LAFC 12 - 𝗞𝗶𝘀𝘀

8.8K 200 32
                                    


12:09 na ng tanghali at nandito
kaming lima ngayon sa cafeteria dahil
lunch time na.

Medyo boring

Miss ko na sya....

Charot, straight nga pala ako.

"Kung ang buhay ay pumapangit, pwes ako hindi" Naka ngiwi kong tinignan yung babaeng nag sabi non.

Tarantando ampota.

"Anong hindi sya pumapangit? Mukha nga syang mangga na nabulok na dahil wala pang kumakain sakanya ni isa" Nagulat ako nang biglang humagalpak sa tawa si Renz dahil sa sinabi ni Seira. Pati rin naman ako ay muntik ko ng maibuga sakanya yung kape na iniinom ko dahil muntik na rin syang marinig nung babae.

"Umayos ka nga Sei, yung bunganga mo ah" Pagsasaway ko.

Jusko hindi ko din alam kung bakit hanggang ngayon kaibigan ko pa din tong mga to. Sasama ng ugali eh.

Ay ako din pala hehehe.

"What if...."

Napa tingin naman kaming apat kay Renzo.

"What if.....? Wag ka namang mambitin bro" Saad ni Kenzo sa kakambal.

"What if buoin ulit natin yung banda natin? Pero this time kasama na si Kaycee. Ang tagal na kasi nating hindi tumutugtog eh" Nahihiyang sabi ni Renzo.

Tama sya, ang tagal na naming hindi nakaka tugtog. Bago kasi kami ma kick out sa dating university ay tumutugtog kami doon palagi tuwing may event.

"Huy g ako dyan! Ako na bass guys" Masayang sabi ni Kaycee.

"G. Ako sa drums" Naka ngising saad naman ni Kenzo.

"Keyboard akin" Si Seira na ngayon ay naka ngiti na din.

"Oh settled na. Ako sa electric guitar tapos ang vocalist naman natin ay si Akiah"

"Anong name ng banda?" Tanong ni Kaycee.

"Bandang VV" Sabay sabay na sagot naming apat.

"VV? As in bobo?" Tanong ni Kaycee na ikinatawa namin.

"Vibrant Voyage Band" Sagot ko at ngumisi.

"Ohhhh, nice name ha"

"Syempre, si Akiah nag isip eh" Pagmamayabang naman ni Kenzo.

"Kakausapin ko lang ang mom ko para ipaalam yung tungkol sa banda. Update ko kayo pagkatapos naming mag usap" Saad ni Kaycee na tinanguan nalang namin.

"Hoy Akiah" Tawag saakin ni Seira.

"Oh bakit?"

"Sabihin mo nga sakin ang totoo. Anong namamagitan sainyo ni prof Smith?"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa tinanong ni Seira at naibuga ang iniinom na kape sa kambal.

"Hoy kadiri!" "Gross!" Sabay na sabi ng kambal at napatayo na, habang si Seira naman ay walang tigil kakatawa.

"The heck Akiah?" Si Kenzo.

"Sorry na! Si Seira kasi eh, kung ano ano yung tinatanong!" Namumulang sabi ko at hinampas sa braso itong katabi ko.

Sa lahat lahat kasi ng pwedeng itanong, bakit yon pa!

"HAHAHAHA magpalit na muna kayo ng damit boys, may pag uusapan lang kami nitong si Akiah"

Love at first Collision [GxG] [ProfxStud]Where stories live. Discover now