LAFC 27 - 𝗦𝘂𝗱𝗱𝗲𝗻 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻?

2.2K 86 11
                                    

"Kiah..." Tawag saakin ni Kenzo.

Nandito kami ngayon sa music room, nagpapahinga.

"Bakit...?" Tanong ko habang naka dukdok pa rin sa lamesa.

Shet, sakit ng ulo ko.

"When are you planning to break up with her?"

Ito nanaman tayo eh.

"Kenzo, please... Hindi ako makikipag hiwalay kay Eve. Mahal ko siya..." Sagot ko.

"What? You know we've talked about this, Akiah..."

"Walang usapang naganap, Kenzo. Sadyang pinipilit mo lang talaga akong makipag hiwalay sakanya"

"Akiah, pwede ba?! Hiwalayan mo na siya! She's not good enough for you, trust me...!" Naiinis na sabi pa nito.

"Kenzo, ayoko-"

"It's either HER or US?!" Sigaw nito, dahilan para mapatingin samin ang mga kaibigan namin.

"Please, Kenzo, huwag naman ganito-"

"Your professor who only wants pleasure and your body, or your best friends for 11 fucking years?!" Pagputol nito sakin.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

Naguguluhan na ako sa mga inaasal nila.

"I'm sorry... Pag iisipan ko muna" Sagot ko bago tumayo at naglakad palabas ng music room.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay napadpad ako sa garden ng University namin.

Hmm, walang tao.

Mabuti naman, makakapag isip ako ng maayos.

"Akiah?"

Naknamputa naman.

Napa tingin naman ako sa aking likuran nang may biglang magsalita.

Si Aries lang pala.

"Aries? Anong ginagawa mo dito? Sinundan mo ako?" Tanong ko.

"Oo eh. Gusto ko lang masigurado kung ayos ka lang" Sagot naman nito at tumabi saakin.

"Alam mong hindi ako ayos, Aries"

"Naiistress kana ba masyado?" Tanong nito, dahilan para mapairap ako.

"Wala, huwag mo nalang akong masyadong isipin. Isipin mo yang kalagayan mo" Simpleng sagot ko habang nakatingala.

"Hindi pwede. Nag aalala din kaya ako sayo" Rebat nito.

"Hay nako. Bahala kana nga dyan. Uuwi na ako. Ingat kayo ah" Paalam ko at tumayo na para umalis.

"T-teka..." Pigil nito.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

"Pheww... Ano yon, Aries?" Tanong ko at pilit na ngumiti.

Gusto ko nalang maging halaman sa tabi.

"Hatid na kita?" Tanong nito.

"Huwag na, Aries. Okay lang ako. Sige na, mauuna na ako" Sagot ko at umalis na.

Habang naglalakad ako palabas ng campus ay may napansin akong pamilyar na pigura sa di kalayuan.

Si ma'am.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love at first Collision [GxG] [ProfxStud]Where stories live. Discover now