"Ma'am, salamat po sa pag hatid ah?" Naka ngiting pasasalamat ko nang makababa kami ng kotse.
"Don't mention it" Tugon nito.
"Oh sige na po ma'am, see you tomorrow nalang po ah? Sobrang thank you din po pala sa mga bagong damit at gamit na binili niyo po para sakin"
"You're welcome dear. Alright, I'll go ahead na. Sunduin nalang kita dito tomorrow at exactly 6 pm" Saad nito at ini abot na ang mga paper bags saakin.
"Sige po, mag iingat po kayo sa pag da-drive ma'am. Goodnight po"
Napa tigil naman ako nang bigla itong lumapit at hinalikan ako sa pisngi.
"Goodnight, Akiah" Malambing na sabi nito at hindi na ako hinintay pang maka sagot dahil dire-diretso na ito sa kotse at pinaharurot na agad.
"Ma'am! Magnanakaw ka ng halik!" Malakas na sabi ko kahit alam kong hindi na ako nito naririnig.
Pagka pasok ko naman ng pinto ay nagulat ako nang madatnan ang apat na kaibigan ko na nag aabang habang naka kunot ang mga kilay.
"Ano ba? Nanggugulat naman kayo eh!" Reklamo ko.
"Ahm, what was that?" Tanong ni Kenzo.
"Ang alin?"
"Your boss just kissed you, Akiah. Is she the reason kung bakit ka nagkaka ganyan? Is she the reason kung bakit ka umiiyak?" Seryosong tanong nito.
"Hoy wag nga kayong issue. Staka no, hindi siya yon. Nagkakamali kayo ng iniisip, magkabigan lang kami ni ma'am Khalani" Sagot ko
"Eh bakit ka niya hinalikan? I swear, may gusto sayo yung boss mo Akiah" Singit naman ni Renzo.
"Mga gago, wag kayong delulu ha? Kaka basa niyo yan ng Wattpad mga jusko kayo" Medyo naiinis na sabi ko at pumasok na sa loob.
"Sure kaba dyan?" Singit naman nitong si Kaycee.
"Aba'y oo naman. Staka kaibigan yon ng mga prof ko, baka nga mamaya ibagsak pa ako ng mga yon kapag nalaman nilang hinalikan ako ng kaibigan nila eh" Sagot ko sa mga to.
Inabot ko naman ang suklay at humarap sa salamin para ayusin yung ipit ko.
"Nag punta pala kanina dito si professor Smith" Saad ni Seira, dahilan para mabitawan ko ang suklay.
"A-anong sabi mo?" Tanong ko dahil baka mamaya mali lang ako nang dinig.
"Wala, sabi ko Bini"
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito.
"Anong Bini?" Tanong ko.
"Binilat. HAHAHAHAHAHA" Sagot nito at sabay humalgalpak ng tawa.
"Pfftt"
Napa tingin naman ako sa mga kasama ko at nakitang nagpipigil sila ng tawa. Si Kaycee ay mapagkakamalan ng kamatis sa sobrang pula ng mukha.
YOU ARE READING
Love at first Collision [GxG] [ProfxStud]
Romance𝕆ℕ - 𝔾𝕆𝕀ℕ𝔾 A/N: Enjoy the story y'all ----- Date started - 01/29/2024 Date ended - Additional chapters -