LAFC 20 - 𝗗𝗮𝘁𝗲 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗺𝘆 𝗯𝗼𝘀𝘀

8.8K 234 106
                                    

Ma'am Khalani's calling •
decline | answer


"Hello po ma'am Khal?" Saad ko nang sagutin ang telepono.

[Hey Akiah. Tatanong ko lang sana kung saan kita susunduin?] Tanong ng nasa kabilang linya.

"Susunduin po? Kala ko po ba magkikita nalang po tayo?" Nagtatakang tanong ko.

[Ayoko na kasing mag commute ka pa kaya na isipan ko na sunduin ka nalang since wala naman na akong ginagawa right now]  Parang nag aalangan na sagot ni ma'am.

"Ah ganon po ba? Sige po ma'am send ko nalang po sainyo yung address ng apartment ko po" Saad ko.

[I guess I'll see you later then?]

"See you ma'am, mag iingat po kayo sa pag da-drive at huwag po kayong mag madali" Paalala ko.

[Alright, copy that ma'am]

Naka ngiti ko namang pinatay ang tawag.

Pagkatapos non ay tumayo na ako sa pagkakahiga at nag inat inat muna bago tumayo.

Pagka labas ko ng kwarto ay nadatnan kong nagluluto ng agahan si Seira kasama si Kaycee.

Dito kasi sila natulog lahat. Ayaw daw nila akong maging lonely since nakita nilang maga ang mga mata ko kagabi nung sumunod kami ni Kenzo sakanila.

"Ganda ata ng gising mo. Naka ngiti kana agad eh" Nang aasar na sabi ni Kaycee, habang si Seira naman ay pa ngiti ngiti lang.

Umirap nalang ako at lumapit sakanila para tignan kung ano yung niluluto nila.

"Mukhang masarap ah" Komento ko sa nilulutong fried rice ni Seira.

"Syempre naman, ako nagluluto eh" Mayabang na sagot naman nito at ngumisi, dahilan para mapa ngiwi ako.

"Kiah" Tawag ni Kenzo kaya naman napa lingon ako sakanya at nakita na may hawak hawak siyang tasa.

"Here, drink this. Hot chocolate yan. Your favorite" Nakangiting saad nito at ini abot sakin ang tasa.

"Thanks Kenz" Pasasalamat ko at pumunta na sa hapag kainan para ma upo.

"Okay everyone, let's hold hands para makapag dasal na" Saad ni Seira matapos maghain ng mga pagkain.

Naghawak hawak naman kaming lahat ng kamay at pumikit.

"Panginoon, maraming salamat sa mga biyayang nakahanda sa aming hapag-kainan. Ang mga biyayang ito ay aming pinahahalagahan sapagkat sa iyong kabutihan at kapangyarihan nagbuhat ang lahat ng mga ito."

"Maraming salamat, Panginoon sa patuloy ninyong pagbibigay sa amin ng mga pagkaing aming kailangan upang maging malakas at malusog sa aming araw-araw na buhay. Maraming salamat din sa aming pagsasama-sama ngayong oras ng pagkain at nawa'y magkaroon kami ng pagkakataong muli sa susunod pang mga araw na muling magkasama-sama upang pagsaluhan ang iyong mga magagandang biyaya. Sa pangalan ng iyong anak na si Jesus"

Love at first Collision [GxG] [ProfxStud]Where stories live. Discover now