba ang anyo niya nang babain ko siya sa cottage. Nangingitim at namumugto ang mga mata niya. At ayon kay Lucy ay hindi kumakain. Dapat ay pinilit ko siyang alamin kung bakit."
Muling buong kapaitang umungol si Dash. "Let's not torture ourselves, okay?" marahas nitong sabi. "I offerred her a proposition when she was here. Tinanggihan niya. Married men were not her cup of tea. Hah!"
Kumunot ang noo ng donya na tinitigan ang anak. "Sinabi niya sa iyo iyon?"
"Yes." He shook his head in disgust. "She's a kept woman... mistress ng isang matandang milyonaryo. Kaya hindi ko maintindihan ang uri ng moralidad niya!"
"Sabi mo nga'y tsismis lang iyon. Maaaring hindi totoo, hijo."
"Iyon ang totoo, Mama. Ganoon ma'y umaasa akong totoo rin ang balitang tuluyan na siyang iniwan ng matandang iyon. Lumuwas ako sa Maynila nitong nakaraang Linggo, hindi ba?"
Wala sa loob na tumango si Donya Gertrudes.
"Gusto kong ulitin uli ang alok ko. Taking advantage of the fact that that old man had really ditched her. So I went to her place. Pinilit ko si Nanang Dalen na sabihin sa akin ang address ni Marti. It took me a lot of persuasion bago niya ibinigay sa akin. Natunton ko ang tinitirhan niya. Sa isang town house sa Greenhills.
"But I was wrong. Hindi siya iniwan ng matandang iyon o may plano mang iwan siya. With my own eyes, I saw them together. Nakaakbay sa kanya ang matandang iyon habang inihahatid niya sa sasakyan kasama ang isang batang babae. Their love child!" halos sumisingasing ito sa galit.
"And she lied to me. Sinabi niyang hindi kinikilala ng matandang iyon ang anak nito! She's a whore... an expensive whore. But still a whore! Ano ang kaibahan niya kay Aliana?"
Matagal na tinitigan ng donya ang galit at miserableng anyo ng anak bago banayad na sumagot. "You love her, Dash. Iyon ang kaibahan. All these years, nanatili siya sa puso mo. And that's the reason why you've been drinking. Nakita mo siya at tuluyang nawala ang pag-asa mong maibabalik siyang muli rito." Tumayo ito at humakbang patungo sa pinto.
"She can go to hell for all I care!"
"Perhaps she'd been there, Dash. And we're both responsible for what she is now."

My Own True Love - Martha CeciliaWhere stories live. Discover now