𝖫𝖠𝖥𝖢 3 - 𝗦𝗺𝗶𝘁𝗵 𝗼𝗿 𝗚𝗿𝗲𝘀𝗹𝗲𝘆?

10.6K 235 70
                                    

"Fuck! Ang sakit ng ulo ko"

Yan ang unang narinig ko pagkalabas ng kwarto. Sigurado rin akong kay Kaycee boses iyon.

"Here, drink this" Saad ni Seira at ini abot ang gamot kay Kaycee.

Nakita ko pa kung paano namula sa kilig yung isa.

Ano ba naman to Lord? Kwento ko to diba? Bakit naman parang nandito lang ako para masaksihan kung paano mainlove sa isa't isa yung mga kaibigan ko?!!!

"Hoy. Ang aga aga tapos naka simangot ka agad"

Napa igtad pa ako ng biglang bumulong sa tenga ko itong si Kenzo.

"Tangina mo naman. Wag ka nga mang gulat!" Inis na saad ko at iniwan siya don.

"Pfttt, bad mood" Rinig ko pang sabi nito bago ako maka layo.

-----

"Gago Kai. Di pa din naaalis yung hangover ko" Nababanas na sabi ng katabi ko habang naka dukdok sa lamesa. As always, late pa din yung professor namin ngayon which is yung nag aya saking pumunta ng office nya tapos di naman pala matutuloy.

Nakaka umay.

Kapag talaga nalaman ko kung ano yung pangalan niya? Iistalk ko talaga siya ng malala. Uy kimi, parang tanga.

"Good morning class" Kusa naman kaming na pa tayong lahat ng marinig ang napaka lamig ngunit mahinhin na boses na yon.

Siya yon!

"Good Morning Professor Smith"

Hmmm, Smith pala ah?

Okay.

"Take your sits"

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng ma punta ang mga tingin nito sa akin.

Shit, bigla tuloy akong kinabahan.

"Creative design in Architectural interiors" Sulat ng propesora sa white board.

"You, stand up"

Para naman akong na pako sa kinauupuan ko dahil saakin ito naka tingin.

Ako ba yung tinatawag niya?

"P-po?" Hindi naman ako diba? Oo hindi-

"I said stand up" Malamig nitong saad habang seryosong naka tingin sakin.

"Read what's on the board" ika nito habang naka tingin pa rin saakin.

"C-creative d-design in Architectural i-interiors" Hanep, nagkanda utal utal pa nga.

"Why are you stuttering Ms Corpuz? Am I making you nervous?" Tanong ng propesora.

"Yes po, I'm sorry po" Tinignan lang ako nito at bumuntong hininga.

"How do you describe creative design architectural interiors?"

"M-ma'am" Feeling ko maiiyak na ako anytime. Please help huhu

"Remain standing" Mag sasalita pa sana ako pero hindi na ako nito pinansin at nag tawag na ng ibang studyante.

Tinignan ko naman ang katabi na nag pipigil ng tawa. Tang ina talaga, kahit kailan napaka sama ng ugali!

So ayon.....

Naka tayo ako ng mahigit dalawang oras.

Haha...

Love at first Collision [GxG] [ProfxStud]Where stories live. Discover now