LAFC 21 - 𝗗𝗮𝘁𝗲 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗺𝘆 𝗯𝗼𝘀𝘀 Part 2

6.5K 185 37
                                    

"Ma'am, harap ka sakin" Tawag ko at itinapat sakanya ang cellphone ko.

Tumingin naman agad si ma'am sa camera.

*Click*

Napa ngiti naman ako pagkatapos kuhanan ng litrato si ma'am.


[Ma'am Khal's picture]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[Ma'am Khal's picture]


"Ma'am ang ganda mo, sobra" Puri ko at ngumiti ng pagka tamis tamis.

Napansin ko naman na biglang namula ang mga pisngi ni ma'am.

"No Akiah, mas maganda ka" Naka ngiting sagot nito at lumapit saakin para hawakan ang mga kamay ko.

"Ang ganda ganda gandaaaaa mo" Saad nito at inilagay ang mga hibla ng buhok sa likod ng tenga ko.

Bigla naman akong napatitig sa mga mata ni ma'am.

Ang ganda ng mga mata niya.

Katulad ng kay prof Everest....

"Ang ganda ng mga mata mo ma'am..." Komento ko kaya naman natigil ang pag tititigan naming dalawa.

"Really?" Tanong nito.

"Yes po" Sagot ko at ngumiti.

"T-thanks" Pasasalamat nito habang namumula.

"Ermm... Let's go? Medyo dumidilim na din kase eh" Nahihiyang sabi nito at pinalitan ang topic, dahilan para matawa ako.

"Oh sige po. Let's go naaaa" Masiglang sabi ko at hinatak na siya patayo.

Habang hinahatak ko si ma'am ay hindi ko nakita na may bato pala sa dinadaanan namin.

"Shit" Rinig kong mura ni ma'am bago kami bumagsak.

Napa pikit naman ako nang maramdaman ko ang simento sa likod ko.

Pagmulat ko ay nakita ko si ma'am na nakatitig saakin.

Nasa taas ko siya....

*Tug* *Tug* *Tug* *Tug* *Tug*

Rinig na rinig ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso ni ma'am na animo'y gusto nang lumabas sa ribcage niya.

Love at first Collision [GxG] [ProfxStud]Where stories live. Discover now